LOVIE'S POV "ARE you ready?" nakangiting tanong sa akin ni Dia. Kinakabahang tumango ako rito. "Kinakabahan ako, Dia." "Don't be nervous, mabait ang Mommy Dahlia ko," nakangiting sagot ni Dia sa akin. Tila naman pumanatag ang pakiramdam ko nang marinig ang sinabi nito. Akmang aalis na sana ako sa aking malambot na kama para tumayo pero mabilis akong napigilan ni Dia. "No, just stay. Si Mommy ang pupunta rito. Puntahan ko lang siya at sasabihin ko sa kanyang ready ka ng kausapin siya." "Salamat, Dia." "My pleasure," nakangiting ani Dia sa akin. Nasundan ko na lamang ito ng tingin. Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. Sa wakas, masasagot na rin lahat ang mga katanungan ko. Mayamaya ay narinig ko ang mahinang pagkatok mula sa aking pinto. "Pasok," ani ko. Ang nakangiti

