Nolan -- “Nakapag-usap na ba ulit kayo ni Anika tungkol sa bata?” tanong ni Tito Ben habang papalapit sa kinaroroonan ko. Nandito kami ngayon sa isang golf course sa Pampanga kung saan sila madalas magpunta ni Tito Paul tuwing weekend. Ngayon na lang ulit ako sumama sa kanila dahil na rin sa pamimilit ni Johann. Gusto rin daw nitong matutunan ang sport na ito. Sumulyap ako sa kanya saka umiling. I took a closer look to my targeted area and then position my club and took another passive wrists for my shot saka lampasan ang tingin na sinundan ng mga mata ko ang golf ball. Napabuntong hininga ako dahil wala naman sa paglalaro ang isipan ko. Ang totoo ay mas gusto kong puntahan na lang si Anika sa bahay nila but I always had a second thought of doing it. Hindi ko kasi alam kung paano pak

