Humahangos akong lumabas ng kotse pagtigil ko sa harap ng hospital. Binuksan ko ang pinto at agad naman pinagtulungan ng mga nurse na sumalubong sa amin ang walang malay na si Thalia na mabilis na isinakay sa wheeled stretcher patungo sa emergency room. Ilang minuto lang at dumating na rin ang mga magulang nito at kapatid. Umiiyak na dumiretso ang mga ito sa loob ng ospital. Ilang minuto kaming naghintay sa labas ng emergency room bago lumabas ang doctor. Nananatili akong nakaupo na may kalayuan sa kanila habang kinakausap nito ang mga magulang ni Thalia. “Oh, thanks God!” narinig kong bulalas ng Mommy niya. Natango tango ako at nakahinga nang maluwag. Bilang kaibigan at ka-trabaho ni Thalia ay nag-aalala ako para sa kanya. Ang alam ko ay maysakit siya pero ang sabi niya ay simpleng h

