"Hala ka, Miss Secretary galit na galit si Cristian."
Ngatngat ko ang kuko habang nakaupo sa sofa at di mapakali. Nasa harap ko iyong dalawang roommate namin at kanina pa sinasabi na galit na raw si Cristian dahil sa butas nitong brief.
"Umalis nga kayo sa harap ko! Kakainis kayo!" Singhal ko at halos sipain ko na sila paalis.
Huhu. Takot na nga ako tapos tinatakot pa nila ako.
"Ang laki pa naman ng ahas ni Cristian, Mary Grace. Lalabas yun kasi may butas." Saka sila nagtawanan.
Mas lalo akong naguilty. May ahas daw sa kwarto? Nako naman! Di pa kasi lumalabas si Cristian. Baka matuklaw siya!
Kahit na natatakot ay pinasok ko pa rin ang kwarto. Ayos lang pagalitan ng gunslinger! Kailangan na mailayo siya sa mga ahas!
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at doon nakita si Cristian na nakaupo sa kama. May nakatapis na tuwalya sa beywang niya habang seryoso ang tingin niya sa brief niyang may butas.
Naku naman!
"I told you I don't want to see your face, woman." English niya agad sa akin nang pumasok ako.
Hindi nga man lang tumingin. Napasign of the cross nalang ako. Kahit naman di ko naintindihan, halata sa boses niyang galit siya.
Huhu.
"Kasi..." Napakamot ako ng ulo at mabilis na sumalampak sa sahig. Naghanap agad ako ng pwedeng tirahan ng ahas. Lumusot pa ako sa ilalim ng kama pero wala akong nakita.
Naku naman! Saan kaya nagtatago yung mga hayop na yun?
"What are you doing - s**t!"
Agad akong tinulungan ng gunslinger na makatayo dahil nauntog pa ako habang papalabas ng kama.
Aray ko naman.
"Ano bang nangyayari sayo? Anong hinahanap mo?" Inis niyang tanong pero hinihimas pa rin ang tuktok ng ulo ko na mukhang may bukol na ata. Masarap yun sa pakiramdam kaya tumayo din ako at hinimas ang ulo niya. Hehe.
"Wala ka bang nakitang ahas dito?" Tanong ko at sinuri na ang mga cabinet. Baka nakapasok na sa mga damit namin.
"Ahas? Bakit ka naghahanap ng ahas?" Tanong niya sa akin. "Ang likot mo!"
Napanguso nalang ako dahil talagang tinulak niya ako paupo sa kama. Mukhang naiinis na siya sa kakahanap ko ng ahas. Hala! Baka nasa kanya ang ahas? O baka kakambal niya! May napapanood akong palabas na ganoon, may ahas sa ulo o kaya ay kakambal ng bida ang ahas.
"Sabi kasi nung mga kaibigan mo, galit ka kasi nga ano...." Napakamot ako ng ulo. "Binutas ko brief mo tapos daw hindi mo na maitatago ang ahas mo."
Rinig kong natatawa siya kaya inangat ko ang gulat na tingin.
"Hala! Totoong may ahas ka? Malaki ba? Sabi nila malaki daw! Soryyyyy! Di ko naman alam huhu magingat ka baka matuklaw ka. O kaya kung gusto mo ako nalang muna magtago ng ahas mo. Nanunuklaw ba?"
Mas lalong natawa ang gunslinger kaya sinuntok ko na ito sa sikmura. Nakakainis naman! Nagaalala na nga ako baka matuklaw siya.
"f**k, ang lakas mong manuntok." Reklamo niya pero ako ay napako na ang tingin sa tiyan niya. Ang tigas. Bakit sa akin malambot tiyan ko?
"Pahawak ulit hehe." Pakiusap ko at nagnakaw ng haplos sa tiyan niya. Grabe matigas talaga!
Inis naman siyang lumayo sa akin at talagang tinakpan ang tiyan niya gamit ang braso. Ang damot!
"Ako ng bahala sa ahas ko, Mary Grace. Go out and I'll change." Sabi niya sa akin.
Tumayo nalang ako at saka akmang bubuksan ang pinto pero tumigil ako. Ilang sandali akong tumitig sa kanya at ganun din siya sa akin. Ngumiti ako ng tipid at saka napapailing.
"Why?" English niya agad sa akin nang mapansin na di ko pa rin tinatanggal ang tingin sa kanya.
"Lagi kang magiingat." Paalala ko at minataan ang sugat niya sa braso na gawa ng daplis ng bala.
Alam kong masakit iyon.
"Iba ang mundo mo, nararamdaman ko. Ayoko mang husgahan ka, pero kaibigan na ang turing ko sayo, Cristian. Wag mong pababayaan ang sarili mo."
Kita kong nagulat siya sa sinabi ko. Tumikhim ako at agad na iniwas ang tingin.
"Saka....sorry." Kinamot ko ang ulo. "Kung kailangan mo talaga, pwede kang manghiram nalang ng panty sakin hehe."
Lumabas ako ng kwarto na walang ibang narinig kundi ang mura niya. Tumatawa akong lumabas ng cabin at dumiretso sa station para maghanda na sa gagawing campfire mamayang gabi.
Sobrang naging busy agad ako dahil panay na ang utos sa akin ng Vice. Napapanguso nalang ako at sa isip ay sinusumpa ko na siya. Hmp! Butasan ko rin kaya brief niya?
"Mary Grace.."
Agad kong inangat ang tingin nang marinig ang boses ni President. Inabot naman niya sa akin ang dala niyang tubig kaya nahihiya kong tinanggap iyon.
"S-salamat." Sabi ko at lumingon sa paligid. Naku naman! Ang hilig ni President lumapit sa akin!
"Don't exhaust yourself. Magpahinga ka muna." Sabi niya. Tumango nalang ako at saka medyo umiwas ng tingin.
Nakita kong naglakad na siya palayo. Tinanaw ko lang siya at binalik ang tingin sa hawak na tumbler. Di niya ba to kukunin? Hala mukhang mamahalin pa naman yung sisidlan.
"President!" Tawag ko. Ibabalik ko lang yung water bottle niya.
Nang lumingon sa akin si Pres ay saka ko tinapon ang bote sa kanya. Pero dahil bobo siya ay tumama lang iyon sa mukha niya.
"s**t! Mary Grace!" Malakas niyang sigaw at hawak ang ilong.
Bigla ako kinabahan. Huhu. Bakit parang galit siya? Kasalanan ko ba kung di niya sinalo?
"Sabi ko catch e!" Giit ko pa at napapadyak sa inis. Kawawa naman yung bottle.
"Wala kang sinabi! Binato mo lang sa mukha ko!" Sigaw niya. Ako pa talagang ginawang sinungaling.
"Sinabi kaya ng isip ko! Sabi ko catch! Pero sa isip lang!" Nguso ko at lumapit sa kanya. Naku naman nagdudugo na ilong niya.
"Oh God, ang sakit!" Parang naiiyak na siya. Tinapik ko lang ang noo niya at saka dinasalan.
"Sa kabobohan mo yan." Napapailing na sabi ko at saka tinapos na ang ritwal. Nilawayan ko na ang noo niya at nakangiting pumadyak paatras.
"Anong ginawa mo?!" Sigaw niya at pinunasan ang noo. Hmmp! Arte!
"Dinasalan kita! Para naman mahawaan ka ng katalinuhan ko." Sabi ko at umalis na. Rinig kong sumigaw siya pero di ko na pinansin.
"Kabobohan, Grace. Yan ang mahahawa sakin!"
Di ko nalang siya pinansin. Siya kaya ang bobo.
***
ALAS NUEBE na at alam kong nagsisimula na ang campfire. Gusto ko mang sumali dahil naghirap naman ako doon, hindi ko rin naman magawang iwan ang gunslinger na halos inaapoy na ng lagnat marahil dahil sa sugat niya. Baka naimpeksyon na. Sabi kasi nung kasama namin ay hindi ginamot ni Cristian ang daplis sa braso niya, basta lang naligo!
Pareho silang bobo ni President!
"Sigurado ka Miss Secretary?" Tanong sa akin nung isa nang sabihin ko na di ako sasali sa campfire at aasikasuhin nalang si Cristian.
"Oo. Saka sabihin mo nalang kay Vice o kaya kay Pres. Sabihin mo nilalagnat roommate ko."
Tumango sila sa akin bago umalis. Napasuklay nalang ako ng buhok bago sinumulang linisan ang sugat ng gunslinger. Nahirapan pa ako dahil sa kalikutan niya kaya tinali ko na talaga ang braso niya sa kama.
"Woman, you're crazy." Pageenglish niya sa akin kahit na nanginginig na ang katawan. Di ko nalang siya pinansin at tinapos na ang paglilinis ng sugat.
Baka kaya siya nilagnat kasi nalamigan betlog niya? Naku naman sabi ko kasi magpanty nalang!
"Marami akong panty, nagiinarte ka lang." Nguso ko at pumasok ng banyo para kumuha ng tubig, hinaluan ko rin iyon ng mainit na tubig para ipamunas sa katawan niya. Medyo tinagalan ko kasi fineel ko muna yung matigas niyang tiyan.
"Matigas rin tae mo no?" Tanong ko at pinindot ulit ang tiyan niya. Rinig kong natawa siya kaya napangiti ako.
Natapos ko na siyang bihisan sa pangitaas at siya na ang nagpalit ng pangibaba. Di na ako umalis, may suot naman kasi siyang boxer shorts at sabi nung kaibigan niya, sa pantalon daw tinatago ni Cristian ang alagang ahas niya.
"Akin na." Saka ko kinuha yung hinubad niyang pantalon at pasimpleng kinapa. Wala namang ahas ah!
Tinupi ko nalang iyong pantalon at tinabi saka ako lumabas para kumuha ng mainit na tubig. Wala raw siyang ganang kumain kaya hinayaan ko nalang. Pinapainom ko nalang ng tubig.
"Hindi ka ba hahanapin ng manliligaw mo?" Tanong ni Cristian bago ilapag ang baso sa may side table. Napunta agad ang tingin ko sa labi niya kasi pulang pula. Parang doon yata siya natuklaw ng ahas!
"Ha? Sinong naligaw?" Tanong ko pero di pa rin matanggal ang tingin sa labi niya. Huhu kakainggit. Bakit ang pula? Yung sa akin parang dry season lagi.
"Manliligaw, stupid. Yung President."
Sa sinabi niyang iyon ay napaangat ako ng tingin. Gulat kong tinakpan ang bibig. Omaygash!
"Si President? Naliligaw?!" Sigaw ko pero agad akong nakatanggap ng pitik sa noo mula sa kanya. Nakanguso kong hinimas iyon at tumabi sa kanya sa kama. Nakahiga siya habang ako ay nakaupo sa paanan niya.
Naku naman. Baka naliligaw si President. Napakabobo kasi nun!
"Ang sarap mong kausap." Sabi niya sa akin at umirap.
Nahihiya akong ngumiti at inayos ang buhok sa tenga. Hehe. Nakakataba naman ng puso. Masarap daw akong kausap.
"Thanks." Ngiti ko at binigyan siya ng flying kiss with beautiful eyes.
"Parang tanga." Irap pa niya pero napapangiti naman. Sus.
Ilang sandali kaming naging tahimik dahil wala ng mapagusapan. Sandali ako dumungaw sa bintana para sana magpahangin pero nagulat ako nang makita si President na nasa bungad ng kubo. Mukhang nakatingin siya sa hamba ng pinto ng cabin namin, nakapasok ang bulsa sa pantalon niya at saka seryoso ang mukha.
Napanguso ako. Mukhang naliligaw talaga siya. Kala niya siguro dito ang cabin niya. Amin kaya to.
"Bakit parang malungkot siya?" Tanong ko sa sarili habang tinatanaw na ang pagalis ni Pres palayo.
Napakamot nalang ako ng noo at bumalik kay Cristian na ngayon ay nakatingin na sa akin.
"Can we talk?" Saad agad nito nang mapansin ko ang titig niya.
Salubong ang kilay ko na tumango. Inutusan niya akong tumabi sa kanya kaya sumunod ako. Nakatihaya siya sa kama habang ako ay humiga patalikod sa tabi niya at pinilig ang ulo para ipakita ang leeg ko. Hehe naalala ko kasing humingi ako ng pabango ni Vice kanina, baka gusto niya ulit amuyin.
"Inaakit mo ba ako, Mary Grace?" Parang galit pa siya. Hindi ko siya sinagot at sinadya pang ipakita ang leeg. Masakit na nga e. Para na akong zombie pero ayos lang, sayang naman pabango ko kapag walang aamoy.
"Ano bang paguusapan natin?" Pabebe kong tanong at nag beautiful eyes ulit. Rinig ko ang mura niya bago tumalikod ng higa. Grabe ang bastos!
Kinalabit ko siya para paharapin sa akin. Humarap nga ito kaso ay nakapikit naman. Hindi lang siya madamot, maarte rin pala.
"Oh goodness." Rinig kong dasal niya kaya napa sign of the cross din ako. Hinayaan ko nalang magusap kami na nakapikit. Pumikit na rin ako baka kasi akalain ng iba na baliw si Cristian.
"Sige usap na tayo." Sabi ko.
Ilang sandali na naging tahimik siya bago nagsalita.
"Forget whatever you witnessed last night."
Tumigil ako saglit sa paghinga nang marinig iyon. Minulat ko ang mata at tumingin sa kanya. Nakapikit pa rin ito pero kunot ang noo. Mukhang inaalala niya talaga ang nangyari kagabi.
"Yung putukan na nangyari, yung namatay, yung baril, kalimutan mo lahat ng yun. Isipin mo nalang na biro lang ang nakita mo."
Tumango ako kahit hindi niya iyon nakikita. Bumalik ako sa pagkakapikit at saka napabuga ng hangin.
"Kahit ganito ako, Cristian, na parang baliw at takas sa mental, alam ko naman na totoo ang nangyari kagabi. Pero sabi ko nga, di kita huhusgahan, di ko rin ipagkakalat ang nangyari. Kaya sige, kakalimutan ko yun."
Ramdam kong gumalaw siya sa tabi ko at sunod kong naramdaman ang tingin niya sa akin. Hindi ko minulat ang mata at hinayaan siyang titigan ako.
"Hindi ka ba natatakot sa akin?" Tanong niya. Umiling ako bilang sagot.
"Hindi. Nakikita ko naman na mabait ka kahit puro ka 'damn, hell, what the f**k, s**t'." Natawa ako sa sarili. "Hinihintay ko nga na sunod mo sasabihin ay 'ah s**t faster ugh ugh'. Yun kasi madalas mabasa ko." Dagdag ko pa.
Rinig ko naman ang mura niya pero sumunod ang tawa kaya halos kagatin ko ang labi para pigilan ang pagngiti.
"Kaibigan kita, Cristian, yun ang turing ko sayo. Kaya magtiwala ka."
Isang buntong hininga ang pinakawalan naming pareho. Pero alam kong magkaiba ang pinanghuhugutan namin noon.
"I accept no friends in my life, Mary Grace."
Dahil sa sinabi niya ay naimulat ko ang mata. Kita ko ang seryosong mukha niya. Parang sa nakikita ko ay mas tamang sabihin na isang demonyo ang nakikita ko.
Pero may mali ba sa akin kung mas nangingibabaw sa paningin ko yung maamo niyang mukha? Pati na rin ang maganda niyang ngiti.
"Pero iba ka." Dagdag niya kaya inayos ko muna ang pilya kong isip at seryosong pinakinggan ang bawat sasabihin niya.
"You're a good person, you're so sweet and caring. Maintindihin ka. You're so kind that I wanted to keep you in my life but I don't think you deserve to be part of my chaotic world. Gusto kong maging kaibigan ka pero lahat ng nagiging kaibigan ko ay napapahamak, so I'm sorry if I can't accept your offer."
Binalik ko ang tingin sa kisame at saka ko ulit inisip ang sinabi niya. Letse! Ano daw? Di ko gets! Bakit may English? Anong chaotic? Huhu.
"E di maging enemies nalang tayo." Suhestiyon ko at napangiwi dahil parang ang pangit naman noon. Pero di bale na. "Kaso yung enemies na hindi nagaaway. Yung enemies na nagtutulungan. Gusto mo?"
"Meron ganon?" Napakamot siya ng ulo. Malapad ang ngiti ko na tumango.
"Pag pumayag ka, doon pa lang magkakaroon."
Bahagya siyang natawa at saglit pang nagisip. Di nagtagal ay tumango na siya sa akin.
"Okay, we're not friends. We're enemy." Saka niya bumangon para ilahad sa akin ang palad.
Bumangon na rin ako at kinuha ang kamay niya. Mabilis akong nagbless at nginitian siya.
"Stupid." Singhal nito at binawi sa akin ang kamay niya. "Di mo alam handshake?"
Di ko nalang pinansin kasi nung nilahad ko ang kamay ay ganoon din naman ang ginawa niya. Nagbless siya sa akin at rinig ko pa ang mahinang pagmumura niya.
"Thank you." Malaki ang ngiti niya kaya nahihiya akong sinuklian iyon.
Nagthumbs up ako nalang ako at saka umayos na ng higa. Medyo inaantok na rin kasi ako.
Siniksik ko ang mukha sa unan para amuyin iyon. Mabango kasi nga nagnakaw ako ng perfume kay Cristian at inisprayhan ang mga unan niya. Hehe. Dalawang bote talaga yung dala niyang perfume. Grabe ako nga e pinapagalitan ni Nanay kahit yung baby dove cologne lang binili ko.
"Mary Grace..."
Rinig kong tawag ng gunslinger sa akin pero abala ako sa pagubos ng amoy ng unan. Ang bango talaga hehe.
"I think I like you, Grace."