“Anak, darating ba si Anika?” Napatigil ako sa paghakbang papunta sa kwarto ko nang biglang sumalubong sa akin si Mommy. Nakasuot pa ito ng puting apron at mukhang nagmadali pa itong lumabas galing kusina. She was sweetly smiling na halatang excited sa pagdating ng inaasahang bisita. Today is our birthday. Johann and Jessica extended their honeymoon in Japan to celebrate Johann’s birthday. He called me a while ago to greet me and preach me at the same time. Aside from showing off how happy he was to celebrate our special day with the woman he loves habang ako, heto, still unhappy and somewhat miserable. Sinulyapan ko lang si Mommy saka umiling pagkatapos ay humakbang na ako papasok sa kwarto. Nahagip pa ng mga mata ko ang biglang paglaho ng ngiti nito. I know she also loves Anika. T

