One year later… - Nakangiting ibinalik ko kay Jessica si baby Jackson na ngayon ay himbing na himbing nang natutulog. Magiliw ko siyang tiningnan habang tinatapik tapik ito ni Jessica na bahagyang nagising. “Ang bilis ng panahon, ‘no? Ilang buwan na lang isang taon na ang pamangkin ko. Ang cute cute niya talaga!” gigil na sabi ko habang pigil na pigil na kurutin ang mataba at namumula-mula nitong pisngi. “Sinabi mo pa,” sang-ayon nito. “Ilang buwan na lang din ay siguradong pahihirapan na ‘ko nitong habulin siya. Ngayon pa lang na naglalakad siya gamit ang walker eh pinapahabol na tayo, paano pa kaya kapag kaya na niyang maglakad at tumakbo?” “Magsanay ka na kambal, ganyan daw talaga kapag boy. Masyadong energetic.” “Hay! Mabuti na lang talaga at hindi naging kambal ang anak ko. Ang

