Tumili ako nang malakas pagka-chat ko kay Miguel.
Kailangan kong malaman kung maituturing bang legal contract ‘yung pinirmahan ko. Paano’y pagkauwing-pagkauwi ko pa lang ay nakatanggap na ako sa email ng soft copy nung kontrata! Hindi kaya na-scam ako? Aba ang bilis namang magtrabaho ng mga empleyado ng Savage Enterprises!
Pero dahil nakasaad sa kontrata na dapat ay manatili itong confidential, hindi ko lang mabigay kay Miguel ang buong detalye.
REIGN: HELP!!! Huhuhu
MIGUEL: What’s wrong?
REIGN: Kapag ba pumirma sa isang kontrata ibig sabihin valid na ‘yon kahit anong mangyari? As in kahit magunaw ang mundo?!
MIGUEL: Well it depends… niloko ka ba nung nagpapirma sa ‘yo? O pinilit ka ba nilang pumirma?
REIGN: Hindi naman…
MIGUEL: If you were neither deceived nor pressured by the other party into signing the contract, then you gave your consent. It’s one of the 3 important elements that make up a legal contract.
REIGN: Then it’s valid?!
MIGUEL: It proves that you signed the contract voluntarily. That’s enough ground to make it valid.
REIGN: E paano kung hindi ko pala naintindihan ‘yung pinirmahan ko? Or paano kung ayoko pala gawin ‘yung trabaho?
MIGUEL: Pwede naman maging void contract ‘yon. Pero depende pa rin. Ano ba ‘yung hinihingi sa ‘yo sa kontrata?
Hindi ako nakasagot kay Miguel. Hindi ko pwede sabihin sa kanya na na-hire ako bilang asawa ng owner at CEO ng Savage Enterprises. Tuloy ay napatitig na lang ako sa liwanag ng cellphone ko at maya-maya’y nakita kong nagta-type ulit ito.
MIGUEL: O baka interesado ka magbigay ng counter-offer, tingnan mo kung papayag pa sila.
Binato ko sa kama ko ‘yung phone ko at dumapa sa kama. Bakit ba kasi ako pumirma na naman nang hindi nagbabasa?
Pinagsabihan na ako noon ni Kuya TJ pero ito pa rin ang ginawa ko. Hindi pa talaga ako nadala noong nasa kolehiyo pa lang ako.
May nagustuhan kasi ako noon na kasali sa cheerleading squad ng campus. Isang araw ay nakasalubong ko ito sa hallway at inabutan niya ako ng papel. Hindi pa niya sinasabi kung para saan ito at hindi ko pa rin nababasa, pero nang makita kong may mga nakapirma rito ay pumirma na rin agad ako. Natuwa pa ako dahil nakita kong ngumiti ito sa akin sa unang pagkakataon.
The next thing I knew, binabato na ako sa ere dahil nag-sign up pala ako para maging member ng cheerleading squad. Dito ko rin nalaman na bakla pala ‘yung crush ko! Panay tuloy ang tukso ni Kuya MJ sa akin hanggang ngayon kahit binaon ko na sa limot ‘yung nangyari.
Ano na lang ang sasabihin sa akin nila Mama at Papa oras na malaman nila ang tungkol sa kasal ko? Siguradong magagalit sila na gagatungan pa nila Kuya TJ at Kuya PJ. Malamang ay si Kuya MJ lang ang magiging kakampi ko.
Kung umuwi na lang kaya ako ngayon sa amin bago pa kami ikasal?
Kaso paano naman ‘yung plano ko kay Joaquin. Hindi pwedeng umalis ako nang hindi nakakapaghiganti sa panloloko niya sa ‘kin. A Valderrama never loses a fight!
Binuksan ko ang phone ko at pinindot ang pangalan ni Joaquin sa messenger. Browsing through our messages, bakit pakiramdam ko ngayon ibang tao kami pareho? ‘Yung Joaquin na matalino at gentleman para sa akin ay bigla na lang naglaho.
Tanda ko pa noong unang beses kaming nagkausap. Pareho kasi kaming member ng sss group na related sa Marketing. Sa comment section nagumpisa ang lahat dahil nagkaroon kami ng mainit na pagtatalo tungkol sa kung anong social media network ang mas epektibo para mag-promote ng local stores. Kasalanan nung nag-post ng tanong kaya humaba ng humaba ang usapan hanggang sa nag-PM na siya sa akin.
And that’s where we started getting to know each other even more. Na-attract ako sa kanya because he seems to be an educated man. Dahil sa kanya naranasan ko ‘yung tinatawag nilang online dating.
Siguro kaya rin kami tumagal ng apat na taon kahit sa online lang naguusap ay dahil na rin sa istrikto ang pamilya ko – o siguro overprotective lang sila pagdating sa akin.
Ayaw nila Mama at Papa na umalis ako ng Batangas kaya nga pagka-graduate ko pa lang ay kinontrata na agad nila ako para magtrabaho sa kumpanya namin. Ang sabi kasi nila ay polluted na ang Maynila. Bukod pa rito ay masyado nang liberated ang mga tao.
Si Kuya TJ, Kuya MJ, at Kuya PJ naman, magkakaiba man ng ugali ay nagkakasundo pagdating sa isang bagay. Iyon ay ang hindi pagpapalapit ng lalaki sa akin. Bakod na bakod ako lagi kaya wala ring naglalakas loob manligaw sa akin. Kahit ‘yung mga kaibigan nilang gusto sanang manligaw ay hindi nila pinalampas.
Sabi pa nga ni Kuya MJ noon, kung talagang mahal ako ng isang lalaki, ito mismo ang pupunta sa bahay namin sa Batangas para umakyat ng ligaw. But I can't wait! Hindi ako gaya ng mga prinsesa sa fairytale na naghihintay na lang sa pagdating ng prince charming nila. Ako mismo ang nakahandang magpunta kahit nasaan man ito. Tyaka paano naman ako pupuntahan kung tinatakot agad nila ‘di ba?
Dahil na rin sa sobrang higpit ng pamilya ko sa akin kaya rin siguro ako nagiging pasaway madalas. Mas pinipili kong hindi sumunod sa mga gusto nila dahil nasasakal ako.
Ito tuloy ako at naloko. Hindi kasi ako nakinig sa kanila nung sinabi nila sa akin na itigil ko na ang pakikipagusap kay Joaquin. Sige pa rin ako sa pagbibigay ng regalo sa kanya. Kahit anong hilingin niya ay binibigay ko, pera man o gamit. At kahit pinigilan na akong makipagkita sa kanya, sa huli’y tumakas ako at ngayon ay nakarating ng Maynila.
Mabuti na lang may condo unit na ako rito sa Maynila. Walang alam ang pamilya ko tungkol dito dahil humingi lang talaga ako kay Miguel ng tulong. Matagal ko na itong kaibigan pero gaya ni Joaquin ay sa online ko lang siya nakakausap. Abogado ito at sobrang responsable kaya kapag kailangan ko ng tulong, kahit hindi pa kami nagkikita ay siya ang madalas kong lapitan. Wala rin naman kasi akong ibang kaibigan kaya maswerte ako dahil nandyan siya. Subok ko na ang pagkakaibigan namin kaya naman alam kong mapagkakatiwalaan ko siya.
Napatingin ako sa shoebox na nilagay ko sa basurahan. Kung iisipin, ang dami ko na palang ginawa para kay Joaquin. Parang ang laking ng investment ko sa kanya, materyal man na bagay o emosyon dahil siya ang unang boyfriend ko. Pero mukhang nagkamali pala ako sa pagpili ng lalaki.
Kaya hindi ako aalis dito ng luhaan. Sisiguraduhin kong makakaganti ako sa kanya.
Pinuntahan ko ang f*******: profile ni Joaquin at nakita kong may bagong post ito. It’s a picture of him in a club. Walang nakalagay kung saan ito pero nang titigan kong mabuti, napansin kong pamilyar ito.
Sa Royal Club! ‘Yung club na pinuntahan ko kagabi!
Kapag sinuswerte ka nga naman. Nabuhayan ako ng loob at mabilis na bumangon. Binuksan ko ang maletang dala ko para maghanap ng maisusuot. Dito ko nakita ‘yung mga damit na iniregalo ni Kuya MJ sa akin noong nag debut ako.
Ang sabi ko kina Kuya TJ tinapon ko na ang mga ‘to kahit hindi talaga. Pinapatapon nila ito dahil sa malaswa raw at magmumukha akong p********e kapag sinuot ko. Pero hindi naman. Ito lang talaga ang uso ngayon na hindi nila maunawaan dahil parang nasa sinaunang panahon pa rin sila. May pagka-conservative sila pagdating sa akin lalo na si Kuya PJ.
Kinuha ko ‘yung itim na long sleeve blouse na may pagka-transparent. Nakita kong suot ito nung isang modelong ni-follow ko sa i********:. Pinareha niya ito sa itim na bra tapos skirt. Mabuti na lang at may itim din akong bra rito at kinuha ko na lang ‘yung black leather skirt ko para gawing kapares nito.
Isinuot ko ang mga damit na napili ko at pagkatapos ay kinuha ang pangkulot para sa dulo ng buhok ko. Kahit na natural naman na itong kulot ay inayos ko pa rin nang bahagya para maganda ang bagsak sa ibabaw ng dibdib ko. Pagkatapos ay pinalitan ko ng pula ang kulay ng labi ko at naglagay ako ng smokey eyeshadow.
Pagtingin ko sa salamin ay nagulat ako dahil muntikan ko nang hindi makilala ang sarili ko. Tuloy ay medyo binawasan ko na lang din ‘yung kulay ng labi ko dahil baka magmukha akong bampira. I just need to look sultry enough to make him regret cheating on me.
Nang mukhang maayos naman na ang lahat ay tyaka lang ako nagkaroon ng lakas ng loob lumabas ng unit ko.
***
I didn’t know I’m capable of going to a club two times in a row. Dahil kung iisipin, kapag nasa Batangas ako ay bahay at opisina lang ang pinupuntahan ko.
Pagkapasok sa loob ng Royal Club, sinalubong ko na naman ‘yung ingay ng tugtog galing sa speaker at ‘yung nakakabulag na pagiiba-iba ng kulay ng ilaw.
Sa dami ng tao ngayong gabi, hindi ako sigurado kung mahahanap ko ba si Joaquin. Hindi nga rin ako sigurado kung anong gagawin ko ‘pag nagkita na kami.
Siguro sasampalin ko na lang muna siya. Kailangan ko muna siyang masampal. Bahala na kung anong sunod na mangyari.
Sinuyod ng mga mata ko ang buong paligid. Mas maraming tao ngayon kaysa kagabi. Ngayong nasa tamang wisyo rin ako, napansin kong may mga naghahalikan sa madidilim na parte ng club. Hindi ko tuloy akalain na rito ako nanggaling kagabi.
Nang hindi makita si Joaquin sa mga upuan ay dumiretso na ako sa dance floor. Hindi ako pwedeng magkamali, alam kong nandito siya. At humanda siya kapag nakita ko siya!
Pagdating ko sa gitna ng dance floor ay huminto muna ako sandali. Tumingkayad ako at pilit na inaninag kung nandito ba si Joaquin. Kaya lang naramdaman kong may dumidikit sa likuran ko. Is this what they call grinding? Hindi ko alam pero hindi lang siya basta nagsasayaw! Kinilabutan ako nang may kakaibang naramdaman. Lumayo na lang agad ako rito dahil baka ano pa ang gawin nito sa akin kapag nagtagal ako sa kinatatayuan ko.
Hinawi ko ang mga tao at mabilis na naglakad kaya lang bumangga ako sa malapad na katawan ng kung sino. Hindi naman kasi siya umalis sa harapan ko kahit nag-excuse me na ako. Halatang nananadya o sadyang bingi lang. Tuloy ay nasubsob ang mukha ko sa kanyang dibdib.
And I’m not sure why but there’s something unique in the way this person smells. It’s kind of leathery or woody, something in between, that slowly turns into a sweet and musky scent. Or was it vanilla? Hindi ko na naisip kung ano ang pabangong gamit niya dahil nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko si Mr. Savage!
Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig. Nanginig ang buong sistema ko lalo na nang makita ang pagigting ng kanyang panga. Agad akong tumalikod bago pa niya ako mamukhaan. Pasalamat ako’t madilim at medyo magulo ang mga tao rito. Isiniksik ko ang sarili ko sa gitna ng mga tao para lang mabilis na makalayo mula sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit nandito rin siya ngayong gabi pero hindi niya ako pwedeng hilahin palabas nang hindi ko nagagawa ang balak ko!
Nang makatakas mula sa dance floor ay dito lang ako nakahinga. Dito ko lang din nakita si Joaquin na kakaupo lang sa couch ilang hakbang mula sa kinatatayuan ko. Finally ay nakita ko na rin ang gago!
Pansin kong ibang babae naman ang kasama nito ngayon at nakaupo pa ito sa kanyang hita. Dumukot siya ng pera sa kanyang bulsa at nilagay niya ito roon sa gitna ng dibdib nung babae! If I know, baka pera ko pa ang ginagamit niya sa pambababae niya.
Sobrang init ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko umuusok ang tainga at ilong ko sa galit.
Lalapitan ko na sana ito para sampalin nang bigla akong makarinig ng sigaw ng babae. Kung bakit ngayon pa ito nangyari ay hindi ko alam. Sinuswerte yata talaga si Joaquin.
Alam kong may pwede namang tumulong dun sa babaeng narinig ko kaya lang nagpabalik-balik ang tingin ko kay Joaquin at doon sa pinanggalingan ng sigaw na tingin ko malapit sa CR ng girls.
Naiinis ako sa sarili ko ngayon dahil naiisip ko pa talagang makielam sa issue ng iba gayong ‘yung akin nga ay hirap na hirap akong maresolba!
I grunted in surrender and started walking towards the women’s comfort room. Dinaanan ko lang si Joaquin kahit na mabigat sa loob ko.
Pagdating ko sa pinanggalingan ng sigaw, dito ko nakita na may babaeng hinihila ng lalaking lasing. Siguro’y nasa 40s na ‘yung lalaki at ‘yung babae ay kaedaran ko lang. Ayaw sumama nung babae sa lalaki pero pinipilit siya nito.
Pinikit ko nang mariin ang mga mata ko bago muling dumilat. Hindi ko talaga gustong makakita ng ganitong eksena kaya naman bago pa mas lumala ang sitwasyon ay pumagitna na ako.
Hinawakan ko ‘yung kamay nung lalaki na nakahawak sa braso nung babae. Ngumiti ako at diniinan ang pagkakabaon ng mga kuko ko rito kaya hindi nagtagal ay siya na mismo ang bumitaw habang nagsisisigaw. Agad tumakbo papunta sa likod ko ‘yung babae at ngayon ay kami na nung lalaki ang magkaharap.
“Bakit ka ba nangingielam ha?! Gusto mo rin bang sumama?”
“Walang may gustong sumama sa ‘yo,” paglilinaw ko at tumawa ito. Lasing nga siguro talaga ‘to dahil pulang-pula ang mukha niya at gegewang-gewang na rin maglakad.
“Binilhan ko ng mamahaling alak ‘yang kasama mo! Anong akala niya, may libre pa sa panahon na ‘to?” Now it’s my turn to laugh. Tungkol na naman sa pera. Niloko ako ng boyfriend ko at pinerahan. Talaga bang sa pera lang umiikot ang mundo?
Nilabas ko ang wallet ko at dumukot ng pera mula rito. Hindi na ako nagabala pang magbilang. Binato ko ito sa mukha niya. Mukhang ganito rin ang masarap na gawin kay Joaquin. Pero dapat ay pekeng pera lang ang ibato ko dahil ayokong masayang na naman ang pera ko sa kanya.
“Sapat na ba ‘yan?” Hindi ko na inintay pa ang sagot nito at tumalikod na kasama nung babae. Kaya lang ay mukhang matigas talaga ang ulo nito dahil hinawakan pa ako nito sa balikat. Nakita ko ang kamay nito na tuluyan nang umubos sa natitirang pasensya ko. Nagtitimpi ako but he's leaving me no choice.
Haharapin ko na sana ito para tadyakan nang marinig ko ang malakas na pagsigaw nito. Paglingon ko kung bakit ay dito ko nakita si Mr. Savage. Hawak niya ang isang braso nung lalaki na ipinilipit niya sa likod nito.
“Alisin mo ang kamay mo sa asawa ko,” utos nito at sa takot nung lalaki ay agad itong sumunod. Binitawan siya ni Mr. Savage at tumakbo agad ito papalayo.
Napayuko naman ako. Hindi ko alam kung sasapat na ang mga buhok ko para hindi niya makita pero sinubukan ko pa rin. Dahan-dahan akong umatras, nakahanda nang tumakbo kaya lang nabasa yata ni Mr. Savage ang nasa isip ko’t humarang na ito sa harapan ko.
Nang mag-angat ako ng tingin, he was already towering over me. Ngumisi naman ako sa kanya at kumaway.
“Hello!”
“Bakit nandito ka na naman?” nakita ko ang pagigting ng panga nito pero tumawa ako nang mahina.
Noong una ay nakatitig siya sa akin kaya akala ko ako ‘yung kausap niya pero sumagot ‘yung babaeng katabi ko.
“I was just trying to have fun! Nakakasakal sa bahay,” sabi nito at para bang nakita ko ‘yung sarili ko sa kanya kaya medyo natawa ako. Tumingin sila pareho sa akin at dito ko nakita ang pagkakahawig nila. Kaya kahit hindi nila sabihin, alam ko nang magkapatid silang dalawa. “What’s so funny?”
“Wala, sige maiwan ko na kayo,” sabi ko at lalagpasan na sana silang dalawa nang iharang muli ni Mr. Savage ang katawan niya sa dadaanan ko. “Mr. Savage, I have other things to do tonight which – thank God – doesn’t involve you. So please? Pwede wag kang humarang?”
Binukas-sara ko ang mga mata ko sa kanya at ginawa naman niyang magkalebel ang mukha namin bago siya nagsalita. “Ms. Valderrama, isa pang requirement na kailangan mong gawin. You should stop going to places like this if you’re not with me and start calling me Dax from now on.”
“Dax? As in Daks?”
Pinagdikit ko ang labi ko. Pilit kong pinigilan pero sa bandang huli’y natawa pa rin ako. Sa sobrang lakas ay napahawak pa ako sa tyan ko. Pero hindi siya nagpatinag at nanatiling malapit ang mukha niya sa mukha ko. Nakita kong nakakunot ang noo niya nang mahimasmasan ako. Pinunasan ko pa ang luha sa gilid ng mga mata ko.
“Okay, Dax!” sabi ko pero muli ay natawa na naman ako. The word itself was so funny! Haluan pa ng seryosong mukha nito nang sabihin niyang ito ang itawag ko sa kanya!
“I told you it’s not a good nickname kuya,” sabi nung kapatid niya sabay tirik ng mga mata. Buti pa ito ay updated sa mga ganitong bagay.
Tumayo ng diretso si ‘DAX’ at nag-isip ng malalim. Hindi niya yata alam kung anong ibang kahulugan nito. Nalaman ko lang ito sa ibang sss friends ko na bakla. Baka nga naman talagang daks ito.
Habang nakatitig ako sa kanya at tawang-tawa pa rin, nakita ko sa likod niya na palabas na ng club si Joaquin kasama ‘yung babae kanina!
Hahabulin ko sana ito nang muling inilapit ni Dax ang mukha niya sa akin. “Just call me Dax instead of Mr. Savage. That’s better,” sabi nito at hindi ko alam kung kailangan ba talaga malapit ang mukha niya sa akin kapag nagsasalita.
“Sino ba siya kuya?” tanong nung kapatid niya na hindi ko pa rin alam ang pangalan.
Hindi naman nakasagot si Dax dahil may mga taong papunta sa CR at nakaharang kami. Tuloy ay inaya na niya kaming lumabas. Pinauna niya kami hanggang sa makalabas na kaming lahat ng club.
Wala na si Joaquin. Wala na ‘yung ipinunta ko rito kaya nadismaya ako.
“She’s my wife. Reign Valderrama,” pakilala ni Dax sa akin. Napairap ako sa kawalan. Why would I have a husband I don’t even know? “Ms. Valderrama, she’s my sister. Bobbie Ann.”
Mukhang hindi naman nabigla si Bobbie na para bang inasahan na niyang may asawang ipapakilala ang kanyang kapatid. Sabagay, magkapatid nga sila. Imposible namang wala siyang alam tungkol sa kasunduang pinirmahan ko.
“Then why are you still calling her Ms. Valderrama?” tanong ni Bobbie.
Bago pa makapagsalita ang isa sa amin ay may huminto nang itim na kotse sa harapan namin. Bumaba ang isang lalaking nakasuot ng itim na suit at shades at binuksan niya ang pinto ng passenger’s seat sa harapan ni Bobbie.
“Okay, the fun is over. Goodnight lovers!” sabi ni Bobbie bago pumasok sa loob ng sasakyan.
“You’re grounded Bobbie,” pahabol ni Dax at bumelat lang ito bago niya sinarado ang pinto. Nakikita ko sa kanila ang relasyon namin ni Kuya TJ kaya napahagikgik ako.
Naiwan naman ako kasama si Dax. Bigla tuloy lumamig ang gabing ‘to at nawala ang ngiti sa labi ko. "Hindi ka dapat nagpupunta rito ng mag-isa."
“Bakit hindi ka pa sumama sa kapatid mo?” hindi ko pinansin ang sinabi niya. Sana kasi iniwan na niya ako. Nagpunta naman ako rito mag-isa, malamang kaya ko na ang sarili ko.
“Bakit? Plano mo na namang tumakas?” Tiningnan ko siya ng matalim at nakita kong seryoso lang itong nakatingin sa akin. Pormal pa rin ang suot niya kahit tapos na ang working hours kaya parang galing pa siya sa opisina.
“Buti naman alam mo.”
“Kung tatakas ka, siguraduhin mo namang hindi ka mapapahamak.” Mukhang nakita niya ang nangyari sa akin kanina sa loob. Napairap na naman ako. Bakit ba kailangan niyang mangielam?
“Pwede pa ba akong umatras? Baka naman pwede pang bawiin ‘yung kontrata,” pakiusap ko sa kanya. Ginamit kong muli ‘yung pagpapaawa ko kay Miss Minchin. Kaya lang sa nakikita ko, mukhang hindi ito tatalab sa kanya.
“Akala ko ba willing to learn ka at hard working, hindi pa nagsisimula ang trabaho aatras ka na?” Pinuno ko ng hangin ang bibig ko kasabay ng paglukot ng noo ko. If he’s trying to tease me about the answer I gave him then it’s working.
“Seryoso ka bang papakasalan mo ako?”
“Business has always been a serious matter.”
“But marriage is not a business!”
“It is for me if it involves a big investor.”
“I can just pay for the damages kung mayroon man!”
“Akala ko ba kailangan ito ng pamilya mo kaya pinilit mong makuha ang trabahong ‘to?”
Napalunok ako. Oo nga pala’t nagsinungaling ako. Hindi ko alam na narinig pala niya ‘to.
“Bahala ka. Basta hindi ako magpapakasal sa ‘yo!”
Hindi ko pa rin nauunawaan ang nangyayari at wala akong intensyong unawain ito. Kaya naman inirapan ko siya bago ko tinalikuran.
“Reign.”
‘Yung pagtawag niya sa pangalan ko kagaya ng pagtawag ni Kuya TJ at ng mga magulang ko sa akin kapag may kasalanan ako. Ma-awtoridad ito kaya hindi ko naihakbang ang binti ko.
“Kahit makailang subok ka pa sa pagtakas, sisiguraduhin kong babalik at babalik ka sa akin.”
Nanlamig ang buong katawan ko. Mukhang hindi ito nagbibiro – mukhang hindi naman ito marunong magbiro. Dito may tumigil na itim na sasakyan sa harapan namin at may bumaba ulit para buksan ang pinto.
“They’ll drive you home-”
“Kaya kong umuwi mag-isa.”
“Get inside the car before I bring you home with me.”
Bumuntong hininga ako at padabog na pumasok sa loob ng kotse. May pera pa siyang inabot sa akin, kapalit yata nung perang ibinato ko roon sa lasing na lalaki kanina. Kung dati’y ako ang nagbibigay ng pera, ngayon ko lang naranasan na ako ang bigyan out of pity.
“I’ll see you tomorrow.”
I think tonight was a total bust and tomorrow I’d be in hell.