Chapter 2

1136 Words
Kasalukuyan kong hinihintay sa may hardin ng mansion si Marco. May practice game kasi siya ngayon at mamaya na ang liga sa bayan. Kasama ako ni Marco para manuod sa game nila at para may taga-suporta daw siya. "Okay na ako.." Napalingon ako sa gawi ni Marco. Tumango naman ako at humarap na sa kanya. "Mauna ka na pala muna sa court, dadaanan ko lang saglit si papa sa 7/11." Sabi ko sa kanya. Saglit na kumunot ang noo niya pero napawi rin naman ito. "Sige, puntahan mo rin ako pagkatapos ah?" Aniya. Lulan kami sa kotse nila Marco. May driver din na nagmamaneho sa driver seat habang katabi ko naman dito sa likod si marco na naglalaro ng kung ano sa iPad niya. "Sir Marc, si Mac po susunduin po ba muna natin?" Tanong ng driver nila Marco. Napabaling naman ang atensyon ko kay Marco na napatigil sa paglalaro. "Sige.." Sagot niya. May kapatid na bunso nga pala si Marco. Dalawa lang silang magkapatid at panganay si Marco. Siyam na taong gulang na ang kapatid ni Marco na si Mac. Nang makarating kami sa eskwelahang pinapasukan ni Mac ay agad akong bumaba upang salubungin ang bata. Mabilis ko naman siyang nakita na mukhang naghihintay sa may waiting shed ng paaralan. "Mac!" tawag ko. Nilingon ko ito at agad naglakad patungo sa akin. "Pawis ka, naglaro kayo?" tanong ko. Pawis na pawis kasi si Mac. "Opo Ate, 'tsaka nawawala din yung bimpo ko, eh." Aniya. Tumango naman ako at kinuha ang panyo sa aking bulsa. Pinunasan ko ang pawis sa likod at noo ni Mac. Sanay na sa akin si Mac dahil kadalasan ay ako ang naghahatid sundo sa kanya kapag may inuutos si Mayor sa mga yaya nito. Mabait si Mac at gwapo tulad ng kuya nito. Pinagkaiba nga lang nila eh mahiyain si Marco samantalang etong si Mac naman ay bibong-bibo. Pumunta na kami sa sasakyan pero wala si Marco sa loob. "Kuya Robert, nasan ho si Marco?" tanong ko kay kuya Robert. "Pumunta lang saglit sa lamay sa may looban, Alam mo naman na wala ang Daddy nya ngayon dito sa bayan kaya kailangan niya munang tumulong saglit.." Aniya. Tumango naman ako bilang pagtugon at sumakay na sa sasakyan nila. "Ate, pwede po bang paabot ng iPad ni kuya?" Tanong naman sa akin ni Mac. Kinuha ko naman ang iPad sa aking tabi at iniabot agad ito kay Mac. "Alam mo ba passwaord?" tanong kosa kanya. Sa lahat kasi ng mga gadgets ni Marco ay kahit ni isa ay wala akong nalalaman na passwords niya. Gulat ako nang tumango si Mac. "Opo ate. Birthday mo atsaka birthday ni Kuya.." Nanlalaki ang mata kong tinignan siya at kasabay nito ang pagsulpot ni Marco sa tabi namin. "Akin na nga 'yan!" Inis na sabi ni Marco kay Mac. Sumimangot naman si Mac na ibinigay ang hawak niyang iPad. "madamot.." Bulong ni Mac. Natatawa ako saisip ko. Ito talagang mag-kuyang ito. Habang nasa biyahe patungong bayan ay nag-aasaran ang dalawang magkapatid. "Tignan mo itong picture ko. Ang gwapo diba?" tanong ni Marco kay Mac. Eto naman si Mac ay maengganyong tumitingin lang sa iPad ni Marco. "Hindi ka naman gwapo kuya, mas gwapo ako sa'yo.." Saad ni Mac kaya napatawa na ako nang tuluyan. Nakita ko ang pagsimangot ni Marco. "Supot!" Asar ni Marco kay Mac. Tuluyan na akong nakisali sa kanila dahil masama na ang loob nitong si Mac samantalang si Marco ay hindi na pinapansing kapatid niya. "Marco, tumigil ka.." Sabi ko rito. Hindi naman sumagot si Marco at nagpatuloy na sa paglalaro sa iPad niya. "Ate, sa bakasyon na po ako magpapatule diba? Inaasar ako ni kuya eh.." Sabi ni Mac sa akin at isinandal ang ulo sa balikat ko. Tumango naman ako at tumahimik na rin ang bata hanggang sa makatulog ito. Inihatid muna namin sa mansion si Mac at natulog na doon at dumiretso na kami sa court at etong si Marco na kanina lang ay nasa tabi ko ay may hawak na ngayon ng bola sa gitna ng gym. Pinanuod ko muna siya saglit at nang magpahinga siya ay lumapit agad ako sa kanya. "Marco, pupuntahan ko muna si Papa.." Sabi ko rito. Uminom muna siya ng tubig na iniabot ko sa kanya bago sumagot. "Sama na kaya ako?" tanong nito. Mabilis na umiling ako. "Ano ka ba, H'wag! May practice ka oh!" Sabi ko rito. Tumango naman siya at muling kinuha ang bola sa kateam-mate niya. "Sige, mag-ingat ka. Bumalik ka dito bago mag game ah?" Sabi niya. Ngumiti naman ako at tumango. Habang naglalakad papuntang 7/11 ay nakasalubong ko si faith. "Andrea!" Sabi niya at agad lumapit sa akin. Ngumiti naman ako sa kaibigan ko at saka siya niyakap. "Lilipat ka pa ba sa school namin ngayon? Miss na kita.." sabi ko rito. Matagal na kaibigan ko na kasi si Faith, simulakasi elementary aykaklase ko na siya. Yun nga lang ay napalipat siya ng eskwelahan dahil doon nagtuturo ang Mommy niya. Teacher kasi ang Mommy nito. "Hindi na yata ako lilipat, ayaw na kasi ni Mommy.." Sabi niya.Tumango naman ako. "Andrea!" Lumingon ako sa tumawag sa akin sa may hindi kalayuan. Nakita ko si Marco na may hawak na bola na papalapit sa kinaroroonan namin ni Faith. "Bakit ka sumunod?" tanong ko rito. Kibit-balikat lamang siya. "Mamaya pa naman yung game eh.." Sabi niya. Wala naman akong magawa kung hindi ang sumang-ayon na lamang sakanya. "Hi Faith.." Bati niya kay Faith na ngayon ay namumula na sa harap ni Marco. Marami kasing kababaihan ang patay na patray na kay Marco at isa siguro si Faith doon. Halos lahat kasi nang taga-dito sa San Carlos ay kilala rin ni Marco kaya marami talagang nakakakilala sa kanya. Ngumiti si Faith at nagpaalam na sa amin dahil kailangan niya na raw na umuwi. Muli kong binalingan ng tingin si Marco na sinusundan ng tingin ang papalayong si Faith sa amin. "Yung crush ko!" Bulong niya. Halos manlaki ang mata ko sa narinig ko. Maganda si Faith at may kaya ito sa buhay. Mas matangkad din ito sa akin. Hindi ko alam na may gusto pala si Marco sa kaibigan kong si Faith, ngayon ko lang talaga nalaman. "Crush mo si faith?" tanong ko. Tumango naman ito habang ang mga mata ay sumusunod pa rin sa papalayong si Faith. "Ahhh.." Napatango-tango ako at muling nagsalita. "Balik ka na sa gym, aalis na ako.." Sabi ko. "Hindi. Sasama ako.." sagot niya. Hindi na ako nagpaawat na at sabay kaming naglakad patungong 7/11. Maraming nabati sa kanya at may mga nagpapapicture pa nga kung minsan. Tahimik kaming naglalakad hanggang sa siya na mismo ang bumasag sa katahimikang iyon. "Andrea.." Tawag niya. Saglit na naipukaw ko ang tingin ko sa kanya. "Hmmm?" Lumunok ito bago muling magsalita. "Pwede bang tulungan mo akong maligawan si Faith?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD