------ ***Akeelah's POV*** - Hindi ako makatulog. Pabaling baling ang pagkakahiga ko sa kama. Handa naman ako. Pero hindi ko parin mapigilan ang makadama ng pangamba sa plano kong gawin bukas. "Ake, matulog ka naman!" tila ungol lang na reklamo ni Atasha. Magkatabi kami ngayon sa kama. Nakatalikod sya sa akin. "Sorry!" Sinubukan kong ipikit muli ang aking mga mata pero hindi talaga ako dinadalaw ng antok. ----- Tawang- tawa ni Atasha na nakatingin sa akin. Alam kong namumugtong ang aking mga mata ngayon. Papaumaga na nga ako nakatulog, maaga pa akong nagising. Kasalukuyan kaming kumakain ng agahan. Umalis na ang kanyang tita. Isang tagapagluto ang kanyang tita sa canteen ng isang sikat na university. "Sama nito."nakasimangot kong sabi sa kanya. Alam ko naman na sinubukan lang

