MATCHMAKER; NO FALLING INLOVE

1308 Words
Kabanata 8: NO FALLING INLOVE Pagpasok ni Emma sa penthouse, napahinto siya sa pintuan at napatingala sa kisame. Kahit na alam niyang mayaman si Chase, hindi niya inaasahan ang ganitong klaseng luho. Mataas ang ceiling, may eleganteng chandelier na tila mas mahal pa sa buong bahay na kinalakihan niya. Ang sahig ay gawa sa polished marble, at ang buong lugar ay may malalaking bintana na nagbibigay ng panoramic view ng lungsod. Napalunok siya. Para itong isang five-star hotel—o isang bahay na makikita lang sa mga pelikula. Hindi ito mukhang tahanan. “Tumayo ka na lang ba diyan magdamag?” Malamig na boses ni Chase ang bumasag sa pananahimik niya. Napalingon siya rito, nakatayo ito sa may hagdanan, ang mga kamay ay nasa bulsa. “Hindi ko lang in-expect na ganito ka-luxurious,” aminado niyang sagot habang muling iginala ang paningin sa buong sala. “Ang laki ng bahay mo para sa isang tao lang.” Chase smirked. “Tama ka. Kaya nga may kasama na ako ngayon, hindi ba?” Napangiwi si Emma. “Hindi ko alam kung compliment ‘yan o insulto.” “Either way, may kwarto ka na.” Tinuro nito ang isang hallway sa kaliwa. “Pinahanda ko na para sa’yo.” Dala ang maleta niya, tinungo niya ang silid. Pagpasok niya, muli siyang natulala. May king-sized bed na may malambot na headboard, may sariling banyo na may bathtub, at may walk-in closet na punong-puno ng mga bagong damit—mga designer clothes na mukhang hindi abot ng budget niya kahit ipunin niya ang suweldo niya ng tatlong taon. Napalingon siya kay Chase, na kasunod lang niya. “Ano ‘to?” “Ipinahanda ko.” Napataas ang kilay niya. “Pati ‘to? Hindi naman kasama sa usapan natin ‘to.” Umangat ang sulok ng labi ni Chase. “Ayaw mo?” Napatingin ulit si Emma sa mga damit. Sa totoo lang, gusto niya. Sino ba naman ang tatanggi sa ganito kagandang wardrobe? Pero mas gusto niyang maging independent kahit papaano. “Huwag kang mag-alala, hindi libre ‘yan,” dagdag pa ni Chase. “Ibabawas ko sa sweldo mo.” Napasinghap si Emma. “Anong sweldo? Wala namang sahod sa pagiging fake wife!” Naglakad si Chase palapit sa kanya, yumuko ng bahagya para mas matitigan siya. “Kung gano’n, dapat hindi mo na lang isinuot ang engagement ring.” Nanigas si Emma nang maalala ang singsing sa daliri niya. Hindi pa rin siya sanay suotin ito___ isang mamahaling alahas na isa lang ang ibig sabihin sa paningin ng ibang tao. Misis na siya ni Chase Donovan. Sa papel, oo. Pero sa totoong buhay? Hindi niya alam kung paano niya tatawirin ang isang taong pagsasama nila nang hindi nasasangkot ang puso niya. “Magpahinga ka na,” sabi ni Chase. “Simula bukas, simulan na natin ang pagpapanggap.” Kinabukasan Maaga pa lang ay nagising na si Emma. Unang gabi niya sa penthouse ni Chase, at pakiramdam niya ay hindi siya masyadong nakatulog. Bumaba siya sa kusina, naka-pajama pa at nakayapak, nang naamoy niya ang mabangong kape. Nagulat siya nang makita si Chase na nakaupo sa kitchen island, umiinom ng kape habang nagbabasa ng newspaper—classic CEO vibes. Pero ang pinakanakaagaw ng pansin niya? Wala itong suot na pang-itaas. Napakurap siya, agad na iniwas ang tingin. “Bakit parang nanibago ka?” tanong ni Chase nang mapansin ang reaksyon niya. “Wala,” sagot niya, binuksan ang ref para maghanap ng maiinom. “Sanay lang ako sa normal na bahay. Hindi sa mala-hotel na tirahan.” Nagtaas ng kilay si Chase. “Kung gano’n, isipin mo na lang na nag-check-in ka sa pinakamahabang staycation ng buhay mo.” Napangiwi siya. “Staycation daw. Kaso, walang check-out.” Umangat ang sulok ng labi ni Chase. “Exactly.” Huminga siya ng malalim at naupo sa harapan nito, hawak ang isang baso ng tubig. Tahimik lang si Chase na nagpatuloy sa pagbabasa, pero hindi niya maiwasang pansinin kung paano ito parang relaxed na relaxed. Siya? Hindi niya alam kung paano siya magiging komportable sa setup na ‘to. “Emma.” Napatingin siya rito. “Hmm?” Ibinalik ni Chase ang newspaper sa mesa at tiningnan siya nang diretso. “May isang bagay akong nakalimutang sabihin.” Napaangat ang kilay niya. “Ano na naman?” Tinitigan siya nito, ang mga mata ay may bahid ng panunukso. “No falling in love.” Napasinghap si Emma. “Ha?” Umangat ang sulok ng labi ni Chase. “Simple lang. Ayokong magkaroon ng komplikasyon. Kaya tandaan mo, Emma—no falling in love.” Napairap siya. “Wala akong balak.” Ngumisi si Chase, parang hindi kumbinsido. Lumapit ito nang bahagya, bumaba ang boses sa isang halos bulong na tono. “Mabuti kung gano’n. Dahil kung mahulog ka…” Nag-pause ito, saka lumalim ang tingin. “Hindi kita masasal—” "Bakit? Magaling ka bang sumalo?" putol ni Emma, tinaasan ito ng kilay. Napangisi si Chase. “Depende kung gusto kong sumalo o hindi.” Nagtagal ang titigan nila, parehong naghihintay kung sino ang unang aalis ng tingin. Hanggang sa bumuntong-hininga si Emma at umiwas. "Tapos na ba ang drama? Gutom na ako," sagot niya bago tumayo para kumuha ng pagkain. Ngunit sa kabila ng biro niya, isang bagay ang gumugulo sa isipan niya. Ang paraan ng pagtitig ni Chase sa kanya… Parang gusto nitong subukin kung kailan niya malalabag ang sarili niyang patakaran. Pagkatapos ng agahan, sinimulan ni Emma ang pag-iikot sa buong penthouse. Kahit pilit niyang huwag ipahalata, hindi niya maiwasang mamangha. Sa laki ng lugar, pakiramdam niya ay naliligaw siya sa sariling tahanan na hindi naman talaga kanya. Napadpad siya sa may sala, kung saan may isang malaking bookshelf na puno ng business at law books. Sa gilid, may isang luma ngunit kilalang classic romance novel. Napangiti siya at walang malay na kinuha ito. “Hindi ko alam na mahilig ka sa romance,” biro niya habang hawak ang libro. “Hindi ako mahilig,” malamig na sagot ni Chase mula sa likuran niya. “Regalo lang ‘yan ni Mom dati.” Napalingon si Emma rito. Nakatayo si Chase malapit sa kanya, nakasuot na ng business suit, halatang paalis na. “Regalo ng mom mo?” Tumango lang ito at mabilis na ibinaling ang tingin. Halatang ayaw nang palawigin ang usapan. Sa halip, lumapit ito sa kanya. “Anong plano mo ngayong araw?” “Wala naman. Mag-a-adjust muna ako rito.” Ibinalik niya ang libro sa shelf. “Ikaw?” “Aalis ako. May kailangan akong asikasuhin sa kumpanya.” Inayos ni Chase ang cuffs ng kanyang suit bago tumingin ulit sa kanya. “Pero pagbalik ko, sisimulan na natin ang pagpapanggap bilang newlyweds.” Napaangat ang kilay ni Emma. “At paano naman ‘yun?” Ngumisi si Chase at biglang lumapit sa kanya, dahilan para mapaatras siya. Pero hindi siya nakalayo—masyado itong lumapit, halos magdikit na ang katawan nila. “Simple lang,” bulong ni Chase. “Simula ngayon, kahit nasaan tayo, kahit sino ang kaharap natin…” Hinawakan nito ang kanyang baba, bahagyang itinagilid ang mukha niya upang magtama ang mga mata nila. “Ipapakita nating in love tayo sa isa’t isa.” Bumilis ang t***k ng puso ni Emma, pero pinilit niyang panatilihin ang poker face niya. “Easy,” sagot niya, pilit na ngumiti. “Madaling magsinungaling.” Napangiti si Chase, ngunit may kakaibang kislap sa mga mata nito. “Tingnan natin kung hanggang saan mo kayang magsinungaling.” At bago siya makasagot, tumalikod na ito at naglakad palayo. Iniwan siyang nakatayo roon—hindi sigurado kung anong parte ng usapan nila ang isang laro lang, at kung alin ang nagsisimula nang maging totoo. Dahil sa totoo lang… Mahirap magsinungaling kapag hindi mo na alam kung alin ang totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD