Si Dax kasi pinayagan akong kumain ng paksiw kagabi e mahina nga ang tolerance ko sa suka. Tuloy heto at umagang-umaga’y sumusuka ako sa banyo. Habang hawak ni Dax ang buhok ko - sinalikop niya ito ng isa para hindi sumayad sa toilet bowl, hinihimas din niya ang likuran ko para mailabas ko lahat ng kinain ko. “Don’t let me eat anything with vinegar again!” sigaw ko bago umupo sa malamig na tiles. Sarap na sarap pa ako sa pagkain kagabi tapos ito ako ngayon parang lantang-gulay. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko at nag-crave ako sa suka. Sa pagkakatanda ko iyon ang pinakaayaw ko sa lahat. Umalis sandali si Dax at pagbalik niya, pinunasan niya ang mukha ko ng basang bimpo. Imbes na sisihin ako at sabihing ako ang nagpumilit kumain ng paksiw kagabi, tahimik lang niya akong in

