Nakatulala ako habang tinutusok tusok ang poutine dish na nasa plato ko. Ang isang kamay ko naman ay nakapangalumbaba habang tumatagos ang mga mata hanggang sa ilalim yata ng table. I was in an immersed thought nang muntik na akong mapatili nang marinig ko ang malakas na hampas sa ibabaw ng table sa harapan ko kasunod noon ang pasalampak na pag-upo ni Charlie sa tapat ko. Tiningnan ko siya nang masama. “Dear, tulala ka na naman,” untag nito habang matamang nakatitig sa akin. “Isang buwan ka ng nakabalik dito pero isang buwan ka na rin yatang lutang.” “So, dapat ginugulat?” mataray na tanong ko. “Ayan pa, ang taray mo lagi. May period ka, teh?” nakasimangot na tanong nito. Ngumuso ako saka pinilit na tinikman ang dish na dati kong paborito. “Pa’no kase, kanina ko pa tinatawagan si J

