Pumasok ako sa loob ng club na medyo hinihingal pa. It's because of that f*cking bastard! "Good morning po, Ma'am! Mamaya pa po ang bukas namin, balik na lang po kayo ng mga ala-singko po. Thank you po." Salubong agad sa 'kin ng isa sa mga crew na naglilinis. Inayos ko ang sarili ko bago sumagot. "It's okay. Hindi naman ako bibili. I just want to talk to your manager, nand'yan ba siya?" "Yes po, Ma'am, pero bakit po?" Nilabas ko ang identification card ko na nagsasabing isa akong lawyer. "I just need to check some of your CCTV footages installed here. It's for our investigation of a confidential case. So please, kung nand'yan siya, baka pwedeng pakitawag. Thanks." Tiningnan nila ang ID ko at nagkatinginan sa isa't isa. "Tawagin mo si, Ma'am Licel," utos ng isa sa kasamahan ni

