------- ***Akeelah's POV*** - Akeelah, Patawarin mo kami ng tatay mo anak. Dahil sigurado ako na oras na mabasa mo ang sulat na ito ay kamumuhian mo kami ng tatay mo. Gusto ko lang sabihin sayo na mahal na mahal ka namin ng tatay mo kahit hindi namin masyadong naiparamdaman yon sayo. Patawarin mo kami pero maniwala ka anak, mahal na mahal ka namin ni Antonio. Lahat ginawa namin para sa ikakabuti mo. - Tinigil ko muna ang pagbasa ko sa sulat ni nanay dahil parang sumikip na ang dibdib ko sa mga unang katagan na nakasulat. Ni minsan, hindi ko narinig mula sa kanila ang mga katagan na mahal nila ako ni tatay. Hindi ko naman lubos akalain na ang pinangarap kong marinig mula sa kanila, ay sa sulat ko nalang mababasa. - Sana mapatawad mo kami anak sa lahat ng pagkukulang namin sayo

