Hindi ko alam na posible kong maranasan ang ganitong eksena sa buhay ko. Akala ko kasi sa mga palabas lang 'to nangyayari. Ayoko pa naman sa lahat ng drama. ‘Yung isang braso ko hila-hila ni Kuya MJ habang ‘yung isa naman hila ni Dax. It was as if they were playing tug of war. Ayos na sana ang eksena kung hindi lang ako puno ng tsokolate ngayon. At mukhang maya-maya lang din ay dudumugin na kami ng ibang hotel guests – at mga langgam. Tumawa si Kuya MJ dahil sa biglang paghaltak ni Dax sa akin pero alam kong napipikon na siya. Ayaw na ayaw niya sa lahat na may pumipigil sa kanya. Sa madaling salita, siya ang boy-version ko. “Care to introduce him, babe?” tanong nito sa akin sabay taas ng isang kilay. Babe ang tawag ng mga kuya ko sa akin. Noong una’y pangiinis lang talaga sana nila at p

