------- ***Akeelah's POV*** - Nagising ako na puting dingding ang bumulaga agad sa akin. Base sa hitsura ng lugar na namulatan ko. Alam kong nasa hospital ako. Inalala ko ang nangyari. Agad na nabuhay ang pagkahabag sa akin nang naalala ang ipinagbubuntis ko. Napahaplos ako sa tiyan ko para makasiguro kung may umbok pa ba dito. "Your baby is fine." Napatingin ako sa nagsasalita at si Erwin ang nakita ko. Nakaupo sya sa isang stool chair na nasa gilid na bahagi ng aking hospital bed. Nakahinga ako ng maluwag sa kanyang sinabi. "Masyado kang stress ngayon Akeelah. Kailangan mong magpahinga." "Si Atasha?" mas pinili kong sabihin. "May binili sandali." matipid nyang sagot. Matipid lang akong ngumiti sa kanya. Masyadong magulo ang utak ko ngayon. Hindi ko alam ang gagawin ko. Mara

