Noong magdesisyon si Dax magpakalayo-layo dahil sa nagpadalos-dalos ako, nagdesisyon din ako para sa sarili ko. Nagdesisyon akong magtiwala ng buo kay Dax at sa sarili ko. At tiwala ito sa maraming aspeto. Nangako ako sa sarili ko na hindi ko na muli pang pagdududahan ang lalaking mahal ko, ang lalaking pinili kong pakasalan kahit ano pa ang mangyari. Hindi ko na rin pagdududahan ang desisyon kong ito. Sabi ni Miguel noon, kapag nagtiwala ka, it’s like giving the person a knife. At para sa akin, kung binigyan ko man ng kutsilyo si Dax, nasa sakanya na kung sa paanong paraan niya ito balak gamitin. Nasa sa kanya na kung balak niya akong saksakin gamit ito. Hinawakan ko ang kamay ni Dax kaya nakita ko ang paglambot ng ekspresyon ng kanyang mukha. “Ano talagang nangyari rito, Sunshine

