Umubo pa ako nang umubo dahil sa tubig dagat na nainom ko. Hinimas ni Dax ang likod ko kaya mas lalo akong napayakap sa kanya. Sana ay ilayo na lang niya ako rito. Sana maglaho na lang kami. Hindi pa ako handang harapin si Miguel - I don’t think I’d ever be. “Bakla! ‘Yung mga kapatid ni Reign hukayin mo na!” narinig kong sigaw ni Tiffany kay Quinn. I could also hear my brothers struggling. Maya-maya’y may lumuhod sa tabi ko. Natigilan si Dax at dahan-dahang humiwalay sa akin para tingnan ito. Nakita ko ang pagigting ng panga niya. “Reign, what happened? Are you okay?” malalim ang boses ni Miguel nang magsalita. Mas malalim sa boses ni Dax. There was something intimidating and authoritative in the way he speaks that made me shiver. Ngayon ko lang narinig ang boses niya dahil panay ch

