“Are you sure you’re alright?” Pangatlong beses na itong itinanong ni Dax sa akin at pangatlong beses na rin akong tumango. “Pag sinabi ko bang hindi. Papayag kang umalis na tayo?” I raised an eyebrow, mapanubok na tingin ang ipinukol ko sa kanya. Sumandal siya sa upuan at humalukipkip. Bahagya niyang hinawakan ang labi niya habang mataman akong pinagmamasdan. He knows his stares are killing me kaya ginagamit niya ‘to sa akin ngayon. “If you don’t want-” “Magpapa-book na ba ako ng flight papuntang Palawan?” Tumalon ang puso ko. Natulala ako sandali bago mabilis na kumurap at umiling. “O gusto mong umuwi tayo sa inyo?” “I want to go to Iceland.” At ano namang gagawin mo sa Iceland Reign? “Then let’s go now and stop wasting time.” Akmang tatayo na siya nang mabilis kong hawakan

