"Isusumbong ko kayo kay Nanay! Ako secretary niyo pero iniwan niyo ko huhuhu."
Naghahalo na ang luha at sipon ko kakaiyak dahil late na nga ako nakarating sa University. Ngayon ang schedule ng college camp namin pero dahil naghugas pa ako ng mamantika at malalaking kawali ay nalate ako. Wala na ang bus na sasakyan namin papuntang West. Talagang iniwan ako.
"Ate Grace bakit ka umiiyak?"
Napunta ang tingin ko kay Mr. Bean nang hagurin niya ang likod ko. Pero dahil bulag siya ay dibdib ko na ang hinahagod niya. Di na ako nagreklamo, wala naman na iyon pinagkaiba.
"Iniwan nila ako Mr. Bean." Pagiiyak ko ulit.
Nasa bungad ako ng gate at baka naman may makaalala sa akin at balikan ako.
Ilang sandali pa ay nakita ko ang isang itim na kotse na papalabas ng campus. Napanguso ako nang makitang si Cristian ang nagdadrive nun. Madamot pa naman.
"Miss Secretary!"
Inirapan ko yung isang kaibigan niya na tumawag sa akin. Pero dahil mabait ako ay lumapit nalang ako sa kanila.
"Oh?" Nguso ko. Pinisil pa ng isa ang pisngi ko kaya dinakma ko ang mukha niya. Kadiri! Nafeel ko ang laway niya!
"Why are you still here?" Pageenglish na naman sa akin ng gunslinger.
Lumipat ako sa pwesto niya at siya nalang ang kinausap. Mas gusto ko ang amoy niya kahit amoy bakla.
"Iniwan nila ako." Nguso ko.
Rinig ko ang pagbuntong hininga niya kaya ginaya ko. Sinamaan niya agad ako ng tingin.
"Sa amin ka na sumabay."
Nagulat ako sa alok niya. May bakanteng upuan pa sa passengers seat dahil ang dalawang sakay niya ay nasa likod ng sasakyan.
Pero, nahihiya ako. Di ko kasi alam kung paano bubuksan ang kotse. Saka di rin ako marunong magsuot ng seatbelt baka ikabit ko na naman sa leeg ko. Nakakahiya naman baka mahalata na bobo ako.
"Ako na magbubuhat ng gamit mo."
Saka na niya tinulak ang pinto ng sasakyan niya kaya natumba ako dahil wala yata siyang modo at binuksan agad kahit nakasandal ako.
"Sorry sadya." Ngisi niya na mas lalong nagpausok sa ilong ko dahil mukhang ginaya niya iyon sa akin.
Madaya! Kakasuhan ko siya ng copyright infringement! Plagiarism!
Pakiramdam ko ay nagunaw ang mundo ko nang buhatin ni Cristian ang bag ko kahit bukas iyon. Nagsilabasan tuloy ang mga bra at panty ko. Huhu nakakahiya! Yung isa may butas dun.
"Akin na nga!" Bulyaw ko nang panay ang tawa niya nang makitang nagsilabasan ang aking mga dyamante. Agad kong tinago sa likod iyong may butas na panty.
"Ano yan?" Tanong niya at mukhang gusto pa makita kung ano ang tinatago ko.
Ha! Hahanapan ko talaga siya ng butas na brief para makaganti ako.
"Wala! Panyo to ni Mr. Bean!" Sigaw ko at agad na pinunasan ang ilong ni Mr. Bean gamit ang butas kong panty.
Huhu sayang naman. Ang dugyot pa naman ng sipon ni Mr. Bean.
"Tara na!" Utos ko sa kanya at tinulak siya pabalik sa sasakyan. Sumigaw pa nga ako para lang pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Hehe sa wakas.
"Seatbelts on, Miss Secretary." Rinig kong paalala ng gunslinger kaya kinabahan agad ako. Di ko alam pano ikabit ang seatbelt huhu.
Kaya ang ginawa ko ay nagmasid sa labas. Kunwari ay di ko siya narinig.
"Mary Grace, isuot mo ang seatbelt mo."
Jusko po! Dapat umandar nalang siya kahit di na ako nakaseatbelt huhu.
"Hail mary mother of God pray for us sinners---"
"Tigas ng ulo."
"Hail Mary give us this day our daily bread.."
Natigil ang pagrorosaryo ko dahil sa pagyuko ni Cristian palapit sa akin. Akala ko ay aamuyin niya ang leeg ko yun pala ay kinabit niya lang ang seatbelt sa akin. Sayang naman! Ang dami ko pa namang nilagay na pabango sa leeg ko.
"Amuyin mo ulit hehe." Utos ko at saka pinilig ang ulo para maamoy niya ang leeg ko.
Kita kong namula siya kasabay ng tawa ng kasama namin sa likod. Ngumuso nalang ako. Mabaho yata ang pabango ko.
"Kayo? Gusto niyo amuyin?" Tanong ko sa mga lalaki sa likod at ngayon ay sila naman ang natahimik. Grabe naman sila! Amoy na amoy ba ang baho?!
Tumahimik nalang ako nang magsimula ang byahe namin. Yung dalawa sa likod mukhang nakatulog. Ramdam kong panay ang tingin sa akin ni Cristian kaya sinadya kong ipakita ang leeg ko. Hehe. Baka gusto niyang amuyin. Sayang naman ang pabango ko kung walang aamoy.
"Para kang tanga." Rinig kong komento niya sa ginagawa ko.
Umirap nalang ako at yumuko. Sabi ko na nga ba e! Mabaho yun! Sabi kasi ni Nanay mabango daw gamitin huhu. Tatanggalan ko na siya ng karapatan na maging Nanay ko.
Masyadong matagal ang byahe papuntang West. Hindi naman ako makatulog dahil baka mainggit si Cristian at matulog din. Naku! Ayaw kong magtulugan nalang kami dito, baka yumakap siya sa akin at magnakaw ng gatas. Di ko pa naman alam kung saan niya tinatago ang karne niya.
"Sa wakas!" Sigaw ko nang makitang narating na namin ang lugar. Mayroong front desk sa bungad ng site at naroon na si Vice namin.
Nagsilabasan na ang tatlo at mukhang may balak na iwan ako. Napaiyak agad ako sa inis at tinawag si Cristian.
"Ano na naman?!" Parang galit na siya sa akin.
Tinuro ko ang pinto at saka kunwari ay binaril ang ulo ko. Nagtaka naman siya ginawa ko. Hays. Ang bobo niya talaga.
"Sabi ko di ko alam paano buksan!" Sigaw ko. Kita kong tila pinipigilan niya ang matawa kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Tagabundok." Tutya niya at saka binalibag sa mukha ko ang bag ko.
Kinabahan na naman ako, baka mahulog na naman ang panty at bra ko.
Napairap nalang ako na sumunod sa kanilang magkakaibigan. Nalaman ko pa nga na magkakasama kaming apat sa iisang cabin dahil late kami sa registration.
"Ayos lang sa akin." Sabi ko pa nang magtanong sila kung okay lang dahil nga isang babae lang ako.
Pumayag na din ako. Gusto ko tabi kami ni Cristian para makahanap ako ng brief niya na may butas hehe.
Iyong isang lalaki na ang nagbuhat ng bag ko. Inuto ko. Sabi ko bibigyan ko siya ng gatas kapag binuhat niya ang bag ko. Tumatawa pa nga at tumanggi, mas mahilig yata siya sa kape.
"Tol, sama tayo sa isang kwarto." Narinig kong sabi nung isa kaya agad ko itong pinalo. Nagtataka naman na tumingin sa akin ang lalaki.
"Bawal! Kami magkatabi ni Cristian!" Singhal ko pa. May balak yatang sirain ang plano ko.
Rinig kong nagkantyawan ang dalawa. Si Cristian ay nagtataka lang na nakatingin sa akin.
"Are you f*****g serious?" English na naman ang gunslinger.
"Very good!" Sagot ko nalang dahil di ko naman naintindihan ang sinabi niya.
Nagpatiuna na akong pumasok at inayos ang mga gamit. Bandang alas tres ang call time para sa mga regimens. Opening kasi mamayang gabi.
Pumasok na rin si Cristian kasama iyong dalawang lalaki na panay ang tawa. Tinutulak pa nila si Cristian palapit sa akin kaya nagtataka ako.
"Enjoy kayo!" Malakas na tawa nung dalawa bago lumabas at sinara ang pinto.
"Ayusin mo na gamit mo." Seryoso kong utos pero pasimpleng sinisilip kung saan niya ilalagay ang brief niya.
Kaso ay di pa siya nagaayos ng gamit at sinusuri pa ang kwarto.
"You can use the bed. Sa lapag nalang ako matutulog. Maaga ka bang magising? Ikaw na rin mauna laging maligo." Tuloy tuloy ang sabi niya pero di ko pinansin dahil abala na akong tapusin ang mga gamit ko.
Nang maayos lahat ng gamit ay sinimulan ko ng buksan ang bag niya. Inayos ko na ang mga damit niya sa isang shelf katabi sa akin. Wala pa akong nakikitang brief. Siguro ay isa lang ang dala niya? O baka di siya nagbbrief.
"Sayang naman..." Nguso ko at hinalungkat na talaga ang bag niya.
"What are you doing?" Parang nagtataka pa si Cristian sa ginagawa ko.
Duh! Ang Bobo niya. Syempre ay naghahanap ako ng brief.
"Inaayos?" Sagot ko sa kabobohan niya. Nakakaawa naman siya.
"Damn, you don't have to do that. Ako na." Singhal niya sa akin at saka inagaw ang bag niya. Nagningning agad ang mata ko nang makita ang isang maliit na bag na may lamang mga brief niya.
Hehehe. Thank you Lord.
Habang pinagmamasdan si Cristian na magayos ng gamit ay saka naman ako nagisip ng plano kung paano makakakuha ng brief sa bag niya. Ayaw ko namang gawin ang plano kapag oras na ng tulog dahil madalas talagang nakakakita ako ng multo kapag gabi.
Naaalala ko pa nga noon sa bahay kapag gigising ako sa gabi nakakakita ako ng dopple ganger ko. Kapag sinasabi ko naman kay Nanay sabi niya raw ako lang yun. Nagkakamali siya! Alam kong may kakambal ako na nagtatago sa salamin. Kapag tumitingin kasi ako sa salamin ay doon ko nakikita iyong multong kakambal ko. Kaya nga tinatakpan ko nalang ang salamin.
"Tahimik ka?" Pagpapapansin sa akin nung gunslinger habang nahihiga na sa kama. Mukhang pagod na siya. Ngumuso ako at saka lumapit sa kanya.
"Gusto mo ng masahe?" Tumatawa kong tanong. Iyon ang plano ko.
Mamasahein ko siya hanggang sa makatulog siya. Tapos kapag tulog na siya ay saka ko na isasagawa ang aking operasyong hanapan ng butas ang brief ni Cristian.
Bumangon siya sa pagkakahiga at saka tumingin sa akin ng matagal. Nakipagtitigan din ako kahit lumuluha na ang mata ko. Kasi naman baka kapag kung sino yung kumisap ang mata, siya ang talo.
"Why are you so caring and sweet?" Tanong niya sa akin.
Kinabahan ako sa tanong niya. Di ako nakapagsalita. Lalo pa at ang tingin niya ay parang anytime kakainin niya ako. Sobrang itim na din ng mata niya, siguro ay usok iyon.
"Ako sweet?" Pagtatanong ko at saka dinilaan ang siko. Hindi naman matamis ah. Maalat pa nga. Pwe! Kahit sabon ko talaga di pasok sa panlasa.
"Stupid." Bulong nung gunslinger. Naiinggit din siguro. Kaya binigay ko sa kanya yung siko ko. Baka gusto niya rin tikman. Tutal sabi niya ay sweet.
"Oh, dilaan mo lang ah. Wag mo kagatin, masakit." Nguso ko at tinapat sa mukha niya ang siko ko. Kaso ay tinulak niya lang ako.
Nahihiya yata siya hehe.
"Imamasahe na nga kita. Higa ka na." Sabi ko. Nagmamakaawa na talaga ako. Gusto kong makaganti. Isang brief lang naman e.
Rinig kong nagrereklamo si Cristian pero nahiga na rin patalikod. Hubad na nga ang damit niya at kitang kita ko ang mga ugat niya sa braso. Nakakatakot. Parang gusto ng mapisa.
Naupo ako sa gilid niya bago imasahe ng marahan ang kamay sa batok niya pababa. Rinig kong umuungol siya kaya napapahagikhik ako. Hehe. Ang galing ko yatang magmasahe.
"Matambok pwet mo no?" Puna ko habang pinipisil na rin ang pwet niya.
Wow! Parang siopao! Inamoy ko na rin, mabango talaga e.
"Ang bastos mo! Yung likod ko nalang nga imasahe mo." Rinig kong reklamo ni Cristian.
Ngumuso nalang ako at saka tinuloy ang ginagawa. Yung isang kamay ko ay nasa likod niya at yung isa ay nandoon pa rin sa pwet niya. Hehe. Ang lambot talaga.
Ilang sandali pa ay nakatulog na nga si Cristian. Tumalon talon pa ako sa tuwa. Omygash!
Tahimik kong binuksan ang maliit niyang bag na may lamang brief. Binuksan ko lahat kasi nakatupi pa. Kaso ay walang butas lahat huhu. Ang daya naman. Tapos mababango pa.
"Kala mo ha hehe." Bulong ko at naghalungkat ng gunting sa bag ko at ginawan ng malaking butas iyong isang brief niya. Hehehe nakaganti rin.
Nang matapos sa balak ay saka na ako bumalik sa tabi niya para kunwari ay wala akong ginawa. Kaso tulog na tulog siya kaya naiinip ako. Wala man lang ako kausap.
Pinaglaruan ko nalang ang pwet niya. Pinalakad ko ang daliri ko sa likod niya, kunwari ako yun.
"Wow bundok!" Sabi ng daliri ko na ang pangalan ay Mary Grace. Tumakbo pa ang daliri ko papunta sa dalawang bundok ni Cristian. Tumalon talon pa, halatang nageenjoy ang mini Mary Grace ko sa malambot na bundok. Dapat mapasali yung pwet niya sa 7 wonders ng Pilipinas. Bihira lang kaya ang ganito.
"Hhmmm.." Mukhang nagising si Cristian sa ginagawa ko kaya sinuway ko ang daliri ko. Dahan dahang naglakad ang mini Mary Grace sa likod niya pero nagulat ako dahil kinuha lang iyon ng gunslinger at hinigit niya ako palapit sa kanya.
"Ang likot mo." Rinig kong reklamo ng gunslinger at mahigpit akong iniipit gamit ang braso niya.
Hindi halos ako makapagsalita. Bukod sa malakas ang kabog ng dibdib ko ay iniipit niya rin ang boobs ko. Huhu. Baka bukas wala na talagang hangin to.
"Huuyyy..." Iyak ko nalang sa kanya dahil sobrang naaawa na ako sa boobs ko. Kawawa naman! Naririnig ko na parang umiiyak na ang dalawang baby ko.
Huhu.
***
NAGISING AKO bandang alas singko na ng hapon. Naligo agad ako at habang nasa banyo ay sinusukat ko kung pantay pa ba ang dibdib ko. Kawawa naman sila. Masyado ng nabubully nung gunslinger.
"Nasaan kaya yun?" Tanong ko pa sa sarili dahil wala doon si Cristian sa cabin. Kahit ang dalawang kaibigan niya ay wala din.
Dahil wala akong magawa ay ginawan ko nalang ng maliit na butas lahat ng brief niya. Hehe. Baka bukas manghiram nalang siya ng panty sa akin. Ako naman ang magdadamot!
"Bilisan niyo!"
May narinig akong boses mula sa likod ng cabin kaya sumilip ako sa may bintana. Naroon yung isang lalaki na kasama namin. Tumatakbo siya.
Hala!
Baka may relief goods na pinapamigay! Ganoon sa amin e! Kapag nagtatakbuhan ibig sabihin may namimigay ng ayuda.
"Shet, de lata here I come!" Sigaw ko at tinali ang kumot sa leeg ko bago patakbong sumunod sa mga lalaki. Hehe feeling ko si Darna ako kapag tumatakbo.
Panay lang ang sunod ko dun sa isang lalaki. Kahit medyo sumasakit na ang paa ko at nakaapak pa ako ng dumi ng kalabaw, ayos lang. Para sa relep!
"Hala, saan na?"
Nilibot ko ang tingin dahil di ko na mahanap yung sinusundan ko. Tinanggal ko nalang ang kumot sa leeg ko at tinapis nalang sa katawan ko para kunwari ay gown ko. Saka ako naglakad na parang Miss Universe sa gitna ng gubat.
Mag gagabi na at hindi pa rin ako nakakabalik. Umiiyak na nga ako kasi may nakasalubong akong unggoy. Magtatanong sana ako saan ang daan palabas kaso ay tumalon lang sa ulo ko saka naglambitin sa puno paalis.
Ang attitude ng unggoy na yun! Ang pangit naman ng mukha, para siyang unggoy na mukhang monkey!
"What the f-ck? Nasaan na ba ako?"
Kahit umiiyak ay natawa pa rin ako sa sarili. Ginaya ko kasi sa gunslinger iyong 'what the f**k'. Ang ganda kasi pakinggan.
What the f**k. What the f**k. What the f**k. Hehe ang ganda talaga. Pag nakauwi na ako sa bahay ituturo ko yun sa baby ng kapit-bahay namin.
"Boss, parang awa mo na. Wag."
Napantig ang tenga ko sa narinig. Ang gusto ko lang ngayon ay makalabas ng gubat. Nagugutom na ako!
"Matigas ang ulo mo Faison."
Sinundan ko ang mga boses hanggang sa may matanaw akong balon. Yumuko pa ako at kunwari ay may baril sa kamay. Ganito yung napapanood kong eksena sa palabas sa Probinsiyano, lalo na yung scene na nagaway si Marga at Cassie.
Sa wakas ay may nakita akong mga tao. Iyong mga kasama ko sa cabin. Pero papalapit na sana ako sa kanila para sumali sa aktingan kaso ay kinabahan ako sa malakas na putok ng baril. Natumba agad iyong lalaking nag ngangalang Faison.
"AAHHHHH! MAMAAAA! MAY PUTUKAAANNN! MAMAAAA!"
"s**t!" Rinig ko ang boses ni Cristian. Teka, mas maganda ang shet kaysa sa f**k, ano?
"Cris, si Mary Grace!"
Panay ang suntok ko sa hangin at napapasipa na rin ako. Ginawa ko ng sandata ang kumot na dala ko. Kailangan kong galingan. Baka makita ni direk ang talent ko at kunin akong extra.
"Ikaw pala, Miss Sexy-tary." Ngisi ng gunslinger sa akin at dinampi ang nguso ng baril sa tapat ng noo ko.
Napamura ako, nakilala niya pa rin ako. Akala ko ay kamukha ko na si Rhian ng The Generals Onanay. Sayang naman.
"Hehe, hello?" Tawa ko at kunwari ay bumulagta sa sahig.
Nagpatay-p*****n pa ako. Sumenyas pa ako na may lumalabas na dugo sa bibig ko. Huhu sana naman pasado ang aktingan ko.
"Tangina, nagkakapatayan na ganyan ka pa rin." Napanguso ako dahil minura ako ni Cristian. Ayaw niya yata sa acting ko.
Pinagmasdan ko nalang siya na itago ang baril sa tagiliran niya. Iyong dalawa niyang kasama ay inasikaso yung lalaking wala ng buhay. Ang galing naman! Parang totoong patay na siya.
"Bumalik na tayo." Sabi ng gunslinger. Seryoso ang mukha niya. Para siyang demonyo kaso ay wala pa ring sungay. Di ko naman makita kung may usok sa paligid niya dahil madilim.
Sumunod nalang ako sa kanya pabalik ng cabin. Ang dali naman pala ng daan.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko dahil mukhang aalis na naman siya.
"Sa kabilang kwarto, maliligo ako. Maligo ka na din." Seryoso pa rin ang mukha niya. Parang ayaw niya rin tumingin sa akin.
Naguilty naman ako. Lahat nalang ng brief niya may butas.
Hindi ko alam kung bakit yumakap ako sa kanya. Pansin ko kasi na masyadong naninigas ang katawan niya. Tinapik ko ang likod niya at pasimpleng inamoy ang dibdib niya. Ang bango pa rin.
"Aakto nalang ako na parang biro lang ang nangyari sa gubat. Ayokong husgahan ka kasi wala ka naman sungay. Di ka demonyo, naniniwala ako."
Nakangiti akong tumalikod sa kanya at alam kong nakita ko kung paano lumambot ang tingin niya sa akin.
Sinabi ko lang naman yun para di siya magalit sa akin kapag nalaman niyang butas lahat ng brief niya. Huhu.