“What’s with the odd atmosphere?” bulalas ni Bobbie sa hapagkainan. Nahinto ako sa pagsubo dahil dito. Halos hindi ko na malunok ‘yung laman ng bibig ko. Binibilisan ko pa naman sana kasi ang pagkain para makapunta na ako sa kwarto at hindi na makatabi pa si Dax. I just feel uncomfortable around him. Oo’t kontrata lang ang relasyon namin pero dahil sa nangyari kanina, napaisip ako ngayon kung tama nga bang magpakasal ako sa lalaking hindi ko naman kilala. Tama bang dahil lang sa paghihiganti ko kay Joaquin ay pumasok ako sa ganito kakomplikadong sitwasyon? Am I being impulsive again? Nilagyan ni Dax ng ulam ang plato ko dahil puro kanin lang pala ang laman nito. Tiningnan ko naman siya ng matalim bago itinabi sa gilid ng plato ‘yung nilagay niya. Nagpatuloy ako sa pagkain. Wala pa ri

