Dahan-dahan akong tumingin kay Dax sa tabi ko. Saktong nagtama ang mga mata namin kaya mabilis kong binalik ang tingin ko sa tinapay na pinipiris ko. Binilang ko na rin ito para magkaroon ng ibang laman ang isip ko kahit na alam kong malabong mangyari ‘to. Sabi nang eyes on the food Reign! Maya-maya’y nag-angat ako ng tingin sa hotdogs sa lamesa at kukuha sana ako ng isa nang mas nauna si Dax sa paghawak dun sa serving fork kaya kamay niya ang nahawakan ko! Agad rumehistro sa isip ko ‘yung pagluhod niya sa harapan ko na mabilis na sinundan ng pag-angkin niya sa labi ko. Animo nakuryente, mabilis kong inilayo ang kamay ko at binalik ang atensyon sa kawawang tinapay ko. Eyes on the food Reign. Eyes on the FOOD. Napatingin ako kay Dax pero nang makita kong nakatingin din siya sa akin

