LOVIE'S POV NAKATUON lang ang tingin ko sa pagkaing nasa harapan. Hayan na naman kasi ang nakakailang na titig ni Mr. Wong. "Nagustuhan mo ba ang niluto kong pagkain, hija?" nakangiting tanong ni Mommy sa akin. "Opo, masarap nga po, e," nakangiting sagot ko rito. Napasulyap ako kay Dia, at sa aking step-father na si Mr. Grey, ngumiti sa akin ang mga ito. Kaya lang, hindi ko kayang sulyapan man lamang si Mr. Daniel Wong. Naiilang talaga ako sa mga titig nito. Naiinis na ako sa sarili dahil sa pakiramdam na dapat ay hindi ko pwedeng maramdaman sa ibang lalaki. For pete's sake may asawa na akong tao! "By the way, Mrs. Del Mundo. How's your condition?" tanong ni Mr. Daniel Wong sa akin. "As usual, pinipilit ko pa ring makalakad nang maayos. Kailangan kong magtiis sa pag-ehersisyo par

