Chapter 56

1454 Words

Isang malakas na sampal ang pinakawalan ko pagkakita pa lang sa kanya. Nanginginig ako sa galit. Gusto ko siyang sapakin at ilampaso ang mukha niya sa sahig. Pero agad akong pinigilan ni Jessica. Kung hindi lang ako nag-alala na baka kung mapaano ang dinadala nito ay baka mabura ko ang mukha ng babaeng ito. “I’m sorry...I’ m so sorry, Anika… Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko sa ‘yo, sa inyo ni Nolan… Hindi ko alam na buntis ka.” “Hindi mo alam? Nagmakaawa ako sa ‘yo, ‘di ba? Sinabi kong buntis ako para kahit sa anak ko man lang ay maawa kang demonyo ka!” Hindi ko na napigilan ang galit at sama ng loob na nararamdaman ko maalala pa lang ang anak ko na pinatay niya. Yumuko ito habang patuloy na umiiyak. Magulo ang buhok nito at maputla ang mukha suot ang malaking t-shirt na pan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD