LOVIE'S POV "PERO kailangan ba talaga nating gawin 'yon?" takang-tanong ko kay Dia. "Yes, para isipin ng kalaban mo na talagang patày ka na. Lilituhin natin sila." "Pero imposible. Sila ang nagbanta sa buhay ko kaya hindi sila agad maniniwala." "Iisipin nilang ang asawa mo ang siyang may gawa. Hindi nila maiisip na buhay ka. Kailangang 'yon ang siyang mangyari." Kunot-noo na nakatitig lang ako sa seryosong mukha ni Dia. Even though her eyes look like mine. Pero si Mr. Daniel Wong na kuya nito ay ni genes nang mga Wong ay hindi nito na mana. I'm wondering kung bakit. "Magkapatid ba talaga kayo ni — Mr. Wong?" "Ang totoo, hindi siya tunay na Wong. Inampon lang naman siya nina Mommy at Daddy." Nagulat ako sa narinig mula kay Dia. "Alam ba niya?" "Oo naman," nakangiting sagot ni Dia

