Napipikon na nilampasan ko siya saka tuloy tuloy na bumalik sa dining area. Naabutan kong masayang nagku-kwentuhan ang mag-asawa at sabay na napaangat ng tingin pagdating ko. “Nurse Anika! Are you alright?” Mrs. Campbell asked worriedly. “Yes, Madam. I think I still had a jetlag from our long trip that’s why I felt a little dizzy.” “Oh! Then hurry up as soon as the meal has been served and take some rest,” sabi nito na medyo nabawasan ang pag-aalala sa mukha. Umupo ako sa tabi nito. “By the way, your friend Engineer Nolan has been so sweet and truly a caring friend of yours.” Nagtataka akong napatingin dito. “Here he is,” sambit nito habang nakatingin sa likuran ko. Maya maya ay naramdaman ko ang paghila sa bakanteng upuan sa tabi ko at naupo ito roon. “I think, I heard my name, M

