DIA'S POV "OKAY ka lang?" tanong ko kay Kervy. "I'm fine, salamat sa lahat ng tulong mo. Buong-akala talaga namin wala na ang asawa ko." "Hindi ko nga rin akalain na makikita namin siya ni Aling Petra sa dalampasigan na palutang-lutang, kaya kinontak na kita siyempre." "Sa tingin mo ba hindi epektibo ang pagpapanggap ko?" "Gag0 ka rin, bakit ba kailangan mo pang magpanggap na ibang tao? Tanggalin mo na lang kaya iyang silicon na suot mo at mag-usap kayo ng asawa mo. Sabihin mo sa kanya ang totoo sa nalaman niyo ng Mommy mo tungkol sa impaktang Elsie na 'yon," inis na palatak ni Dia sa akin. Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Kervy. "Akalain mo 'yon, ibang tao ang kinulong sa kasalanang ginawa ni Elsie, mas naawa ako sa kalagayan ni Eula sa totoo lang," segunda kong saad dit

