I learned to live my life without depending on others; how to be contented and happy in my own little ways; and most especially, how to be myself.
Ito ang mga bagay na natutunan ko sa buhay dahil alam kong hindi sa lahat ng pagkakataon ay nandyan ang pamilya ko para protektahan ako. Darating at darating ang panahon kung kailan sarili ko lang ang kakampi ko. At the end of the day, you're all you have. So I knew at some point that I need to be capable of facing my own troubles.
Hindi naman ako ganito noon, may mga naranasan lang ako na nagturo sa akin kung paano maka-survive sa totoong mundo. Siguro nga akung noon nangyari sa akin ito, baka hindi ko kinaya.
Kaya hindi na bago sa akin ang magpunta sa isang lugar ng mag-isa. Dahil makailang beses ko na rin itong sinubukan para ma-train ang sarili ko. Siguro kaya rin madalas akong magdala ng problema sa pamilya ko - at kaya napadpad ako sa Maynila.
Ngayon ay hindi ko alam kung anong panibagong problema ang dala ng desisyon kong pagpuntang mag-isa rito sa Palawan. Ang dapat sana’y honeymoon ko’y nauwi sa soul-searching. Ayaw pa nga sana akong payagan ni Harold umalis dahil sobrang loyal niya sa kanyang boss pero hindi ako nagpapigil.
Dahil gabi na nang makarating ako sa Puerto Princesa, dumiretso muna ako rito sa Tiki Restobar para magpalipas ng gabi bago ako pumunta sa El Nido kinabukasan. Tamang-tama ang ingay dito para matabunan lahat ng bagay na gumugulo sa akin ngayon.
Sa bakanteng lamesa malapit sa stage ako umupo para mas mapakinggan ang live band na ipinagmamalaki nila rito. And because most reviews I read online said that they serve the best cocktails, I also ordered watermelon daiquiri while listening to loud music. Hindi naman kasi ako nagugutom kaya balak ko lang magpakalasing ngayong gabi.
For a Sunday night, pansin kong ang daming taong nagsasaya rito na para bang wala silang mga pasok bukas. May mga ilaw na nagiiba-iba ang kulay, mga naglalaro, at napakarami pang bagay ang nangyayari sa paligid.
I was actually enjoying my own company when an Aussie boy suddenly sat facing me across the table. Nangalumbaba siya habang walang kurap na nakatitig sa akin. Noong una’y napaisip pa ako kung ako talaga ang tinitingnan nito kaya tiningnan ko ang magkabilang gilid ko. Nang makumpirmang ako talaga ang pakay nito, naghanda na ako ng English sentence na magpapaalis sa kanya dahil gusto kong mapag-isa.
“Hi Miss Single,” kumunot ang noo ko hindi lang dahil tonong Pinoy ito kung hindi dahil sa itinawag niya sa akin. Mukhang napansin niya ang pagtataka ko kaya inginuso niya sa akin ang harapan ko. Nabastusan pa ako dahil akala ko kung ano ang tinutukoy nito pero maya-maya’y nalaman ko rin ang pinupunto niya.
Dito ko napagtanto na sinuot ko nga pala ‘yung black crop top ko na may nakasulat na ‘Still Single’ dahil sa sama ng loob. Inalis ko pa maging ‘yung singsing na hindi ko alam kung para sa akin. Tuloy ay natawa ako sa lalaking kaharap ko bago umiling.
Kinuha ko mula sa bulsa ko ‘yung singsing ko at isinuot. Papakita ko pa lang sana ito sa kanya para malaman niyang na-misinterpret lang niya ang suot ko nang bigla na lang siyang tumayo. Hindi ko alam kung bakit takot itong umalis mula sa harapan ko. Para bang nakakita siya ng multo sa likuran ko kaya naman lilingon na sana ako…
Nang saktong umupo sa tabi ko si Dax.
Nagtagpo ang mga mata namin pero ako agad ang nag-iwas ng tingin kaya hindi ito tumagal nang mahigit pa sa isang segundo.
May kirot sa loob ko na unti-unting tumitindi dahil sa pagsulpot niya. Bakit nasundan pa niya ako rito? Alama kong magkasunod lang kami dahil nag-text sa akin si Harold. But of all places, bakit natunton pa niya ako? I thought I could have this night for myself.
Uubusin ko na sana ‘yung cocktail na hawak ko kung hindi lang siya nagmagaling at inagaw ito mula sa kamay ko.
“We’re leaving,” ma-awtoridad ang pagkakasabi niya nito pero mas lalo ko lang ginustong suwayin.
Ang lakas naman ng loob niyang magpakita sa akin pagkatapos niyang mawala basta? Pagkatapos niyang puntahan si Richelle ay ako naman ang puntirya niya? Masarap bang may dalawang babaeng pinagsasabay? Para kapag wala ang isa – may reserba?
Hindi ako kumilos mula sa kinauupuan ko kaya nakita kong humugot siya ng malalim na hangin. “Please, Reign,” pakiusap niya bago hinawakan ang kamay ko. Pinalis ko naman agad ang kamay niya. Animo nandiri dahil hindi ko alam kung saan niya ito inihawak kanina.
Para bang walang narinig, sa sobrang inis ko’y tumayo ako at padabog na naglakad palabas ng bar. Nagmadali ako’t wala nang lingon-lingon pa. Aalis ako dahil gusto ko, hindi dahil sinabi niya.
Nang akala ko’y nakaiwas na ako kay Dax, may nakasalubong naman akong mga lasing na lalaki .
“Eto pre, single pa. Mukhang masarap,” hindi ko alam kung paanong napadpad ang mga lalaking gaya nila rito at dapat lalagpasan ko na lang sana nang hawakan nung isa ang pang-upo ko kaya natigilan ako.
Kinagat ko ang labi ko. Mas kumulo ‘yung dugo ko ngayon at parang reflex, lumatay ang kamay ko sa mukha niya. Ramdam ko ang init na dala nito sa palad ko. Kahit papaano’y nakabawas ito sa inis ko kaya hindi ako magdadalawang isip ulitin.
Matangkad man at malaki ang pangangatawan ng lalaking nambastos sa akin ay hindi ako nagpatinag nang makita ko ang galit sa mga mata niya. Nakipagtitigan pa ako kahit akmang sasampalin din niya ako pabalik.
Kaya naman napasinghap ako nang imbes na ako ang masaktan sa gagawin niya, nakita kong nasa sahig na siya sa isang iglap lang, hawak-hawak niya ang putok niyang labi.
Nagulat ako nang makitang si Dax ang may gawa nito. Kaharap ko siya ngayon at imbes na pagkainis dahil sa hindi ko pagsunod sa gusto niyang itapon na ang suot kong damit, nakita ko ang labis na pagaalala sa kanyang mukha. Hindi niya malaman kung mga braso ko ba o mukha ang hahawakan niya bago siya nag-settle sa paghawak sa mga kamay ko – dahil parang ito ang pinakaligtas na hawakan sa ngayon.
“Baby… are you okay?” tanong niyang nangaalo. Yumuko ako para sana iwasan ang mga mata niya pero hinawakan niya ang mukha ko at marahan itong inangat.
Dapat hindi ako maiyak ngayon pero hindi ko mapigilan. Parang naipon lahat sa loob ko. Kahit na siya ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon, hindi ko alam kung bakit siya rin ang dahilan kung bakit naghihilom ang mga sugat ko.
Am I stupid? For being this in love with this oblivious man?
Maingat na pinunasan ni Dax ang bawat luhang lumalandas sa pisngi ko. Sunod-sunod na tanong ang pumasok sa isip ko pero kahit isa ay wala akong nabigkas. Hindi rin niya ako pinilit magsalita. Naramdaman ko na lang ang paghalik niya sa noo ko.
“It’s okay… I’m here. I’m not leaving you again.”
Niyakap niya ako nang mahigpit. It’s like I’ve been waiting for this moment to happen. Napapakalma niya ang puso ko.
Gusto kong maniwala. Gustong-gusto ko. Pero hindi ko pa yata kaya sa ngayon.
Tinulak ko siya papalayo. Dito ko nakita na nakabangon na ‘yung lalaking sinuntok niya at akmang babawi ng suntok nang maramdaman yata ito ni Dax kaya mabilis siyang lumingon at sinikmuraan ito. Muli itong tumumba sa sahig at para bang hindi na makakabangon ulit.
“Stay away from my wife.”
Parang pinipiga ang puso ko ngayon. Hindi ko matanggap na hindi ko kontrolado ang emosyon ko. Kaya bago pa man ako bumigay agad sa pagso-sorry ni Dax, mas pinili ko nang tumakbo papalayo .
Tinakasan ko si Dax. Tinakasan ko ang lalaking mahal ko.
***
Inis kong inihinto ‘yung tugtog sa playlist nang marinig ko pa lang ang instrumental ng kantang Rainbow. Pagkatapos ay inayos ko ang itim na shades sa ibabaw ng ulo ko bago binalik ang atensyon sa librong binabasa ko. Nasa huling pahina na ako ngayon pero mukhang hindi pala maganda ang ending nito kaya mas na-bad trip lang ako. Pakiramdam ko’y sinayang ko ang oras ko sa pagbabasa e hindi naman magkakatuluyan ‘yung mga bida.
I no longer need stories with tragic endings – lalo na’t iyon na nga ang nararamdaman ko sa ngayon.
Pero dahil nasimulan ko na, tatapusin ko na lang ito.
Being here now, I think travelling for more than four hours was worth it. Lalo na’t napadpad ako sa Talisay beach dito sa El Nido, Palawan.
Nakadapa ako sa beach blanket na bohemian ang disenyo at hinahayaang maarawan ang exposed kong katawan. Dinarama ko rin ang presko’t malamig na hanging dumadampi sa aking balat. Animo’y tinatawag na ako ng dagat pero wala pa ako sa kundisyong lumangoy.
Siguro nga hindi pang supermodel ang katawan ko pero confident akong may laban naman ako sa kanila at iba pang mga babae dyan. Kaya nga noong mga panahong nagbabalak talaga akong mag-beach mag-isa, bumili pa ako online ng swimsuit na magpapakita ng hubog ng katawan ko. It’s a totally strapped bikini top and bottom. Kulay itim ito’t itinatali sa likuran ang itaas samantalang may dalawang strap naman sa gilid ‘yung pangibaba - plus cheeky cut back to accentuate my asset. Ito ang isinuot ko ngayon.
Kung may magandang bagay man na idinulot ang pagiging mag-isa ko sa lugar na ‘to, iyon ay ‘yung alam kong walang pwedeng magdikta sa akin ng tama’t maling gawin. Malaya akong makakakilos, pwede akong magdesisyon para sa sarili ko, at higit sa lahat - walang mangingielam sa pananamit ko.
This book sucks. Sabi na’t hindi nga sila magkakatuluyan sa huli.
Pagkasarado ko ng libro ay agad ko itong inilagay sa loob ng bag ko. Ito na ang huling librong dala ko dahil akala ko hindi ko kakailanganing magbasa pero mukhang nagkamali ako.
Umikot ako’t tamad na humiga bago isinuot muli ‘yung shades ko.
Napadpad ako sa Talisay beach dahil dito kami dinala ng nagbabangka. Hindi lang ako mag-isa dahil may mga nakasama rin akong turista. Sumama ako sa tour dahil kailangan. Habang ang ilan ay may lahi, ‘yung iba naman ay mukhang purong Pilipino. Maaga kaming umalis galing Puerta Princesa papunta rito.
Dito sa beach na pinagdalhan sa amin, kakaunti lang ang tao kaya naman ramdam ko ‘yung kapayapaan. Sobrang linis ng tubig at puting-puti rin ang buhangin. Ang hirap makahanap ng bagay na pwedeng ipintas. Kahit tuloy sobrang ingay ng isip ko ngayon, kahit papaano’y nakatulong ang lugar na ‘to para mapakalma ako.
Kakatapos lang namin mananghalian kaya habang ‘yung iba nagtatampisaw na sa dagat, ‘yung iba naman ay panay pa rin ang pagkuha ng litrato. Napangiti na lang ako.
Dito sa lugar na napili kong puntahan, pakiramdam ko nasa ibang mundo ako.
Inilabas ko ang phone ko at hindi na nagtaka nang makitang marami pa ring messages na karamihan ay puro pagbati. Sinilip ko naman ito at dahil halos lahat ng nagpadala ay hindi ko naman kilala, hindi ko na lang binuksan pa isa-isa. Sigurado akong laman ng balita ngayon ang tungkol sa kasal – syempre para makarating agad ang balita sa investor na nililigawan ng mga Savage.
After all, para lang naman talaga sa investor ang kasal namin ni Dax. Tuwang-tuwa siguro ngayon si Mrs. Savage dahil naisakatuparan na lahat ng gusto niya.
Pinili kong buksan ‘yung mga messages nila Kuya dahil ayoko namang mag-alala sila. Sinabi kong nakarating na ako rito sa Palawan at ngayon ay nagsasaya. Hindi ko na binanggit pa ‘yung lalaking nangiwan sa akin sa ere.
Kuya MJ: Sinuot mo ba ‘yung gift ko kagabi?
Umirap ako sa kawalan habang natatawa sa kakulitan ng kuya ko. Sana nga lang ‘di ba, sana nasuot ko nga kagabi ‘yung regalo niya. Pero hindi. Umiiyak akong nakatulog dahil nasaktan ako. Nasaktan na naman ako dahil paulit-ulit akong umaasa.
Nabuksan ko rin ‘yung chatbox ni Miguel. Na-seen na niya ako pero wala siyang pag-reply. Pati ba naman siya ay iiwanan ako?
Naghanap pa ako ng magandang signal bago ko napuntahan ‘yung blog na The Darkest Hour. Para naman kahit papaano ay malibang ako. Natuwa naman ako dahil may update ito.
The blogger just posted a picture of clouds. Halatang kuha ito mula sa eroplano. Simple lang pero gaya noon ay maganda ang anggulo at malinis. May maigsing mensahe ulit na kasama ito.
For he has feet but couldn’t run, he has wings but couldn’t fly
May paa pero ‘di makatakbo? May pakpak pero hindi makalipad? Tao pero hindi kayang kumilos para sa sarili?
Iniisip ko pa lang sana ang kahulugan nito nang mag-ring ang phone ko. Nakita kong si Dax na naman ang tumatawag kaya napairap ako sa kawalan. Hinayaan ko lang mag-ring nang mag-ring ang phone ko at binato ito sa loob ng bag ko.
Kagabi pa siya tumatawag at panay din ang text niya. Inaalam niya kung nasaan ako pero hindi ko sinasagot. Wala akong reply na binibigay sa kanya dahil ito rin naman ang ginawa niya sa akin noon. Kung hindi niya ako kayang tratuhin ng tama, ay kayang-kaya ko ring gawin iyon sa kanya pabalik. Kahit doblehin ko pa.
What happened last night cannot compensate the pain he caused me.
Oo’t iniligtas niya ako. Pero paano ako makakasigurado na ginawa niya ‘yon dahil gusto niya? Baka naman inutusan na naman siya ng nanay niya. O baka para na naman sa kontratang pinirmahan ko. Ito ang mga naisip ko kagabi nang takasan ko siya.
Dahil ramdam kong nagiinit na naman ang ulo ko, pumikit akong muli at naramdaman ang pagtama ng sikat ng araw sa mukha ko. Huminga ako ng malalim at pilit na binalik ‘yung kapayapaan sa buong sistema ko. Nasa bakasyon ako kaya dapat ma-enjoy ko ito.
Siguro’y ilang minuto lang ang lumipas, medyo inaantok na ako, nang mapansin kong wala nang liwanag na tumatama sa akin. Ang bilis naman kung hapon na. Parang lumilim bigla na ipinagtaka ko kaya dumilat ako para makita ang dahilan.
Lumukot ang noo ko. Dahil nakaharang siya sa sikat ng araw ay hindi ko siya makita ng malinaw ngayon – against the light. Nakita ko lang na nagaalis na siya ng suot niyang white beach polo kaya tuloy na-expose ang banat na banat na muscles nito sa braso. Nakasando na lang siya ngayon at kahit galit ako, imposibleng hindi ko makilala ang katawan na ‘to.
Sa lahat ba talaga ng lugar ay masusundan niya ako?!
Kumunot lalo ang noo ko nang ilatag niya ‘yung polo niya sa ibabaw ng dibdib ko na dahil sa laki’y tumakip lagpas sa beywang ko. Para itong nagging kumot ko. And I know what he was doing.
Umupo kaagad ako kaya nalaglag ‘yung damit niya sa hita ko. Bumaba siya nang bahagya para maging magkalebel ang mukha namin. Dito ko nakita ang madilim na ekspresyon ng mukha niya pero imbes na matakot ay sinabayan ko lang ito ng inis ko.
“Wala bang nangyaring masama sa ‘yo papunta rito?” tanong niya at kahit kita ko ang sinseridad sa tanong niya ay nagbulag-bulagan ako.
“Kaya ko ang sarili ko.”
“You got yourself in trouble last night.”
“And so? It’s my talent. Hindi ba’t kaya nga rin ako naikasal sa ‘yo? Kaya ako na-hire bilang asawa mo?”
Yumuko siya sandali na para bang humugot ng pasensya bago tumingalang muli sa akin. Napatitig siya sa dibdib ko at kahit nag-init ang pisngi ko ay hindi ako nagpaapekto. Hinayaan ko lang pagmasdan niya ako nang buong-buo.
Aba maglaway ka Savage! Ito ang hindi mo pinili!
Pumikit siya at napahawak sa sentido niya. Hinimas niya ito na para bang napasakit ko ang ulo niya.
“Baby, you’re not allowed to wear-”
“No Dax, I am allowed to wear anything I want. Kahit maghubad pa ako rito ay choice ko ‘yon. Gaya ng choice mong pag-iwan sa akin sa tuwing humihingi ng saklolo ang ibang babae,” binato ko nang malakas sa buhangin ‘yung damit niya at agad tumayo pagkabitbit ko sa bagpack ko.
Hinawakan ni Dax ang kamay ko bago tumayo kaya hindi ako nakapaglakad. When he finally let go of my hand, he’s already towering me. Tuloy ay bumilis muli ang kabog sa dibdib ko na ngayon ay hindi ko pinansin.
His jaw clenched as he stared deep into my eyes. “Please Reign, let’s talk,” pagsusumamo niya.
Natawa ako dahil hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya sa akin ngayon. Ngayon pa talaga niya ito naisip? E noong araw nga ng kasal namin, basta na lang niya akong iniwan. ‘Ni hindi man lang niya naisipan magpaalam.
Dahan-dahan kong inilapit ang katawan ko sa kanya, our chests almost pressing and the warmth of our bodies almost colliding. Maging ang kaibuturan ko ay apektado sa ginagawa ko pero mas matalino ang utak ko ngayong araw. Siguro’y napagod talaga ang puso ko kaya nagpapahinga muna sa mga oras na ‘to.
Pagkatapos ay mabagal akong tumingala, bahagyang tumingkayad para maging magkatapat ang mga ilong namin bago namin tiningnan ang isa’t isa nang diretso. Nakita ko na naapektuhan siya sa ginagawa ko lalo na nang hawakan ko ang braso niya kaya nakuntento na ako rito. Hinimas ko pa ito hanggang sa medyo mapapikit siya.
Sige lang, Savage.Kaya pa?
Ngumiti ako hanggang sa lumabas ang lubog sa magkabilang gilid ng labi ko. Nang tuluyan na niyang isinarado ang mga mata niya ay tsaka ako nagsalita.
“Manigas ka.”
Pasensya na pero hindi ako ‘yung tipo ng babaeng manlilimos ng atensyon ng isang lalaki. Kung hindi makita ni Dax ang halaga ko, kailangan malaman niyang kawalan niya ‘yon.
Napahawak sa batok si Dax nang ilayo ko ang katawan ko mula sa kanya. Yumuko rin siya na para bang ‘di alam ang sunod na gagawin. Kaya naman habang nawawala siya sa sarili, kinuha ko itong pagkakataon para muling makatakas.
Bawat pagkilos ko ngayon ay hindi ko na pinagiisipan. Kung ano lang ang maramdaman kong gawin ay iyon ang sinusunod ko. At dahil ayoko munang makasama si Dax, heto ako’t panay ang pagiwas sa kanya.
Hindi kalayuan, nakita kong sumasakay na sa bangka ‘yung mga kasama ko kaya mabilis na rin akong sumunod sa kanila. Dahil hindi naman kasama si Dax sa tour na sinalihan ko, naisip kong hindi na niya ako magagawa pang sundan sa wakas.
Kaya lang parang walang imposible pagdating sa kanya kapag ginusto niya. Isa nga siyang Savage.
“Excuse me... thank you,” narinig ko ang boses ni Dax pagkaupong-pagkaupo ko. Mukhang kasunod ko lang ito! Napatingin tuloy ako sa mga taong pasakay ng bangka at nakitang inunahan pa niya sa pagupo ‘yung lalaking katabi ko kanina. Tuloy ay kaming dalawa pa ang magkatabi ngayon.
“Kuya may sumakay na ‘di naman natin kasama kanina!” sigaw ko para marinig ng lahat sabay turo kay Dax. Ngumuso pa ako at nagpaawa para labanan ang inosenteng ekspresyon ng mukha niya.
Awtomatikong naging masama ang tingin ng mga tao kay Dax. May ilang inakap pa ang dala nilang mga bag na para bang iniisip nilang masamang loob ito. Tuloy ay kahit inis na inis ako sa kanya, muntikan na akong matawa dahil sa sitwasyon kung saan ko siya ipinasok.
“Oo nga parang hindi ko naman siya nakita kanina…”
“Siya yata ‘yung sakay ng speedboat!”
“Pogi naman, okay lang ‘yan.”
Iba’t ibang bulungan ang narinig ko bago lapitan ng bangkero si Dax. “Ser group tour ito-”
Nabigla ako nang hawakan ni Dax ang kamay ko. Pumalag ako pero mahigpit ang hawak niya sa akin nang iangat ito sabay pakita sa lahat ng suot naming singsing. Sabi na’t dapat ay hinubad ko itong muli! Kung bakit ba naman kasi natakot pa akong mawala ito kaya isinuot ko na lang!
“She’s my wife… and I followed her here because I want to apologize for hurting her.”
Nag-init ang ulo ko dahil sa narinig ko mula sa kanya. Proud pa talaga siya sa ginawa niya? Binawi ko kaagad ang kamay ko dahil sa sobrang pagka-dismaya. Hinampas ko siya ang malakas sa dibdib. Ang lakas naman ng loob niyang sabihing asawa niya ako gayong madali lang niya akong naiwan nang may ibang babaeng nangailangan sa kanya.