“Hon, matagal ka pa ba?” Narinig kong tanong ni Jess sa kausap nito sa kabilang linya paglabas ko ng banyo. “’Di ba, sabi ko nga sa ‘yo gusto kang ma-meet ni Anika?... Oo, ngayon lang ang free time niya… Ok, bye! Ingat. Love you too.” Nilingon niya ako pagkatapos ibaba ang telepono. “He’s coming,” sambit nito na medyo inirapan pa ako. “Kung nagkataon na hindi kita kapatid baka napagselosan na kita. Aba, kung maka-demand ka ‘kala mo jowa mo ‘yong pinapasundo mo sa ‘kin.” Ngumiti ako at ikinawit ang kamay ko sa braso niya. “Kasalanan mo, ang tagal kasi ng honeymoon n’yo eh. Hindi na tuloy tayo nagkita. Na-miss kaya kita,” malambing na sambit ko. Napangiti siyang tumingin sa akin. Maya maya’y iniwas nito ang mga mata saka nag-aalangang muling tumingin sa akin. “Kambal, may gusto sana akon

