Nakatitig ako sa ceiling ng kwarto ko. Hindi ko alam kung anong oras na dahil wala pa ring tigil ang pagbuhos ng ulan. Nakakumot pa ako na indikasyong wala akong balak bumangon ano mang oras mula ngayon. “May sinabi pa ba kayo kay Reign?” narinig ko ang boses ni Kuya TJ sa labas ng pinto ng kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit may kaba pa rin sa loob ko na hindi maalis-alis. Parang may nakabara sa lalamunan ko. “Para namang naabutan namin siyang umuwi ng tatay mo. Ala e kayong magkakapatid pa lang ang nakakausap niya,” si Mama ang narinig kong sumagot. Tama naman si Mama, sina Kuya lang ang sumalubong sa akin pero wala akong sinabi sa kanila at nagtuloy-tuloy lang sa kwarto ko. “Sino gang kasama niyang umuwi kagabi? Si Daxon kaya tanungin natin kung bakit siya biglang nagpunta rito?” par

