bc

FALL IN LOVE (Tagalog)

book_age0+
32.9K
FOLLOW
185.9K
READ
possessive
playboy
arrogant
badboy
king
queen
comedy
sweet
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

The best feeling is when I look at you and you're already staring. I love you, my queen, my love.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Tabi, hinaharang mo kaya yung daan ko!" Inis na sabi ko nanaman kay Marco. Pauwi na kasi ako galing sa klase ko pero ayaw nanaman akong tantanan nitong lokong ito. "Sige na kasi, ayaw mo bang escort nalang ako? gwapo naman ako ah?" Aniya habang nagpapapogi-sign pa sa harap ko. Nahampas ko tuloy sa braso ang lokong ito. "Hindi nga ako aattend sa prom Marco. paulit-ulit 'to. Kaloka!" Sabi ko. Naglakad na ako at pinabayaan siya sa likod ko pero naramdaman ko nanaman ang presensya niyang ayaw naman akong lubayan kaya nang inis na humarap ako sa kanya ay mabilis na itinaas niya ang dalawang kamay niya. "Oh, teka-teka! Chill lang Andrea..." Natatawang sabi nito. Sa inis ko ay mabilis ko siyang tinalikuran at muling naglakad. "Teka lang Andrea!" Habol na sabi ni Marco sa likod ko. Inis ko siyang binalingan. "Ano nanaman?!" "May tagos ka kasi.." sabi niya habang ang nguso ay nakaturo sa may pwetan ko. Nanlaki naman ang mata ko at agad siyang tinanong. "Ano? Teka sigurado ka?!" Malakas na bulong ko sa kanya at pasimpleng lumapit pa sa kanya. Tumango ito at ngumiti ng nakakaloko. "Yup. Kaya siguro badtrip ka sa akin dahil may mens ka ano?" natatawang tanong nito. Hinampas ko naman siya sa braso niya at saka ako nagsalita. "Pahiram ng jacket mo.." Sabi ko rito habang siya ay nasa likod ko lamang at natatawa. "Aattend ka nang prom?" tanong niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Ano ba, pahiram na kasi!" Tinanggal niya ang jacket niya at binigay sa akin ito. Mabilis na inilagay ko ito sa baywang ko para matakpan ang bandang likod ko. "Nakakahiya, bakit ngayon mo lang sinabi?" Asar na tanong ko rito. Tumabi naman siya sa akin habang hindi matigil sa pagtawa ang loko. "Ang init ng ulo mo, hindi ko tuloy maisingit sa sasabihin ko.." Halakhak niya Fourth year high school na kaming dalawa ni Marco at magkaklase rin kami. May prom rin kami next week at sabi sa akin ni Marco, gusto niya raw na ako ang partner niya dahil ayaw niyang umattend kapag wala raw siyang partner. Ako naman, ayokong pumunta dahil hindi ko trip. Hindi naman kasi ako mahilig diyan at hindi ko feel ang pa-prom prom na 'yan. Mayaman ang pamilya ni Marco, katunayan nga ay Mayor ang Daddy niya dito sa San Carlos. Gwapo siya at may maipagmamalaki talaga. Hindi katulad ko na mahirap lamang. Si Mama kasi ay katulong lamang sa bahay nila Marco at si Papa naman ay security guard sa 7/11 sa may bayan bagamat mahirap ang buhay namin ay maganda naman ako, katunayan nga ay marami akong kaklase na nagkaka-crush sa akin 'yun nga lang walang nagtatangkang nanliligaw sa akin. Hindi ko alam kung bakit at paano. Wala pa naman kasing nanliligaw sa akin na kahit sino. Seventeen years old na ako pero no boyfriend since birth ang lola niyo samantalang etong si Marco na nasa tabi ko na kahit ka edad ko ay hindi na mabilang ang mga naging babae sa buhay nito. Ako ang lagi-laging kasama ni Marco sa kahit saan. Ang alam kasi ng Daddy niyang si Mayor Ignacio ay mapagkakatiwalaan naman ako which is totoo naman talaga. "Andrea, may game ako mamaya sa bayan, manuod ka ah?" Aniya. Tumango naman ako bilang pagtugon. Narinig ko pa ang pabulong niyang 'yes' at saka tumabi na nang tuluyan sa akin habang naglalakad pauwi sa kanila. Pupunta rin kasi ako sa mansion nila dahil 'doon kami nakatira nila papa. 'Yun nga lang, hindi sa mansion kung hindi sa gilid ng mansion kami nakatira. Kaloka. "Oo nga pala Marco.." Mabilis na sabi ko nang may maalala ako nang makadaan kami sa tindahan. Kinuha ko ang maliit na wallet ko na naglalaman ng kwatro pesos. Saan makakarating ito? Tumingin ako kay Marco.. "Pwede bang pautang muna ng seven? Wala na pala akong napkin sa bahay.." Sabi ko pa rito. Ibinalik ko sa bulsa ang wallet na hawak ko at muling pinasadahan ng tingin si Marco na ngayon ay nasa harap na ng tindahan. "Ano ba 'yang napkin mo? With wings ba kamo?" Malakas na sabi niya kaya ang Ilan sa mga malalapit na taong naririto ay napasulyap kay Marco sa kalakasan ng boses niya. Napasimangot ako subalit sumagot rin naman agad. "Oo. Yung whisper.." Tugon ko. Hinintay ko na lamang si Marco sa may waiting shed sa harap ng tindahan. Pero maya-maya lang ay nandito na siya sa tabi ko at inabot ang tatlong whisper with wings na hawak-hawak niya. Kunot noo ko 'yong inabot. "bakit tatlo? Magkukulang ang pambayad ko sa'yo.." Saad ko. Ngumiti naman ang loko at saka muling naglakad kasabay ko. "Hi Marco.." Sabay kaming napatingin ni Marco sa may di kalayuan kung saan nagmula ang boses. "Uy, ikaw pala 'yan Kathrina.." Ani Marco. Napatahimik ako habang nasa gilid lamang ni Marco na ngayon ay mukhang kinikilig ang loko. Crush yata ni Marco ito. "Marco, Wala pa akong kapartner next week sha prom.." Malanding sabi ni Kathrina kay Marco kaya naman sa isip-isip ko ay napataas ako ng kilay ko. Si Marco naman ay tila natameme na para bang wala ako sa tabi niya. Sabagay, sino ba naman ako para ipagpalit dito sa chinitang mukhang intsik na 'to? Isa lang naman akong hamak na malaki ang mata pero maganda pa rin. Napakamot si Marco sa ulo niya. "Uhhh..." Muli niyang pinasadahan ng tingin si Kathrina at'saka binigyan ng isng napakagwapong ngiti. "Pwede bang ako nalang?" Sambit ni Marco na hindi ko na dapat ikabigla. Waley nanaman ang beauty ko. Hanggang bahay nalang ba o hanggang banyo nalang talaga ang kagandahan ko? Hindi na ba talaga ako makakapuntang prom? Sa isip-isip ko'y may point rin naman ang pag-anyaya ni Marco kay Kathrina na sila nalang ang magpartner sa prom para wala namang gastos si Mama sa pagrenta palang ng susuotin kong gown sa araw na 'yon. Dagdag gastos rin kasi'yon at isa pa. Hindi talaga aabutin ang budget ni Mama at Papa para lang sa beauty ko noh! "Ow yeash! Sho itetext nalang kita?" Ani naman ni Kathrina. Mas lalo akong napairap sa sinabi niya. Oo nga pala naka-braces si Kathrina. Kakapakabit niya lang noong isang araw ng braces niya. Sungki-sungki kasi ang ngipin nitong chinitang intsik na ito. Tumango naman si Marco at marahang ngumiti kay Kathrina. "Uhh sige paalam na muna.." Aniya. Hinarap naman agad ako ni Marco at pansin niya agad ang salubong na kilay ko. "Oh, bakit nakasimangot ka nanaman?" tanong niya habang naglalakad kami papauwi. Napailing ako. "Wala. Oh, eh di okay ka na? Hindi na ako aattend ng prom, H'wag mo na akong kulitin sa ganyan.." Saad ko. Tameme siya sa sinabi ko. Gusto kasi niyang kasama niya lagi ako dahil nahihiya siya kapag siya lang laging mag-isa. Hindi ko alam sa lalaing ito. Gwapo naman at wala namang dapat na ikahiya pero shy na shy siya pag tuwing wala ako sa tabi niya. "Mamita.. Mamita!" Tawag ko kay Mamita na nakita kong nagdidilig ng halaman sa hardin ng mansion nila Marco. Kinuha ko naman agad ang bag ni Marco para ipasok ko na sa loob pero iniiwas niya ito sa akin. Binuksan naman ni Mamita ang gate at sumalubong nga ang bungal na ngiti niya sa harapan namin. "Magandang hapon sa inyo." Saad ni Mamita sa aming dalawa. " ..Señorito Marco pinapasabi ni Mayor na pupunta siyang Maynila ngayong araw dahil makikipagkita sa ilang mga mayor doon.." Sabi pa ni Mamita kay Marco. Lumayo na ako sa kanila at hinayaan ang dalawang makapag-usap. Wala na naman pala ang Daddy ni Marco mamaya at kung kailan uuwi itoay hindi ko na alam. Ang Mommy kasi ni Marco ay matagal nang nilisan ang mundong ito. Nadeds kasi ito noong tinamaan nang colon cancer. Saksi ako at nakiramay ang pamilya ko sa kanila noong panahong iyon. "Mama..." Tawag ko nang makapasok ako ng bahay. "Nandito na po ako.." Sabi ko. Narinig ko ang medyo malakas na stereo kaya ngayon ay pihado akong nagsasasayaw nanaman na tila bagets ang nanay ko. Lumapit ako sa kinaroroonan niya at tama nga ako. Nagzu-zumba mag-isa ang Nanay ko. "Andyan ka na pala Andrea, 'Yung pagkain mo ni-ready ko na.." Sabi niya. Lumapit naman ako at nagmano sa kanya, pagkatapos ay ipinagpatuloy na niya ang pagsasayaw niya. Tinignan ko ang pagkain na nakahain sa mesa. Sardinas nanaman, hindi na rin ako dapat na magtaka na sardinas nanaman ang ulam namin ngayon. Sardines Capital kaya itong lugar namin! Patapos na akong kumain at kasalukuyang iniinom ko ang tila mala-hot water na tubig na nasa baso nang may tumawag sa akin mula sa labas ng bahay. "Andrea! Andrea! Tawag ka ni Señorito Marco sa loob..." Rinig kong sabi ni Mamita mula sa labas kaya naman mabilisna naibuga ko ang tubig na nasa loob ng bibig ko. Sumagot ako. "Nariyan na po.." Niligpit ko agad ang pinagkainan ko at nang matapos ay agad na akong nagbihis nang damit. Naka-uniform pa kasi ako. Lumapit ako sa kinaroroonan ni Mama. "Work work work work work work.." Napatigil ako nang saglit nang marinig kong sinasabayan niya ang work ni rihanna. "Ma, pinapatawag ako ni Marco.." Tumango naman si Mama habang nagboobooty work. Sa katunayan. May itsura talaga itong si Mama, Hindi na talaga ako magtataka kung maganda talaga ako dahil maganda rin naman si Mama. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay sumalubong sa akin ang isang napakaengrandeng mga ari-arian. Sa tinagal-tagal kong nakakapsok dito ay hindi ako nagsasawang mamangha sa karangyaang taglay ng buhay nila Marco. Nakasalubong ko ang isa sa mga katulong sa bahay na ito. "Andrea, Kanina ka pa pinapatawag ng senyor sa itaas.." Saad ni Manang Thelma ang mabait na katulong rin dito sa mansion. "Opo.. kumain lang ho kasi ako.." Sagot ko rito. Sa hindi ko malaman na dahilan ay tumawa si Manang Thelma kasabay nang paghulog ng pustiso niya sa kumikintab na sahig ng mansion. "Diyos ko!" gulat na sabi ko. Mabilis na pinulot ni Manang Thelma ang pustiso niya at muling inilagay sa bibig. "Okay lang po kayo?" tanong ko rito. Tumango naman ito at muling tumawa pero ngayon ay nakatakip na sa bibig ang kamay niya. "Sige na, pumanhik ka na at mukhang masama ang lagay ng senyor sa itaas.." Ilang pinto pa ang nadaanan ko bago pa ako makarating sa tapat ng kwarto ni Marco. Kumatok pa ako ng tatlong beses kahit na alam kong pwedeng-pwede naman akong pumasok. Kahit naman kasi kailan ay lagi niya akong isinasama sa kwarto niya 'yun ay kung wala siyang katopak-topak. Marahan kong binuksan ang pinto at walang Marco ang sumalubong sa akin. Nakila ko lang na bukas ang malaking flat screen na t.v niya. Pumasok ako at dinama ang malamig na hangin na nagmumula sa aircon ng kwartong ito. "Marco.." Tawag ko. Narinig ko ang ingay nang tubig na nagmumula sa banyo ng kwartong ito. Pihado akong naliligo ang isang iyon kaya napagdesisyunan ko na hintayin na lamang siya rito sa kwarto, Naupo ako sa malambot na kama niya at humarap sa telebisyon. Bago manuod ay inilibot ko muli ang mata ko upang tignan ang mga bagay na nasa loob ng kwarto niya. Mapait akong napangiti nang makita ko ang regalo ko sa kanyang t-shirt na golden state warriors ang tatak na naka-hanger sa may bukas na cabinet niya. Regalo ko sa kanya ang t-shirt na 'yon na nagkakahalagang isang daang piso sa bayan noong nakaraang taon pagsapit ng birthday niya. "Kanina pa kita hinihintay.." Napalingon ako kay Marco na ngayon ay nakatapis nalang ng twalya sa may tapat ng banyo niya. Mabilis akong pumikit at ibinalik ang tingin sa telebisiyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

One Night with the Bachelor

read
7.1M
bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M
bc

His Cheating Heart

read
40.8K
bc

A Night With My Professor

read
495.9K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

You're Paid (Book1&2)-SPG

read
2.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook