Kabanata 1

3512 Words
Parang binibiyak ang ulo ko pagkagising ko. Hindi ko pa sana balak bumangon kung hindi ko lang narinig ang malakas na pagtulo ng tubig mula sa banyo na para bang may naliligo. Hindi ba’t mag-isa lang ako sa condo unit ko? Naidilat ko nang malaki ang mga mata ko at napasinghap nang makitang iba na ang suot kong damit! Kailan pa ako nagkaroon ng oversized white long sleeve polo?! Tyaka hindi naman ganito kalaki ang unit ko—teka! Nasa hotel ba ako?! Inilibot ko ang mga mata ko sa buong paligid at dito nakumpirma na tama ang hinala ko. Nanlamig ang buong katawan ko dahil pilit ko mang alalahanin ang nangyari kagabi ay walang pumapasok na kahit ano sa isip ko. Ang huling natatandaan ko ay nasa Royal Club pa ako. Napaupo ako sa couch dahil sa sobrang kalasingan. Habang pilit kong inaalala ang nangyari ay mas lalo lang sumasakit ang ulo ko. I should have listened to my family! Ano na naman bang impulsive decision ang nagawa ko? Huminto ‘yung tunog ng tulo ng tubig sa banyo. Napatakip ako ng bibig at napalunok, tila ba narinig ang pagtili ng puso ko dahil alam kong lalabas na anumang oras kung sino man ang nasa loob nito! Kaya mabilis kong dinakot lahat ng nakita kong damit sa sahig at gamit tyaka kumaripas ng takbo palabas ng kwarto. I’m not even sure if I’m wearing my underwear! *** Ipinatong ko sa balikat ko ang dala kong itim na blazer imbes na isuot. Sapat na siguro ito para magmukha akong matino sa suot kong maluwang na polo na kung tutuusin ay hindi naman sa akin. Itiniklop ko na lang ito hanggang sa maging three fourths at ni-tuck in sa faded blue jeans na pangibaba ko. Hindi na kasi ako nakapunta pa ng mall para makabili ng damit dahil ngayon mismo ay gusto kong puntahan ang kumpanyang pinapasukan ni Joaquin. I’ve decided to take revenge. Kung akala niya mapapalampas ko ang ginawa niyang panloloko sa akin ay nagkakamali siya. Hindi niya kilala na isang Valderrama ang binangga niya. Sisiguraduhin kong pagsisisihan niya ang panggagamit sa akin. Kahit anong pusisyong bakante ay balak kong pasukan para lang madali akong makalapit kay Joaquin at maisagawa ko ang balak ko: make his life at work a living hell in whatever ways I could think of. Hindi ko akalain na sa isang iglap lang ay magbabago ‘yung pagmamahal ko para sa kanya at mapapalitan ng galit. Now I keep asking these questions: Minahal ko nga ba talaga si Joaquin? Or did I just find it challenging to go against what my family wants?  Sakay ng taxi, ilang minuto lang ang naging byahe ko mula sa condominium na tinutuluyan ko papunta sa Savage Enterprises. Mabuti na lang at matandain ako sa mga paguusap namin ni Joaquin at naalala kong dito siya nagtatrabaho. He’s a marketing assistant in this company and as far as I can remember, it’s the biggest hotel chain in the Philippines. Minsan na rin kasi itong nabanggit ni Papa sa amin. Pagkababa ko ng sasakyan ay huminto muna ako sa harap ng mataas na building at tumingala. Itinaas ko ang suot kong itim na shades at iniwan ito sa tuktok ng ulo ko. Nakakasilaw ‘yung sikat ng araw pero mas nalula ako dahil parang mahigit sa dalawampu yata ang palapag nito. I can’t believe a cheater like Joaquin managed to get a job in a big company like this. Ano naman kaya ang ginawa niya para matanggap dito? Pinatulan ba niya ang boss niya? Nandaya sa application? Hindi na ako magtataka kung nakapasok siya rito sa ilegal na paraan. Kung sa relasyon nga ay hindi niya nagawang maging tapat. Mabuti na lang pala nakapag heavy breakfast ako kanina. Kailangan ko ng lakas dahil mukhang mapapalaban ako ngayong araw. Naglakad na ako papasok ng building at napansin kong bawat taong makasalubong ko ay sinusundan ako ng tingin. Akala ko noong una may ilan lang na gagawa nito pero halos lahat yata ng empleyado rito iisa ang reaksyon. Halata bang hindi ako nagtatrabaho rito? Sobrang sagwa ba talaga ng ayos ko? O akala nila nakakita sila ng artista? Hindi ko rin alam pero mas pinili kong hindi na lang ito pansinin. Para hindi ako maapektuhan ay sinuot ko na lang ulit ang shades ko. Ayoko lang talaga ng sobrang atensyon. Dumiretso ako sa front desk at malambing na ngumiti sa mga empleyado rito. “May hiring ba kayo ngayon?” binaba ko nang bahagya ang shades ko at ngumisi. Sabi nga ng mga kapatid ko, kahit mga babae sa probinsya namin ay gandang-ganda sa akin. Kaya balak kong gamitin ito ngayon bilang alas ko. “Ah Ma’am sa website namin makikita niyo po-” “Oo alam ko pero kailangan ko sana ‘yung trabaho na for interview ngayon.” “Ma’am kasi kailangan munang makita ‘yung resume mo at i-assess ng HR bago ka maisama sa mga for interview.” Nawala ang atensyon ko sa kausap ko nang makita kong may grupo ng mga babaeng magkakasamang dumiretso sa elevator. Sobrang pormal ng suot nilang damit at may mga dalang brown envelopes at folders. The look on their faces suggests that they were about to be grilled. Kaya kung tama ako ng naiisip, papunta sila sa isang job interview ngayon. At iyon ang ipinunta ko rito kaya walang pagdadalawang isip akong sumunod sa kanila. Pasimple akong lumayo sa mga kausap ko hanggang sa makakuha ng pagkakataong makasingit sa mga babaeng ‘to. Pagpasok sa loob ng elevator, nakita kong pinindot ng isa sa kanila ang 25th button, ang pinakamataas na palapag ng building na ‘to. Tamang-tama dahil curious pa naman ako kung anong makikita rito. Habang naghihintay huminto ang elevator sa 25th floor, nakinig muna ako sa mga bulungan nila. Mukhang inaaral nila ang sagot sa tanong na ‘Tell Me About Yourself’ na madali lang naman sagutin kung tutuusin kaya hindi ko maintindihan kung bakit kabadong-kabado sila. Ang mas nakakatawa pa, narinig ko ang isa sa kanila na nageensayo sa pagkanta na para bang matatanggap siya kapag magaling siya rito. Dapat pala ay pinagaralan nito kung paano kumain ng apoy para mas kakaiba ang talent niya. Tiningnan ko ang sarili kong repleksyon sa elevator at bahagyang inayos ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko. Pagbukas ng elevator, awtomatikong nalaglag ang panga ko pagkakita sa napakaraming babaeng aplikanteng nagiintay para ma-interview. Siguro'y mahigit sa limampu kami rito. Kapag ba may job hiring sa Maynila ay ganito talaga karami ang naga-apply? O ganito lang talaga karami ang gustong makapasok sa Savage Enterprises? Mukhang mas mahihirapan ako kaysa sa inaakala ko. Mabuti na lang at sobrang ganda sa palapag na ‘to. Kulay puti ang buong lobby kaya maaliwalas. The walls are mostly made of glass overlooking the other huge buildings. Gusto kong palakpakan kung sino man ang nagdisenyo ng building na ‘to. Muntikan nang magsara ang pinto ng elevator nang hindi pa ako nakakalabas kaya pinindot ko agad ito para magbukas. Paglabas ko rito, nagulat ako nang makita ang isang babaeng nanggaling sa malaking pinto dahil humahagulgol itong sumakay ng elevator. Paulit-ulit niya itong pinindot para magsara kaagad. Ano kayang nangyari sa loob para umiyak ito ng ganito? Tuloy ay natakot ang ibang aplikante, may ilang umalis na rin dahil hindi kinaya ang pressure. “Number thirty, Ms. Santos, Mr. Savage will see you now,” sabi nung isang babaeng siguro’y nasa late 40s na at papasang Miss Minchin. Naka-bun ang kanyang buhok at may suot siyang makapal na salamin. At dahil mukhang may awtoridad siya sa job hiring na ito, tumayo na ‘yung Ms. Santos na tinawag niya at sumunod sa kanya. Sa tingin ko secretary ang pusisyong gusto nilang pasukan. Pero hindi lang basta secretary dahil malamang sa malamang, directly reporting ito sa may-ari ng kumpanya. Mr. Savage. Hindi naman siguro rito sa 25th floor normal na ini-interview lahat ng aplikante ng Savage Enterprises ‘di ba? Kaya malakas ang kutob ko na medyo jackpot ako sa gusto kong pasukan. Dahil mukhang si Miss Minchin ang susi para makapag-apply ako ay sa kanya ako lumapit. Ngumiti ako sa harapan niya habang pinapakita ang resume kong mainit-init pa mula sa printer. “Maga-apply ako,” Hindi ko alam kung anong pusisyon pero kung maraming naga-apply at para ito sa may-ari ng kumpanya, siguradong maganda ang job offer na ‘to. Desperada na ako para palampasin pa ito. Inayos ni Miss Minchin ang kanyang salamin at tila ba sinuri ako mula ulo hanggang paa. Inayos ko ang tayo ko para mas maging maganda ang first impression niya sa akin. “We don’t accept walk-in applicants, Miss,” masungit na pagkakasabi nito at dapat sana’y tatalikuran na ako nang hawakan ko ang braso niya. Agad ko naman siyang binitawan na para bang napaso ako sa ginawa ko dahil sa matalim na tinging ipinukol nito. Hinawakan lang, galit agad? “Hindi kasi ako nakapagpasa online Ma’am. Ngayon ko lang nakita ‘yung job opening,” paliwanag ko pero hindi nagbago ang timpla ng mukha nito. “Please? Kailangan na kailangan ko lang talaga ng trabaho. Galing pa ako sa malayong probinsya. Nagpunta talaga ako rito para sa trabahong ‘to,” pagmamakaawa ko at suminghot ako ng mga tatlong beses para ipakitang naiiyak ako. Nakita ko ang pag-awang ng labi niya na para bang may balak sana siyang sabihin. Kaya lang natigilan siya nang hawakan niya ang earpiece niya. Natahimik siya sandali bago bumuntong hininga. “You have to wait until we’re done with all the other applicants,” pagkasabi niya’y lumabas na muli ‘yung babaeng kakapasok lang. Ngayon naman ay galit na galit ito. “He should’ve at least watched my whole performance! I practiced it for a month!” Ano kayang klaseng mga tanong ang binibigay sa interview na ‘to at masyadong nagiging emosyonal ang lahat? At talagang kailangan may performance na inihanda? Gaya ng sabi ni Miss Minchin, inintay kong matapos lahat ng mga aplikante dahil sa mukhang ito na ang susi para maisakatuparan ko ang balak ko. Siguro naman maganda ang offer ng Savage Enterprises dahil kung hindi, maghihintay ba naman lahat ng babaeng nandito ngayon? Habang naghihintay, ginawa ko munang abala ang sarili ko sa pagbabasa ng librong binitbit ko. Mabuti na nga lang at may tatlo akong pocketbooks na dala dahil siguradong matatagalan ako rito. Nakatulong din ito para hindi ko mapansin ‘yung mga aplikanteng galing sa interview. Wala yatang lumabas dito na masaya. Now that it looked challenging, I’m starting to get excited about my turn. Kung nandito si Kuya MJ, siguradong tatawanan niya ‘ko. How come his perfect little sister wants to get this job when it could be given to me in a silver platter? Ginabi na ako sa paghihintay. Wala rin naman akong ibang lakad kaya ayos lang. Nang makita kong pumasok na ‘yung huling aplikante, nag-retouch na ako ng make-up at inihanda ang sarili ko. Pagkatapos ay nilapitan ko si Miss Minchin para iabot ang resume ko. Akala ko kukunin niya ito sa akin kaya nagulat ako nang itinulak lang niya ito papalayo sa harapan niya. “The last applicant just entered the room-” “What?! Kanina pa ako naghihintay dito dahil sabi mo maghintay ako. Tapos ngayon sasabihin mo sa akin ‘yan?” A Valderrama never waits! Pero para sa trabahong ‘to ay nagawa kong maghintay ng ilang oras. “You weren’t even on the list-” “Sana kanina niyo pa sinabi. Paano na ako nito? Paano na ‘yung pamilya kong nagugutom sa bahay at umaasang may maganda akong balita para sa kanila paguwi ko? Paano na ‘yung pag-asang winasak ng kumpanyang ‘to?!” I was being hysterical and dramatic I know. Pero kung hindi ko dadramahan ang babaeng ‘to ay wala akong mapapala’t masasayang lang ang paghihintay ko. Bahagya niyang hinawakan ang kanyang earpiece na para bang may pinakikinggan siya muli rito. Kasunod nito’y lumabas na agad ‘yung babaeng kakapasok lang kanina. Gaya ng inaasahan ay umiiyak din ito and I want to know why! I’m dying out of so much curiosity! Alam kong dapat akong kabahan dahil sa mga nakita kong reaksyon mula sa ibang aplikante. Pero alam ko ring kayang-kaya kong dalhin at ibenta ang sarili ko. Kung hindi nga lang dahil sa kumpanya namin ay hindi ako mapipilitang i-turn down lahat ng job offers sa ‘kin magmula pa noong huling taon ko sa kolehiyo hanggang ngayon. “Mr. Savage will see you now. You can give your resume to him directly,” sabi ni Miss Minchin tyaka umalis sa harap ng pinto para padaanin ako. Binuksan ko muna ang dalawang butones ng polong suot ko para mapakita ko ang isang edge ko kumpara sa ibang aplikante. Tiningnan pa ko ni Miss Minchin nang masama pero ngumisi lang ako sa kanya bago pumasok sa loob. Naabutan kong nakatalikod ang swivel chair ni Mr. Savage pagpasok ko. Siguro’y pagod na ito dahil ang dami rin niyang nakausap buong maghapon. Kaya nilagay ko na lang muna sa ibabaw ng lamesa niya na puno rin ng ibang papel ang resume ko. Sa totoo lang, minadali ko lang i-print ang resume ko kaninang umaga at hindi pa updated. Wala tuloy akong nailagay na job experience kaya mukhang fresh grad lang ako. Pero siguro ipapaliwanag ko na lang sa interview mamaya lahat ng karanasan ko. Punong-puno na rin naman ito ng seminars at workshops na napuntahan ko noon. Bukod pa rito, summa c*m laude akong nagtapos sa kolehiyo at with honors naman sa high school at elementary. Nag-enroll din ako sa mga short courses na related sa business at marketing noon para mas lumalim pa ang kaalaman ko rito. Hindi kasi talaga ako mahilig magpatalo. Oo’t black sheep ako kung tutuusin ng pamilya dahil madalas akong gumawa ng bagay na tutol ang lahat but it has never become a reason for me to settle for less.  Pagupo ko sa nakahandang upuan katapat ng lamesa ni Mr. Savage, dito lang niya ako hinarap. Napalunok ako at bumilis bigla ang kabog ng dibdib ko. Akala ko noong una’y may edad na ang Mr. Savage na tinutukoy ni Miss Minchin, pero sa nakikita ko parang nasa early thirties pa lang siya. Bukod pa rito, hindi siya mukhang CEO ng kumpanya dahil mas mukha itong modelo. Ang lalim nito kung makatingin sa akin. Ganito rin ba ‘yung tingin niya sa ibang aplikante kanina? Dahil kung oo, naiintindihan ko na ‘yung kabang naramdaman nila. His clear, brown eyes stared at me steadily as if he was trying to read my mind. Kaya nahirapan akong huminga at naging maingat din ako sa pagiisip ng kung anu-ano. I managed to smile despite the pressure. Kailangan para maipakita ko ‘yung maliit na dimple sa magkabilang gilid ng labi ko. Ito raw kasi ang asset ko kaya ginagamit ko na ng mas maaga. Tiningnan ni Mr. Savage ‘yung papel na iniwan ko sa lamesa niya. Dito ko siya nagawang pagmasdan nang mabuti. Hindi ako sigurado kung Pilipino ito pero bakas sa mukha niya ang pagkakaroon ng lahing Espanyol at Amerikano. Maputi at medyo mamula-mula rin kasi ang kanyang balat. Nang titigan ko ang kanyang mukha, nakita ko ang bawat detalye nito nang mas malinaw. Makapal ang kanyang kilay at pilikmata na mas nagpadepina sa mga mata nito. Matangos ang kanyang ilong na may kaunting lubak sa gitna. Apart from his undercut hairstyle, his faded stubble makes him look more masculine, mature, and strict. But beyond these words, the combination of all makes him look ravishing.  I stopped staring when I saw his full lips parted. “So Ms. Valderrama, I can see that you already have a lot of experience. Can you tell me more about yourself?” maging ang lamig at lalim ng boses nito ay dominante, sapat na para patayuin ang mga balahibo ko sa batok. Binasa ko ang labi ko bago nagsalita. “Uhm… I worked as the marketing manager of-” “I already know that you’re capable. It’s obvious based on your resume. But what more can you share about yourself?” Binitawan niya ang hawak na papel bago sumandal sa kanyang upuan. He crossed his arms and waited for my answer. Is this a trick question? Kung hindi tungkol sa work experience ko ang gusto niyang malaman, ano pa nga ba ang pwede kong sabihin? “In college I was-” “What else?” “I attended seminars-” “Should I make it simple for you?” Hindi ako nakasagot. Hindi ko mabasa kung saan papunta ang usapan namin. Ngayon lang nangyari na wala akong masabing kahit na ano sa isang interview. “What’s your favorite color?” “Neutral colors-” “What’s your favorite food?” “Everything except food with vinegar-” “What are your hobbies?” “Reading books and-” “What side of the bed do you prefer?” “What?” “Left or right?” “Left-- right!” “How long was your last relationship?” “Four years. Though I’m not sure if it’s counted as a relationship-” “Are you still a virgin?” “Yes-- No-- I don’t know!” Napatayo ako dahil sa hindi ko na maintindihan ‘yung point ng mga tinatanong niya. Tumayo naman siya at lumapit din sa akin. Dito ko nakitang hanggang labi lang niya ako. Ganuon siya katangkad dahil 5’7 na ako. “Why are you asking me all of these random questions?” I was thinking of the word ‘nonsense’ but decided not to use it after some thoughts. “Hindi mo pa ba naiintindihan? Gusto kong malaman ang lahat tungkol sa ‘yo.” Kinilabutan ako. Mukhang dapat ko nang suotin ang coat na dala ko dahil nilalamig na ‘ko. “Now tell me, out of all the applicants who came here today, with their exceptional backgrounds and capabilities, why do you think should I hire you?” “Because I’m smart and I have experience-” “Aside from that,” Alam ko ang sagot sa ganitong mga interview pero bakit ganito na lang ang epekto sa akin ng lalaking ‘to? Napatitig ako sa pangalan niyang nasa ibabaw ng lamesa. Philip Daxon Savage. Why are you doing this Mr. Savage? Why am I so intimidated… and intrigued? “Ms. Valderrama aside from that, why should I hire you?” Nabigla ako nang halos ilang dipa na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. So I told him the stupidest answer any fresh grad applicants would dare say in a job interview out of desperation. “I’m willing to learn and I’m hardworking!” sigaw ko sabay pikit ng mariin at nang idilat ko ang isang mata ko, dito ko nakita ang pag-angat ng gilid ng magkabilang labi niya habang hinihimas niya ang kanyang baba. Hindi ko alam kung magandang senyales ito. Imposibleng tanggapin niya ang sagot ko lalo na kung mas magaganda ang sagot ng ibang aplikante kanina. Ngayon lang ako nagduda sa sarili ko nang ganito. At dahil desperada na akong makuha ang trabahong ‘to, napakanta ako nang wala sa oras. “And I was dying inside to hold you! I couldn’t believe what I felt for you…” Nilingon niya ako kaya sinabayan ko na rin ng dance steps habang kumakanta ako. “Dying inside! I was dying inside, but I could’t bring myself to touch you!” May paggiling pa akong ginawa dahil baka may plus points pag malambot ang katawan. Tinapos ko rin ang kanta with a beatbox! Nang makita kong seryoso lang siyang nakatitig sa akin ay huminto na ako at nag-bow. Dapat pala kaninang may oras pa ako ay naghanda ako nang mas maayos na performance! Lumayo siya sa akin at napatakip ako ng mukha. Sobrang init ng pakiramdam ko dahil sa kahihiyan. Ngayon alam ko na kung bakit ganuon na lang ang reaksyon ng ibang nakausap niya. Gustong-gusto ko ng lumabas ng opisina niya pero ayokong magpatalo sa lalaking ‘to. Nakita kong may kinuha siyang folder mula sa kanyang lamesa bago lumapit sa akin para iabot ito. “You’re hired.” Dalawang salita lang ang namutawi sa labi niya pero muntikan na akong mapatalon sa saya. Kaya inilabas ko agad ang ballpen ko at pumirma sa papel na inabot niya bago pa magbago ang kanyang isip. Wala pang ilang segundo ay binalik ko ito sa kanya. Pagkakuha, pinatong niya ito sa kanyang desk bago muling lumapit sa ‘kin. “One week from now we will have our engagement party. A week after that we’ll get married. Hindi ba’t sabi mo ay willing to learn ka at hardworking? Then prove it to me in bed.” “What?!” Napasigaw na naman ako at nabagsak ko pa sa sahig ang shoulder bag na hawak ko. “What are you saying?” “I just hired you to be my wife,” para akong binuhusan ng yelo. “‘Wag mong sabihing hindi mo alam kung ano ang pinasukan mo?” Parang nagkabuhol-buhol ang dila ko. Hindi ko alam ang gagawin. I didn’t expect to be tangled up in this messed up situation. Tumakas na ‘yung puso ko sa mga oras na ito. “Part of your requirements to be my wife…” dahan-dahan siyang lumapit sa akin at paatras naman ako nang paatras hanggang sa naramdaman ko ang malamig na pader sa likod ko. Pagtingin ko rito ay napasinghap ako dahil glass wall pala ito kaya kitang-kita ko ang ibang mga gusali at mga sasakyan. Para akong malalaglag kaya nag-iwas agad ako ng tingin. Napapikit ako nang bigla niyang hawakan ang kwelyo ng polong suot ko. Bago ko pa ito palisin ay nakita kong naisarado na niya ang mga butones ko, ramdam ko ang pagtama ng likod ng kanyang kamay sa ibabaw ng dibdib ko kaya hindi ako nakakilos. Inilapit naman niya ang bibig niya sa tainga ko na animo nagpaestatwa sa akin. “…you’re not allowed to open the buttons in any polo you would wear from now on.” His breath immediately sent shivers down my spine. Kung pwede lang bumalik sa nakaraan ay hindi na talaga ako luluwas pa ng Maynila. Pahamak talaga ang Joaquin na ‘yan sa buhay ko. Alam ko maghihiganti lang talaga ako sa ex boyfriend ko kaya ako napadpad dito pero paanong nangyari na bigla na lang akong naging asawa ng lalaking hindi ko naman kilala?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD