Dahil sabi ni Dax hindi naman kami nagmamadaling bumalik sa Maynila, pumayag ako na manatili muna kami rito sa Batangas kasama ang pamilya ko. Pabor din naman kasi ito sa akin para mapalapit siya sa pamilya ko. Kaya lang sa loob ng isang linggo ay wala siyang inatupag kung hindi mga gawaing bahay. Nagwawalis, nagpupunas, nagluluto, naghuhugas ng plato, nagsisibak ng kahoy, naghahalaman, at kung anu-ano pa. Masyado siyang abala sa mga bagay na pwede namang gawin ng ibang tao. Kaya nga kami may mga tauhan. Ginagawa niya ang mga ‘to bago kami umalis papunta sa resort at pati na rin paguwi namin. Tuloy ay parang kinukuhanan na niya ng trabaho ang mga tauhan namin sa sobrang kasipagan niya. Mabuti na lang pala at sinasama ko siya sa resort. “Ako na po dyan,” naabutan ko si Dax sa dining r

