PHILA'S POV HINDI na ako kumatok pa at diretsong binuksan ang kwarto ng aking apo. Nadatnan kong sinusubuan ni Elsie Cruz ang aking apo. "Marie, Lola is here!" Nakangiting ani ko. "Lola?" "Apo," nakangiting turan ko. Hindi ko man lang sinulyapan ang pabidang si Elsie. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa babaeng ito, lalo na at kapatid ito ng kriminal na si Eula. "Lola, I miss Mommy and also Tita Eula," malungkot na turan ni Marie sa akin. Hindi namin pinaalam dito ang nangyari kay Eula, lalo na at malapit ang loob nito sa babaeng iyon. "You're probably aware of what happened to your Mommy, right apo? Your Tita Eula had to leave for another country because she was feeling down after your Mommy's death." "Lola, I can't accept that Mommy is gone... Just tell me, Lola. Mommy

