ELSIE'S POV ANG makita ang anak kong si Knox na masaya sa piling ni Kervy ay nagbigay ng kakaibang saya sa aking puso. At least, nagtagumpay ako sa plano kong mapunta ito kay Kervy. Lihim akong nagpasalamat at tama nga ako sa duda kong hindi si Kervy ang ama ni Marie. Patunay ang DNA test na hawak ko ngayon. Through artificial insemination kaya nabuntis nang una si Lovie, lahat ng iyon ay kagagawan ko. Pinalabas ko lang na nagalaw siya ng ibang lalaki, pero hindi. Ginawa ko iyon para sirain siya, pero akala ko magtatagumpay na ako pero mali pala ako. Naging dahilan pa iyon para pikutin nito ang lalaking mahal ko at ikinasal pa ang mga ito dahilan para pira-pirasuhin ni Lovie ang puso kong labis na nasaktan. Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. Gusto ko lang kunin ang para

