Simula

2014 Words
Pakiramdam ko lumulutang ako. Ang mga tao sa paligid ko hindi lang nagiiba-iba ng kulay, nagkakaroon pa sila ng kakambal sa paningin ko. Hindi ko na rin marinig ng maayos ang malakas na tugtog, nakakabingi kasi ito at para bang kinakain ng singer ang lyrics ng kanta. Tuloy ay hindi na ako makasabay pa rito. Nagsimula akong maglakad papalayo sa dance floor nang matigilan ako. May lumapit kasing lalaki sa ‘kin at nang makita ko ang pagbukas-sara ng bibig nito ay umiling lang agad ako. Hindi ko alam kung anong sinasabi nito pero hindi magandang senyales nang hawakan niya ako sa pang-upo ko. I guess I’ve actually reached my drinking limit. Paano ba naman ay nakailang bote na ako ng mamahalin nilang alak dito. Kaya sigurado akong anumang sandali ay babagsak na ako sa sahig. Pinilit kong makarating sa pinakamalapit na couch bago pa mangyari ‘to. Kahit saan basta makaupo lang at mahimasmasan. Maya-maya’y naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko sa tabi ng isang lalaking mukhang mas lasing pa sa akin. Humilig ako sa kanyang balikat at pumikit. Mabuti naman at hindi siya kumibo. Dahil kung papaalisin niya ako ay handa akong makipagaway ngayon. Umiikot hindi lang ang sikmura ko kung hindi pati na rin ang paningin ko ngayon. Ilang oras na rin kasi akong nagliliwaliw dito sa Royal Club para makalimot. Ito ‘yung binigay na suggestion ni Miguel noong tanungin ko siya kung anong club ang magandang puntahan kapag naghimala at napadpad ako sa Maynila. Isa kasi ito sa mga gusto kong maranasang puntahan. Oo’t probinsyana ako. Buong buhay ko ay hindi ako nabigyan ng pagkakataong ma-explore ang Maynila dahil mahigpit hindi lang ang mga magulang ko kung hindi lalo na ang mga kapatid kong lalaki. Sinunod ko naman ‘yung payo ni Miguel dahil hindi rin naman ako sigurado kung saan ako pupunta ngayon. Inaya ko rin sana siya pero may ka-meeting daw siya kaya hindi siya pwede. Sobrang hirap siguro maging lawyer at kahit hatinggabi na ay kailangan pa rin niyang magtrabaho. Parang kulang na kulang ang oras niya para sa sarili. ‘Di kalayuan ay nakakita ako ng grupo ng matatangkad na babae. Tuloy, imbes na mabawasan ang kalasingan ko, muling bumalik sa isip ko ‘yung nakita ko kanina. Ang dahilan kung bakit din ako napadpad sa lugar na ‘to. Si Joaquin, ang boyfriend ko, nakita kong nakikipaghalikan sa babaeng mukhang supermodel. Siguro dahil sa long distance relationship ang mayroon kami kaya niya nagawang maghanap ng iba habang kami pa. O ‘di kaya, totoo ang sinabi sa akin ng pamilya ko na simula’t sapul pa lang hindi ito naging tapat sa akin at pinerahan lang ako. Dala-dala ko pa naman sana ‘yung pang-hindi-ko-na-mabilang na sapatos na gusto niyang idagdag sa kanyang koleksyon dahil limited edition. Pinakisuyo ko pa ito sa lola kong nasa States kahit madalang na kaming magkausap. Nagpaparinig kasi si Joaquin sa akin noong nakaraang linggo pa tungkol dito at dahil hindi ako manhid na girlfriend, nakuha ko agad na ito ang gusto niyang matanggap para sa birthday niya. Kaya nga nagpunta ako ngayon dito sa Maynila para sana iabot ito ng personal. Ito sana ang unang beses na magkikita kami pagkatapos ng apat na taong relasyon namin na nagsimula’t umikot lang sa sss messenger. Pinaniwala lang kaya niya akong totoo ang relasyon namin? Hindi ba totoo ‘yung sinabi niya na kahit hindi kami nagkikita ay mahal niya ako? Bakit ko pa nga ba tinatanong ito kung malinaw na malinaw na ang sagot? I just wanted to make this day special. Susurpresahin ko sana siya kanina pero ako ang nasurpresa sa nakita ko. Hindi pa naman siguro ganuon ka-liberated ang Maynila para French kiss ang maging pagbati sa katrabaho. Kahit wala akong experience sa ganitong bagay, may internet na ngayon at napaka-bookworm ko para maging ignorante. Kitang-kita ng dalawang mata ko na halos higupin niya ‘yung bibig nung babae kanina. Samantalang napakainosente niya kapag nagbi-video call kami! Oo, kaya rin nahulog ang loob ko sa kanya! Sana naniwala na lang ako kina Mama. Hindi na sana ako nagpumilit pang lumuwas ng Maynila. Hindi sana ako nasasaktan ng ganito ngayon. Pero kung hindi ko ito ginawa, kung hindi ako nagmatigas, baka bahay at lupa na ang nairegalo ko kay Joaquin bago pa ako natauhan. Sa totoo lang nagbabalak na talaga akong bumili ng pwede naming tirhan dito sa Maynila pero mukhang kailangan ko nang i-cancel ang property viewing na nai-schedule ko. “Miss? Ayos ka lang ba? Sinong kasama mo?” I’m not sure if I’m hearing things. Pero hindi ko ito maintindi dahil parang naka-loop sa isip ko ang nangyari kanina. Kapag nalaman nila Kuya ang ginawa sa akin ni Joaquin, siguradong gagapang ito pauwi. Hindi ko pansin kung ilang oras ang lumipas. Dahil sa sobrang pagkalango ko sa alak, nagulat na lang ako nang pagdilat ko’y nag-iba ang itsura ng paligid ko. Wala na ako sa club. Naging mas maaliwalas kasi ang paligid at malambot na kama na ang hinihigaan ko. Wala na rin akong ingay na naririnig. Hindi ko napansin kung paano ako nakaalis sa club at napunta rito. Nang ilibot ko ang mga mata ko sa apat na sulok ng kwarto, dito ko nakitang may lalaking palapit sa pintuan at akmang lalabas na. “Wait!” sigaw ko para makuha ang atensyon nito. Hindi ko alam pero natakot akong maiwang mag-isa. Ayoko ng tahimik lalo na at ganitong kung anu-anong pumapasok sa isip ko. “Pwede mo ba ‘kong samahan?” Parang medyo namamanhid ang dila ko kaya hindi masyadong maintindihan ang pagsasalita ko. Malabo pa rin sa paningin ko ‘yung lalaki pero nakita kong huminto ito at naglakad pabalik sa akin. Tumigil siya sa tabi ng kama kung nasaan ako. Binukas-sara ko ‘yung mga mata ko pero hindi ko pa rin siya makita ng malinaw. Ang init ng pakiramdam ko sa suot kong jacket kaya hinubad ko ito. Pero parang wala namang nagbago. Nang hindi pa makuntento ay inalis ko na rin maging ang suot kong itim na v-neck shirt. “Miss-” “Ang init…” Parang may sariling buhay ang mga kamay ko nang alisin ko maging ang pantalon ko at initsa ko pa ito sa sahig. Dito tumama sa balat ko ang malamig na hangin galing sa aircon. Animo nakalaya sa pagkakakulong, dito ako nakaramdam ng ginhawa. At dahil nasisilaw ako sa lampshade, pilit ko itong inabot at sinarado. “You’re drunk. I t-think you need to rest,” tinawanan ko siya dahil halata sa pagsasalita niya na lasing din siya. But I found the way he speaks really hot. Dito ko naramdamang lalayo na naman ‘yung lalaki kaya hinawakan ko agad ang kamay niya at hinila siya papalapit sa akin. ‘Di ko naman sadya nang bumagsak siya sa ibabaw ko. Masyado yata siyang mahina. Ramdam ko ang init ng hininga niya sa tapat ng mukha ko. Hindi ko alam kung ako ba o siya ‘yung nangangamoy alak. Napahagikgik ako sa hindi malamang dahilan. Mukhang lasing nga talaga ako. Dahil sa sobrang katahimikan, nag-flash na naman sa isip ko ‘yung nakita kong ginawa ni Joaquin at ng babae niya. Muling nabuhay ‘yung galit sa loob ko. Hindi ko nga alam kung nasaktan ba talaga ako o 'yung pride ko lang ang umiiral ngayon. Kaya gamit ang dalawang kamay ko’y hinawakan ko ang mukha nung lalaking kaharap ko tyaka siya siniil ng halik. Unang beses kong nakahalik ng lalaki but his lips crashed down to mine as if it fits perfectly. Ganito ba talaga kalambot ang labi ng mga lalaki? Para itong matutunaw sa ibabaw ng akin. It was as if I had to be careful not to break it. I was actually reserving my first kiss for Joaquin pero mukhang hindi na siya nakapaghintay sa akin. Kung nagawa niya akong lokohin at ipagpalit sa iba, sa tingin ba niya ay hindi ko ito kayang gawin pabalik? Pero bakit ko pa nga ba siya iniisip? Malinaw naman na nakipag-break na ako sa kanya sa chat - sa chat kung saan din nagsimula ang relasyon namin. Buti nga at nagawa ko pang makipaghiwalay sa kanya. Samantalang siya, nagawa pa niyang isabay ako sa ibang babae! Naputol ang takbo ng aking isip nang tumugon ang estrangherong kaharap ko sa paggalaw ng labi ko. Mas lumalim pa ang paghalik nito sa akin na hindi ko inasahan. Napakapit ako sa kanyang mga braso. Tila ba gusto niyang ituon ko sa kanya ang buong atensyon ko. I thought he would start resisting any minute from now but he did the opposite and didn’t even budge. Tuloy ay parang imbes na matauhan ay mas nalalasing ako sa mga nangyayari. Halatang mas may alam siya sa akin pagdating sa mga bagay na ‘to nang maya-maya'y naramdaman kong ako na ang sumusunod sa sarili niyang musika. Hindi ako pamilyar dito pero pakiramdam ko tinutulungan niya akong makasabay. Pumaibabaw siya ng maayos sa akin habang pinagtutulungan naming alisin ang suot niyang pangitaas. Nang hindi makuntento sa bilis ay nauna na ‘ko sa pagbukas ng kanyang pantalon hanggang sa siya na mismo ang nagtanggal nito. Nakaramdam ako ng hiya nang maramdaman kong wala na itong natitirang saplot sa katawan. Kahit madilim, dito ko naaninag ang laki ng kanyang katawan. Hinawakan ko ang lapad nito at nakapa ang hindi mabilang na abs. Kung bakit nakita ko pa ang bawat detalye ay hindi ko rin maintindihan. Pumikit na lang ako bago pa dumako ang mga mata ko sa kanyang maselang bahagi.   At bago pa ako magdalawang isip sa ginagawa namin, napaungol ako nang maramdaman ko ang mga kamay niyang mabilis din akong pinalaya sa natitirang tela sa katawan ko. Gusto yata niyang gawing patas ang sitwasyon. Nadagdagan tuloy ang init na dumadaloy sa buong sistema ko. Para akong inaapoy ng lagnat lalo na nang magdikit ang mga balat namin. Ganito ba ang pakiramdam nung mga characters sa pocketbooks na nababasa ko? I could feel his warmth and nakedness. His hands wandered around my body as if I was a new place he needed to explore. Maging ang kanyang labi ay hindi mapirmi sa iisang lugar. Nakakabaliw at nakakapanghina. Kaya rin bang iparamdam ni Joaquin sa akin ito? Or am I with a real man who knows nothing about cheating or commitment? The feeling that he was giving me was so foreign. At kahit hindi ko alam kung anong gusto kong patunguhan ng ginagawa namin ay hinayaan ko siya sa kung saan man niya ako balak dalhin. “Richelle…” May tinatawag siyang pangalan ng babae at alam kong hindi ito ang pangalan ko dahil hindi kami magkakilala. Pero hindi ko ito pinansin dahil baka pareho lang kami ng sitwasyon. Hinila ko siyang muli para hagkan. Sandali lang na nawala ang labi niya sa ibabaw ng akin ay parang hinanap-hanap ko agad ito. Wala akong karanasan dito but I think he’s a really good kisser. Alam niya kung ano ang kanyang ginagawa. And I guess he wanted to give me so much pleasure. Lumayo kasi siya sa akin at biglang nag-iba ng destinasyon. Mula sa sensitibong parte ng katawan ko ay hindi pa siya nakuntento’t sinuyod ng kanyang mainit na labi ang kaibuturan ko. Napasinghap ako at napahawak sa kanyang buhok. Narinig ko ang mahinang pagmura ko na sinundan ng kanyang malalim na pagtawa. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Ni hindi ko na malaman kung saan kami nakarating pareho pero nakisabay lang ako sa kanya. Halos hindi ako makahinga nang pumusisyon siya sa pagitan ng mga binti ko. Napalunok ako. Pakiramdam ko tatakas ang puso ko sa sobrang lakas ng t***k nito. I’m not sure what I’m doing. I just don’t care about what’s right or wrong anymore. After all, I’m not the kind of person who thinks before I act. Sobrang impulsive ko and I always strive to live the moment no matter what. Naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa ibabaw ng noo ko hanggang sa bumaba ito sa pisngi at leeg ko. God, kiss me already! My lips couldn’t help but wait for its turn. Halatang pinapasabik pa niya ako. Kaya naman hindi ko mapigilan ang pagbaon ng mga kuko ko sa balikat niya, urging him to give me more. And just when I thought I’d lose myself completely in his arms, I started hearing my lips moaning in ecstacy. Isa lang ang sigurado ako sa gabing 'to. Reign Valderrama, hinayaan mo ang isang estrangherong angkinin ka ng isang gabi! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD