BAW37: Pagbalik!

1151 Words

------ ***Akeelah's POV*** - Agad kong inayos ang mga dadalhin ko. Napagpasyahan namin ni Atasha ang pumunta sa Manila para kunin ang ninakaw mula sa akin. Ang anak ko na si Sandy. Kung noon dumistansya ako dahil sabi nga nila wala akong karapatan. Pero ngayon, hindi na nila ako pwedeng pagbawalan na makita ang anak ko. Ako ang mas may karapatan sa bata at hindi sila. Ipaglalaban ko ang anak ko. Pero, hindi naman ako susugod agad sa mga Montreal, o kina Saven at Faith. Alam ko naman na may mga prosesso na dapat ko munang pagdaanan bago makuha si Sandy. At hindi ko din pwedeng biglain ang anak ko lalo pa't alam kong galit sya sa akin. Ang gusto ko lang ay makita at makausap ang anak ko kahit papaano at malaman ang kalagayan nito. At dadaan ako sa tamang prosesso para makuha si Sandy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD