bc

My RunAway Groom

book_age16+
4.9K
FOLLOW
15.9K
READ
revenge
drama
sweet
like
intro-logo
Blurb

Iaabot ko na sana ang kamay ko kay Ace nang bigla itong tumakbo palayo sa akin. Naiwan akong mag-isa sa harap ng dambana ng simbahan. Nakita ko pang maraming tao ang nagbubulungan at nakatingin sa akin.

"Athena! Athena! Saan ka pupunta?” tanong ni Suzette at Ethan.

Tumakbo ako palabas ng simabahan at pilit ko hinabol si Ace.

"ACE!!!"

"Athena, umalis ka na! Please! UMALIS KA NA!"

"Mag-usap muna tayo, Ace! Please!"

"UMALIS KA NA! ATHENA, WALA NA TAYO DAPAT PA PAG-USAPAN ATHENA!”

"Bakit?! Chezka! Bakit ka pa nanggugulo sa amin ni Ace, huh?! Bakit?! Hindi ba niloko mo na siya dati? Hindi ba sinaktan mo si Ace? Bakit ngayon na okay na siya at masaya na siya sa piling ko, bakit bigla ka na lang babalik?! Bakit Chezka?! Ganiyan ka ba talaga kasama, huh?!Ganiyan ka ba talaga ka-desperada, babae ka?! Harapin mo ako, Chezka!! Humarap ka sa akin!!!"

"Tama na! Athena! Umuwi ka na! Ayaw ko na! Tapos na tayo!"

"A-anong ta-tapos na tayo, Ace? Hindi ba sabi mo mahal mo ako? Hindi ba sabi mo na po-protektahan mo ako? Hindi ba sabi mo hindi mo ako sasaktan? Ba-Bakit Ace?” Naglandas ang mga luha ko sa aking pisngi habang ako ay nagsasalita at nagmamakaawa sa kaniya.

"Sorry, Athena, akala ko mahal kita. Hindi pala pagmamahal ang nararamdaman ko sa ‘yo kung hindi awa lang. 'D-di, 'di ko pala kayang mawala sa akin si Chezka. Siya talaga ang mahal ko, Athena. Patawad, makakaalis ka na!"

"Hindi! Ace! Sabihin mo nagbibiro ka lang! Sabihin mo na 'di totoo lahat ng sinasabi mo ngayon. Ace! Please! Sabihin mo na ako ang mahal mo! Hindi ba sabi mo sa akin na mahal na mahal mo ako? Ace, 'di ba sinabi mo 'yun. Ace, naman parang awa muna! Sabihin mo’ng 'di totoo ang mga sinabi mo! Sabihin mo’ng ako! Ako lang ang mahal mo, ACE!!!”

"’Di kita minahal kailan man, Athena! Awa lang ang naramdaman ko para sa ‘yo! Si Chezka, ang totoong mahal ko at siya lang ang pakakasalan ko. I’m sorry!"

— —

Anong mararamdaman mo kung ang taong inakala mong mahal na mahal ka ay ang tao palang mananakit at dudurog sa puso mo? Makakaya mo pa bang harapin ang taong sumira sa buhay mo,? Paano kung muling kayong magtagpo nanh landas? At muli niyang sabihin sa ‘yo na ikaw lang ang minahal niya at hanggang ngayon ay mahal pa rin niya? Maniniwala ka pa ba sa mga matatamis niyang salita at mga pangako? Lalo na't alam mo na may asawa na ito at 'yun ang babaeng pinili niya noon. Iiwasan ba ni Athena si Ace, o sa pangalawang pagkakataon ay susundin niya ang sinasabi nang kaniyang puso?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
ATHENA “Hoy, babae ka! Bilisan mo nga d'yan! Tatamaan ka na naman sa akin niyan, e! Hindi mo ba alam na tanghali na, huh! Gaga ka!" galit na wika ni Tiya sa akin. Masarap pa sana humiga at matulog, ngunit kung hindi ako babangon tiyak na hindi lamang sermon ang aabutin ko. Kung hindi sampal at kurot mula kay Tiya. Pagbaba ko ay agad na akong naghanda ng mga dadalhin para sa pagpunta sa palengke. "Nandyan na po, Tiya,” tugon ko rito nang magsimula na naman itong magsisigaw sa akin. Wala na atang araw na hindi nag bunganga itong si Tiya. 'Di kaya ito napapaos sa kakatalak sa akin? Hay, naku! Kaya naman ito 'di na ako mag kanda ugaga sa mga bitbit ko’ng timba na may lamang isda. Alas quatro pa lang ng madaling araw gising na ako para maggayak ng mga paninda ko’ng isda sa palengke. Ako lang kasi ang naghahanap buhay dito sa amin. Samantalang si Tiya wala nang ginawa kung hindi ang magsugal, pati na rin ang pinsan ko walang ginawa kung hindi ang gumimik. Kaya ako itong nagpapakahirap sa pagta-trabaho para lang may panggastos kami rito sa bahay. Kung hindi ako kakayod sa paghahanap-buhay paniguradong gutom ang aabutin nami’ng tatlo. At baka hindi lamang araw-araw ako’ng bubugbugin ni Tiya, baka buong maghapon ang gawin nitong p*******t sa akin. "Kanina ka pa d'yan babae ka, ta-tanga tanga ka na naman! Sinabi ko na sa ‘yo kanina pa na tanghali na! GAGA!!" Bago pa lang ako nalapit kay Tiya na abot agad ako nito para pingutin ang tenga ko. Napapikit naman ako dahil sa pinong-pino nitong pagpingot sa aking tenga. "Aray! Tiya masakit po! Hala! Tama na po!" Hindi lamang pagpingot ng tenga ang ginawa nito, may sambunot pang kasama. Lagi na lang ganito ang inaabot ko pag 'di ko agad nasunod ang gusto ng Tiya ko at pinsan ko. Kung minsan namamanhid na lang ako sa mga ginagawa nilang p*******t sa akin, wala atang araw na 'di nila ako sinaktan. Parang hindi kumpleto ang araw nila kapag hindi nila ako sinaktan. "Sige na, umalis ka ng gaga ka! At huwag na huwag kang babalik dito na hindi mo nauubos ang mga panida mo’ng isda. Dahil kung hindi papakain ko sa ‘yo ng hilaw ang mga matitira mo’ng isda. Alis na, bwesit ka!" Itinulak pa ako ni Tiya "Hay, naku! Athena, sakit ka talaga sa ulo tatamad-tamad ka! Hala, bilsan mo na baka sipain pa kita palabas niyan, e!" Akala ko tapos na ako kay Tiya,pero dumating pa ang maldita ko’ng pinsan. Dalian na ako lumabas ng bahay dahil baka kung ano pa madampot ng pinsan ko at ihagis sa akin. Panigurado kapag nangyari 'yun ay bukol o pasa na naman ang aabutin ko. "Konting-tiis lang makakaipon din ako. Makakaalis din ako sa poder ng Tiya at pinsan ko’ng sadista!" wika ko sa sarili ko habang naglalakad papuntang palengke. "Hey! Tisay! Sabay na tayo. Oh, anong nangyari d'yan sa buhok mo wala bang suklay sa inyo at ang gulo-gulo ng buhok mo. Mag-ayos ka nga sayang ang beauty mo, deyy..." sambit ng matalik ko’ng kaibigan na si Suzette. Ito lang ang nakakaunawa sa sitwasyon ko. Ang gusto nga nito ay sa kanila na ako tumira kasi lagi lang daw ako pinapahirapan ng Tiya at pinsan ko. Kaso sa tuwing naalis ako susundan pa rin ako ni Tiya at ipapahiya ako sa madaming tao. Minsan nga ay nadadamay lang si Suzette, kaya minabuti ko na lang magtiis sa poder nilang mag-Ina. "Naku! Alam ko na, ang Tiyang demonya mo na naman ang may gawa n'yan, ano? Ano ka ba Athena? Hanggang kailan ka ba magtitiis? Sobra na ‘yang pinsan at Tiya mo, ah,” inis na sambit ni Suzette sa akin. "Bayaan mo na, bessy, sanayan lang 'yan. Baka magulat pa nga ako kung sa isang araw ay hindi nila ako saktan, e." Tumingin ito sa akin habang nakataas ang isang kilay. Alam ko’ng naawa na ng sobra sa akin ang kaibigan ko pero ayaw ko naman maulit muli ang nangyari noon na pati siya ay nasaktan ni Tiya at ipinahiya pa ito ng pinsan ko. Ayaw ko nang madamay pa ang Bessy ko. "’Di ka kasi lumalaban sa mga lintik na 'yun, e! Kaya alam mo inaabuso ka nang mga 'yun! Lagyan mo kaya ng lason ang pagkain ng mga demonyang 'yun.Ano tulungan na kita! Lasunin na natin ang mga salot sa buhay mo." Natawa naman ako ng malakas kahit kailan talaga ay loko-loko itong bessy ko na ito. "Haizt! Ang dami mo’ng alam, tara na nga at ta-tanghaliin na tayo n'yan, e. Ayaw ko pa naman kumain ng isda na hilaw." Kinuha nito ang isang timbang may lamang isda at naglakad na kami papuntang palengke. Mabuti na lamang talaga at lagi itong nandito para sa akin. Hindi ko rin alam ang gagawin ko sa buhay ko kapag nawala sa akin ang matalik ko’ng kaibigan na si Suzette. Ito na lamang ang mayroon kasi ako. "Ano ready ka na ba, bessy? " tanong ni Suzette na may tinda itong mga kasag, pusit at hipon samantala ako naman ay puro isda lang ang tinda. "Okay! Bessy, ready na din ako,” sagot ko rito. Maya-maya ay bumanat na kaming dalawa ng pagkanta at unti-unti na rin lumalapit ang mga taong mamimili para bumili at tumingin ng isda namin. Ito ang lagi namin diskarte ng kaibigan ko kaya naman laging ubos ang aming mga paninda. Kaya rin naman ang ibang mga kasamahan namin sa palengke ay laging nakataas ang mga kilay sa amin. Lalo na si Clarice na laging nakasimangot, malaki ata ang inggit ng babaeng ito sa beauty namin ni bessy, e. Para nga itong pinaglihi sa sama ng loob dahil lagi itong nakasimangot kapag nakikita kami. "Hay, naku! Mga nangbubudol na naman ang dalawang impakta! Napakagaling talagang mambudol!" banggit ni Clarice na lumapit pa talaga sa pwesto namin sa kapal ng make-up nito na daig pa nito ang clown. Ang pulbos naman nito sa mukha ay daig pa sa napasubsob sa harina sa kaputian. "May naririnig ka ba, Bessy, parang may nagsasalitang mukhang multo, ano?" tinuran naman ni Suzette, patola talaga ang isang ito. Pero bilib ako sa tapang ng kaibigan ko, mas matapang pa ito sa akin. "Naku! Bessy, tigilan mo na 'yan ‘wag mo na lang pansinin. Maigi pa ayusin na natin ang mga gamit natin total ubos na paninda natin." Hindi ko na lamang pinansin ang pag paparinig ni Clarise, samantalang itong si Suzette ay nag uumpisa nang umusok ang ilong sa sobrang irita at inis kay Clarise. "Paano naman 'di mauubos e, mga mangkukulam ata kayong dalawa. Bakit? Dahil napapasunod niyo ang mga tao para bumili sa inyo. Sure ako na ginagamitan niyo sila ng dasal na latin para mapasunod ang mga tao sa inyo! Magkaibigan na mangkukulam!" Nakataas pa ang kilay nito habang nakatingin sa akin, at talagang sa akin pa ito nakatingin na akala mo ay may malaking atraso ako sa kaniya. "Aba, at talagang hinahamon tayo nang mukhang clown na ito, ah!" gigil na sambit ni Suzette. "Anong sinabi mo’ng babae ka, huh?!” Nagulat naman ako ng ibuhos ni Clarice ang isang timbang may lamang mga isda kaya naman basang-basa si Suzette. "Bwesit kang clown ka!" Sumugod naman agad si Suzette kay Clarice, nagpambuno na ang dalawa at sinubukan ko’ng umawat sa mga ito. Kaso pati ako'y sinabunutan ng babaeng clown na ito at dumating pa ang pinsan nitong bakla, at ako ang pinuntirya. Sa inis ko 'di na rin ako nakapagpigil at binanatan ko nang suntok ang baklitang mukhang s**o! At ganu'n din si Clarice, binigyan ko ito nang isang suntok na nagpatulog sa kaniya, palakpakan naman ang mga tao sa palengke na may ilan pa na sumisigaw. "Anong gulo 'yan, huh?!!" Bigla naman may dumating na dalawang pulis at nakatingin ang mga ito sa amin dalawa ni Suzette. "Patay na, Bessy, takbo!” Dalian kami sa pagtakbo ni Suzette, sa bilis ng pagtakbo ko nagkahiwalay na pala kami ng kaibigan ko. Nakita ko ang isang pulis na nakasunod pala sa akin kaya naman sumakay ako sa isang kotseng pula na nakabukas ang pinto. Kaagad ko 'yun isinara, kita ko pa ang pulis na palinga-linga habang ako ay napabuntong-hininga na lang at hinintay ko na makaalis ang pulis. 'Di ko namalayan nakatulog na pala ako. Sa isang iglap lamang ganoon ba ako kapagod para biglang makaidlip ng ganoon kabilis? Humugot ako nang malalim na hininga at saka dahan-dahan ko inulpot ang aking ulo para sumilip sa labas. "Ano nakita mo ba yung isang babae pare?" ani nang matabang pulis na humabol kanina kay Suzette. "’Di nga e, yung isa 'di ko rin naabutan, ang bilis nilang tumakbo e,” usapan ng payat na pulis na napatingin pa sa gawi ko kaya agad ko inilubog ang ulo ko. "Tara na pare, 'di na siguro babalik ang mga 'yun. Tiyak ako na nagtago na kung saan ang dalawang babae na 'yun." Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko na umalis na ang mga ito. --- "Manong Rick, okay na po ba lahat? Na ilagay niyo na po ba sa likod ang lahat ng napamili natin?" "Yes, Sir Ace. Okay na po ang lahat at nakaayos na ang mga pinamili natin sa likod." "Okay! Manong Rick, pakisarado na nang likod at aalis na tayo baka nag-iintay na si Mamita sa resort." "Okay po, Sir, masusunod po."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook