----- ***Akeelah's POV*** - "Walang exact case for that, Akeelah. It depends on the situation. Kung paano nanakaw? At kung kaano- ano sa bata ang kumuha dito? If it's about parental child abduction then both party will undergo due process." Seryoso nyang nasabi. " Sino ba ang nanakawan ng anak? Sya dapat ang kausapin ko." Gusto kong sumigaw sa narinig ko mula sa kanya. Mukhang mas lalo pang mahirap na mabawi ko si Sandy na higit pa sa inaasahan ko. Pero, nanatili parin akong kalmado. Kaysa sagutin sya, ibinigay ko sa kanya ang sulat ni nanay. Piping nagtatanong ang kanyang mga mata sa akin. "Read that one." Sinunud naman nya ang sinabi ko. Madalas ang pagsulyap- sulyap nya sa akin habang binabasa ang sulat. Pagkatapos nyang basahin ang sulat. Agad nya itong ibinalik sa akin. Tumi

