CHAPTER 2

1633 Words
Athena POV Nagising ako nang bigla mapauntog ang ulo ko sa likod ng upuan. Naalala ko nakasakay nga pala ako sa isang sasakyan na pula. "Teka! Nasaan na ba ako?" Dahan dahan akong sumilip sa labas parang nasa isang beach resort ata ako. Paano ako napunta dito? Mukha naman walang ng tao sa loob ng sasakyan. Inayos ko ang aking sarili para sa pagbaba ko sana nang bigla may nagbukas ng pinto ng sasakyan. Kaya naman nanlaki bigla ang aking mga mata. "Jusmeyo! Kabayo! Ay este, babae! Hala, Ace! Ace! Iho! Sino ang babaeng ito?" wika nang may katandaan ng babae sa wari ko'y nasa singkwentahan na ang edad nito. Kinabahan naman ako kaya dali-dali akong bumaba nang sasakyan at pinilit ko’ng pakalmahin ang kaharap ko’ng babae na ngayon ay natataranta. Akala siguro nito ay masama akong tao. "Ah, eh! Manang, Ano po kasi ahmm…” Bakit 'di ako makapag-isip kaagad ng sasabihin para sana kumalma ito. "Manang, Judith! Ano po 'yun? Anong nangyayari sa inyo d'yan? Nakakakita ka na naman ba ng ahas?" Para akong na istatwa ng marinig ko ang malaking boses ng isang lalaki. Bakit bigla akong lalong kinabahan? Nakatingin lang ako sa babaeng kaharap ko. 'Di ko magawang lumingon para tingnan sana kung ano itsura nang lalaking nagmamay-ari nang malaking boses na 'yun. "Ah! Iho, kilala mo ba ang babaeng ito?" Kakasura rin itong si Manang, e. Itinuro pa talaga ako nito habang titig na titig pa ito sa akin. "Sino, Manang, siya ba? No, I don't know her. Teka, Ms. Sino ka ba? At bakit ka nasa likod ng sasakyan ko?” tanong ng lalaking nasa likod ko lang. Bigla nag-init ang mukha ko at pinagkuskusan ko rin ang dalawang palad ko. Kabado talaga ako ngayon baka pagkamalan pa ako ng mga ito na magnanakaw ako. "Ah, Ano po kasi. Bale, Ano kasi…” Nilalaro ko naman na ngayon ang mga daliri ko dahil talagang kinakabahan ako sa malaking boses nito. Ganito ako kapag kinakabahan, pinagkukuskusan ko at nilalaro ko ang mga daliri ko. "Pwede ba! Humarap ka kapag kinakausap kita! Uulitin ko Ms. Sino ka? At bakit ka nakasakay sa sasakyan ko? Isa pa, basta-basta ka na lang pumapasok sa lupain namin.” Napakunot noo ako lalo, patay, sila pala ang nagmamay-ari ng lugar na ito. Lalo na akong natakot at kinabahan baka ipahuli ako sa pulis ng mga ito. "Hala! Sandali lang kuya! Hindi ko gusto pumasok sa lupain niyo, noh! Natural nakasakay ako sa sasakyan niyo kaya rito ako bumagsak,” bulong ko sa aking sarili. Haist! Ano na naman ba itong pinasok ko? Dahan-dahan naman ako humarap dito at sa pagharap ko parang biglang nag-slowmo ang buong paligid at tanging ang lalaking ito lang ang nakikita ko. Bagay na bagay pala sa kaniya ang malaking boses dahil mataas na lalaki ito at may mga muscle rin sa braso at dibdib. Halatang alaga sa gym, may abs din ito. Ilan kaya abs nito? Kita rin ang isang malaking tattoo sa dibdib niya at kanan braso. Lalo siyang naging matcho dahil sa mga tattoo nito. "Hey, Ms.! Laway mo kumakalat na!" Hala nakakahiya naman kaya naman kaagad ko pinahid ang laway na sabi nitong kumakalat na sa totoo naman ay wala pala. Sinimangutan ko ito na kinangiti naman niya. Anong problema nang isang ito kanina lang ang sungit niya pero ngayon naman nakangiti na? Pero bakit ganu’n parang nag-slowmo na naman, may mga stars pa ako nakikita sa paligid niya. Mukhang nagde-day dream ata ako, ah, o baka naman gutom lang ito? "Ano ba! Wala naman, ah!" tugon ko rito na kunwari ay naiinis ako pero sa totoo ay kinikilig ako sa pagngiti nito sa akin. "Para ka kasing na engkanto, e, nakatulala ka. Masyado ba akong gwapo sa paningin mo? Teka, ‘di mo pa sinasagot ang tanong ko, sino ka? At bakit ka nandito? Pangatlong tanong ko na ito, pwede pakisagot na?” Nakangiti ito pero nainis na rin ito sa aking hindi pagsagot sa mga tanong niya. "Naku! Mamaya mo na nga siya tanungin, Ace. Maigi pa, Iha, magpalit ka muna nang damit mo at ang dungis mo." Napatingin naman ako sa mas matandang nagsalita. Ang ganda nito kahit puro puti na ang mga buhok nito at bahagyang kulubot na ang mga balat sa mukha, ngunit makikitaan pa rin dito na taglay nito ang kagandahan ng mukha noong siya'y kabataan. "Judith! Samahan mo siya sa guest room para roon ay maligo at magpalit ng kaniyang damit,” utos nito kay Manang Judith, at agad naman ako nitong inialalayan para pumunta sa kwarto. "Sige po, señora. Halika na Ineng at ng makaligo at makapagpalit ka na rin. Saan ka ba kasi nanggaling at amoy lansa ka pa?” sambit niya. "Makalansa naman itong si Manang, natural isda ang paninda ko kaya magiging malansa talaga ang amoy ko,” bulong ko ulit sa sarili ko. --- "Apo, kilala mo ba ang babaeng 'yun? Maganda siya, apo, kahit madungis at mukha naman mabuti siyang bata,” banggit ni Mamita sa akin. Nakatanaw ito sa babaeng 'yun na bigla na lamang sumulpot dito sa lupain namin. "Hindi po, Mamita. Ano ka ba Mamita, 'di nga natin 'yun kilala, e. Malay ba natin kung may tinatakasan ang babae na 'yun. Tingnan mo po itsura niya ang dungis niya at napansin mo po ba mga pasa niya sa braso baka mamaya kriminal pa 'yan, e,” sagot ko kay Mamita. Pagkakita ko sa babaeng ‘yun kanina mga pasa agad niya ang nakita ko. "’Wag ka ngang ganyan, Ace, apo! Nararamdaman ko’ng mabait siyang bata,” replied nito sa akin. Napakabait talaga ni Mamita. Hindi ito humuhusga sa panlabas na anyo. "Joke lang, Mamita, mukhang mabait naman talaga siya,” wika ko kay Mamita, kahit na sa loob ko ay may pagduda sa babae na 'yun. Ayaw ko lamang mas mag-alala pa si Mamita. --- Nakatingin ako sa salamin, ngayon lang ako nakapagsuot ng ganitong klase nang damit. Ang ganda nang dress na ito, sigurado akong mahal ito. Inilugay ko ang straight ko’ng buhok. Maya-maya ay lumabas na rin ako. Nakita ko sa labas si Manang Judith, mukha hinihintay talaga ako nito. "Wow! Ineng, ang ganda mo. Hindi ko akalain na may ganda ka pa lang itinatago,” puri nito sa akin kaagad pagkakita pa lang nito sa akin. "’Di naman po, Manang Judith, ako ‘to, oh. He-he. Biro lang po, Manang. Mm... 'di po kaya nakakahiya baka po magalit ang may-ari nang dress na ito?" sambit ko kay Manang, umiling pa ito habang nakangiti sa akin. "’Di Ineng, naiwan 'yan dito nang kapatid ni sir Ace, nasa America naman 'yun kaya okay lang 'yan." "Ganun po ba? Salamat po, Manang Judith." Lumabas na kami at medyo nagugutom na ako dahil sa 'di pa ako kumakain ng tanghalian. Dinala ako ni Manang sa isang open na kubo at nakita ko roon na kumakain ‘yung Ace at ‘yung Lola nito. --- "Oh! Nandyan na pala siya, apo." Napatingin ako sa babaeng naglalakad palapit dito sa pwesto namin ni Mamita. Ang ganda niya parang bumagal ang paglalakad nito, ang ganda niya talaga. Ito ba talaga ang babaeng madungis kanina? Lalong nagbigay appeal ang mahaba nitong buhok na pinapalad ng hangin. Ngumiti ito nang bahagya kaya naman kitang-kita ang dalawa nitong dimple na malalim. Bumagay ang dimple nito sa maliit niyang mukha. "Oh, Iha, halika umupo ka rito, sabayan mo kaming kumain ng apo ko na si Ace." Umupo ito sa kaharap ko’ng silya, halatang na iilang ito at nahihiya. "Maraming salamat po, 'di po ako tatanggi sa pagkain at talagang gutom na po ako, e.” Nagulat naman ako nang tumawa ng malakas ang Mamita ko na ngayon ko lang ulit nakita. Napangiti na rin ako, prangka ang babaeng ito at nahuli niya kaagad ang loob ng Lola Daisy ko. "Nakakatuwa kang bata ka masyado kang prangka. Hala, Iha, kumain ka lang ‘wag kang mahihiya." Mukhang gutom na nga ang babaeng ito, nang napansin ko na naman ang ilang pasa nito sa braso. ‘Di ko na natiis ang magtanong dito habang kumain ito. Mukha nabigla ata ito nang magsalita ako kaya napatingin ito sa akin na nanlaki pa ang mga mata nito. Tumaas bahagya ang dalawang sulok ng aking labi. Ang cute nitong magulat. "Saan mo nakuha ang mga pasang 'yan? Ano nga ba pangalan mo?" tanong ko muli dito, pang-apat na beses na akong nagtatanong dito at sana naman ay sagutin na niya ang mga tanong ko. "Sorry po 'di pa nga pala ako nakakapagpakilala. Ako nga po pala si Athena at ang mga pasang ito ay nakuha ko sa tiyahin at pinsan ko." Nagulat ako sa sinabi nito ganun din ang Lola Daisy ko, mukha naman nagsasabi siya nang totoo dahil kung ganu’n minamatrato pala ito nang mga kamag-anak niya. "Kaya ka ba tumakas dahil sinasaktan ka nila? Kaya ka nagtago sa sasakyan ko, Athena?" tanong ko’ng muli rito, alam ko na nagtago ito sa sasakyan ko dahil 'yun ang sinabi ni Manang Judith kanina sa akin. Bigla raw ito lumabas sa likod ng aking pulang pick-up truck. "Ah, hindi po, Sir. Bale, nagtitinda po ako ng isda sa palengke kanina. Nagkataon po na ‘yung kaibigan ko ay napaaway syempre umawat po ako. E, kaso nadamay ako dahil pati ako sinambunutan nu’ng magpinsan na nanghamon sa amin ng away. Um, kaya naman sa inis ko nasuntok ko po ‘yung dalawang 'yun nang may dumating naman po’ng pulis. Sa takot namin ng kaibigan ko ay tumakbo kami. 'Yun lang nagkahiwalay kaming dalawa. Haist, sana okay lang si Suzette." Nagulat naman ako sa sinabi nang babaeng ito kaya pala siya nagtago sa sasakyan ko. Bigla ako nakaramdam ng awa sa babaeng ito, ewan ko pero parang bigla ko’ng naramdaman na gusto ko siyang protektahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD