LOVIE'S POV MAKALIPAS ang ilang minuto ay narinig kong may papalapit na yabag. "You want me to assist you, Ate?" Idinilat ko ang aking mga mata at ang nakangiting mukha ni Dia ang bumungad sa akin. "Yes, please..." "Nagsumbong sa akin si Kuya, tinarayan mo lang daw siya?" Nailing ako sa narinig mula kay Dia. "Ewan ko ba, pero naiilang kasi ako sa kanya. T'saka, natatakot akong matukso sa kanya, Dia." Hindi nakaligtas sa aking paningin ang tila parang kinikilig na reaksyon ni Dia. Awtomatikong kumunot ang aking noo habang pinakatitigan ito. "Anong meron? Bakit parang kinikilig ka pa?" takang-tanong ko. "H—Ha? A...e... ano, may naalala lang ako, Ate." "Hmm, iniisip mo siguro boyfriend mo, no?" tudyo ko rito. Nasilayan ko kaagad ang kakaibang ngiti sa mga labi ng aking kapatid. "Ye

