-------- ***Akeelah's POV*** - "She's pretty!" nakangiting sabi sa akin ni Atasha. Ang tinutukoy nyang maganda ay si Sandy. Ngiti lang ang isinagot ko sa kanya. Maganda nga si Sandy, para syang isang anghel. Kasalukuyan na kaming nakatago ngayon sa isang sulok, nakatingin sa loob ng kwarto ni Sandy. Sinasabi ng isip ko na umalis na ako, dahil iyon muna ang tama at dapat kong gawin. Pero, ayaw ng puso ko ang umalis. Gusto ko pang makita ang anak ko. "Yes! May pinuntahan lang kami sandali ni Ake. Mauna kana." kausap ngayon ni Atasha si Erwin sa phone nito. "Naku, baka mahuli ka pa sa klase mo. Mauna kana. Okay lang talaga kami." Agad naman isinilid ni Atasha ang cellphone nya sa bag nya nang natapos ang usapan nila ni Erwin. Nakamasid parin ako sa kwarto ni Sandy. Hinihintay kong

