-------- ***Akeelah's POV*** - Halos dalawang linggo na kaming nandito ni Atasha sa Manila. At isang linggo narin ang nakakalipas mula nang huli kong nakita si Sandy. Pinuntahan ko sya muli sa hospital nung isang araw, para pasekreto ko syang makita kahit sa malayo. Pero, napag- alaman ko na inilabas na pala nina Saven at Faith si Sandy sa hospital. Pinuntahan ko si Nicollo para sana magpatulong sa kanya na makita ko man lang si Sandy kahit sa malayo lang, pero sinabi nya sa akin na hindi daw nya alam kung saan dinala nina Faith at Saven ang anak ko. Hindi kasi umuwi ang mga ito sa mansyon ng mga ito. Ayaw ko sanang maniwala sa sinabi ni Nicollo na wala syang alam kung nasaan si Sandy pero wala naman akong magagawa kung ayaw nyang sabihin sa akin. Mukhang tinatago nina Faith at Sav

