Kabanata 21

3509 Words
Bakit bumili ka pa ng ibang singsing? Hindi ba’t may inihanda na si Mrs. Savage? Pangarap kong bigyan ka ng bagay na gusto ko – na ako mismo ang pumili. Kahit na puro classical songs ang naririnig ko ngayon, mas maingay pa rin sa tainga ko ang naging paguusap namin ni Dax bago kami dumiretso sa reception. Tiningnan ko ang suot kong singsing. Maganda ito pero para sa akin ba talaga? Pakiramdam ko kasi habang pinipigilan ko, mas lalo naman akong nagiging paranoid. Siguro nga gaya lang din ako ng ibang babae sa parteng ito. Tinitigan ko ang letrang R sa singsing. Reign… Richelle… para sa akin ka ba talaga? Sino ba naman kasing magaakalang bibilhan ako ni Dax ng singsing? Kontrata lang ang relasyon namin kaya bakit kailangan pa niyang magabala? Dalawang bagay lang ang naisip kong sagot sa tanong na ‘to, first: that ring wasn’t actually meant for me or second: Philip Daxon Savage has feelings for me. Dahil sa bagay na ‘to na gumugulo sa isip ko ngayon, naparami tuloy ang kain ko. ‘Yung punong plato na inabot ni Kuya TJ sa akin, wala pang ilang minuto ay simot na. Ako tuloy ang nakaramdam ng hiya lalo na’t hindi ko napansin kung pinanuod ba ako ng ibang tao kumain. Alam kong lahat ng mata ay nasa akin ngayon. Sabagay, napahiya naman na ako sa parehong lugar noon, maliit na bagay lang kumpara sa chocolate fountain ang pagkain ko. Dito kasi sa Savage Hotels Manila ang reception ng kasal namin. Kumpara kanina sa simbahan ay mas marami ang bisita ngayon, karamihan ay empleyado ng Savage Enterprises. Parang company event tuloy ang naging dating nito. Umirap ako sa kawalan nang mapansin kong nandito rin pala si Joaquin. Umiinom ito ng wine sa pica pica station habang nakatingin sa akin ng masama. Kitang-kita ang mga pasa’t sugat sa mukha niya kaya mukhang matindi ang tinamo niya mula sa kamay ng mga tauhan ni Kuya PJ. Hindi ko na kasalanan kung pinarusahan siya ng mga kapatid ko dahil sa panloloko niya. Pero iba pa rin ang parusang ibibigay ko sa kanya. Lumukot ang noo ko sa pagtigil ng tunog ng cello. Natahimik kasi bigla ang buong paligid. Nakita kong hindi lang din ako ang napagisip nito. May technical difficulties ba? Pero Malabo. Pagdating sa mga Savage, dapat lahat ay perpekto. Mas ipinagtaka ko pa nang mapalitan ito ng pamilyar na tugtog. Muntikan na akong mapatayo dahil alam ko kung ano ang kantang ‘to. Isa kasi ito sa mga kantang nasa playlist ko. Isa ito sa mga kantang paborito ko. Sino namang magpapatugtog nito? Nagtatanong ang isip, ‘di raw maintindihan kung ano ang nararamdaman Bakit biglang naging OPM ang tugtugan dito sa reception? Sisilipin ko pa lang sana si Mrs. Savage nang may mag-abot ng kamay sa harapan ko. Pagtingala ko para malaman kung sino, awtomatikong naglaho lahat ng pagaalinlangan sa loob ko. “May I have this dance with my wife?” ...sa puso ko’y ikaw lamang ang nag-iisa Hinigit ko ang hininga ko nang malunod akong muli sa tingin ni Dax. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang nagbabadyang luha. At para bang may sariling buhay ang kamay ko nang makita kong pumatong na lang ito basta sa ibabaw ng kanyang kamay. There I saw him smile. ‘Yung ngiting kita ang sinseridad niya. Kahit kailan, ‘di kita iiwan. Kahit kailan, ‘di kita pababayaan. Kahit kailan… Bago niya ako isayaw ay lumuhod muna siya sa harapan ko at dumampi ang init ng labi niya sa likod ng palad ko. Bumilis na naman ang t***k ng puso ko. Gusto nitong tumalon sa saya. Hindi ako naniniwala sa mga fairytale pero pakiramdam ko, though it’s cliché, para akong prinsesa ngayon at siya ang prinsipe ko.  Ang sabi ni Bobbie ay wala kaming first dance bilang magasawa dahil inalis na rin ito ni Mrs. Savage sa program kaya hindi ko inasahang aayain ako ni Dax magsayaw. Tumayo ako’t dinala niya ako sa gitna kung saan may malakas na ilaw na tumama sa amin. Alam kong maraming mga matang nakatingin sa amin ngayon, may ibang hinuhusgahan kung sino ba ako’t nagpakasal sa akin ang tagapagmana ng Savage Enterprises, pero hindi ako nagpaapekto dahil kilala ko ang sarili ko. Alam kong nandito ang pamilya ko. At alam ko ring nandito si Dax. Tumitig lang ako sa mga mata niya at hindi inintindi kung may ibang tao man sa paligid. Inilagay ko ang mga kamay ko sa batok niya at humawak naman siya sa beywang ko. Para bang may kuryenteng dumaloy mula rito lalo na nang magsimula kaming magsayaw. Akala ko hindi marunong si Dax pero nagulat ako dahil siya pa ang naging gabay ko sa bawat paghakbang ko. “Alam mo, for someone who only knows how to work well, you surely know a lot of things.” Tumawa lang si Dax at walang naging komento tungkol dito. Seryoso naman kasi ako sa sinabi ko. Nagulat na ako noong marinig kong maganda ang boses niya, pero ngayong pati pagsasayaw ay alam niya, nagdududa na talaga ako kung puro pagtatrabaho lang talaga ang ginagawa niya sa buhay. Kung hindi ko siya kilala, iisipin kong may sikretong buhay siya. “Do you remember the first time we met?” pabulong na tanong ni Dax habang ingat na ingat akong hindi siya matapakan. “Oo naman. Paano ko makakalimutan ‘yon?” natatawang tanong ko pero nang tingnan ko si Dax ay seryoso lang ang tingin niya sa akin ngayon. Para bang may iniintay pa siyang sabihin ko kaya nailang ako. “Hindi ba’t nagmaakawa pa ako para lang makapag-apply?” mahina lang ang pagkakasabi ko nito. Dito ko napansin si Quinn dahil panay ang tunog ng camera niya. Mukhang kanina pa pala niya kami kinukunan ng litrato! “Naisip mo ba kahit minsan, paano kung sa ibang pagkakataon tayo unang nagkita?” hindi ko makuha kung saan papunta ang pinaguusapan namin ni Dax ngayon pero sinabayan ko na lang siya. “I don’t think that’s possible. Halos buong buhay ko nasa Batangas lang ako. Nagagawi ka ba sa lugar namin noon?” “Isang beses. Kakain sana ako ng bulalo.” “Nakatikim ka na ng bulalo sa ‘min?” medyo excited kong tanong. Iyon kasi ang the best sa lugar namin. Umiling siya. “Isang serving na lang kasi ang available noon. Kaya lang may college student na biglang sumulpot. Nagmakaawa siya sa tindera na sa kanya ito ibenta.” “At naagaw sa ‘yo ‘yung bulalo?” natatawang tanong ko at tumango siya. Hindi ako makapaniwalang naagawan ng pagkain ang isang Savage! “Bakit hindi mo pinaglaban?” He chuckled. “Nadala rin ako sa pagmamakaawa nung estudyante e. Pero pagkatalikod nung tindera, she stuck her tongue out at me.” Pareho kaming tumawa ni Dax. ‘Grabe! Nagpatalo ka sa isang college student?” hindi makapaniwalang tanong ko. “She’s not just a college student.” Tumingin siya sa akin at para bang napaisip pa sa sunod na sasabihin. “She’s… different.” “Don’t worry, papatikimin kita ng bulalo namin. Akong bahala sa ‘yo. May alam kong nagbebenta ng masarap na bulalo.” Hearing one of my favorite songs while slow dancing and laughing with Dax, this night suddenly felt perfect. Pakiramdam ko ang ganda-ganda ko bigla dahil sa paraan kung paano ako tingnan ni Dax. Wearing a backless lace train gown, it wasn’t that appealing to me at first. Lalo na’t kahit v-neck ito, long-sleeve naman ito at masyadong plain tingnan. Hindi kasi ako pwedeng magsleeveless gaya ng gusto ko dahil sa sugat sa braso ko at ito na ‘yung pinakamaayos na choice sa boutique na pinuntahan namin ni Mama. Ngayon ay nagbago na ang tingin ko rito. Parang mas naging elegante ako suot ito. Niyakap ako ni Dax kaya mas dumikit ang katawan ko sa kanya. Pinulupot ko na rin ang mga braso ko sa leeg niya. Parang magkayakap kami ngayon. Walang nagsasalita sa aming dalawa pero sapat na ‘yung sandaling ito para maparamdam sa akin na hindi ako dapat magsisi sa naging desisyon ko. Yes I was hired to be his wife, but it was my choice to accept the offer, it was my choice to stay. Sa pagtatapos ng tugtog ay muling pumasok ang classical song ni Mrs. Savage kaya bumalik na kami sa lamesa namin. Parang ang bilis-bilis lang ng naging sayaw namin kaya tuloy nainis ako sa agad na pagbabago ng tugtog. Napatingin pa ako kay Mrs. Savage at hindi ko alam kung bakit mukhang galit na galit ito. Pulang-pula pa ang mukha niya. Pero dahil perpekto na ang sandaling ‘to, I just ignored the bad feeling I had. “How did you pull it off?” manghang tanong ko kay Dax pagkaupo namin. “Ang alin?” “The song! Ikaw ba ang pumili? ‘Yun ba ‘yung mga tugtugan mo?” Tumingin siya sa malayo na para bang nahiyang sagutin ang tanong ko kaya natawa ako nang mahina. “Same pala tayo ng taste ah,” sabi ko na lang dahil baka naiilang siya sa ganitong usapan. Sigurado akong darating din ang panahon kung kailan mas madali na siyang masasabi sa akin ang laman ng isip niya. And until them, I’m willing to wait. “Diretso na pala tayo pagkatapos ng reception,” sabi niya bigla kaya natandaan kong pupunta nga pala kami sa Palawan ngayon! Hinawakan ko ang braso niya at inalog siya ng bahagya sa sobrang excitement.  “’Di na ako makapaghintay!” humalakhak siya kaya mas lalo ko siyang inalog at kinulit. Ilang sandali na lang kasi matatapos na ang party. Tuloy ay mas lalo akong nasabik. Naiisip ko pa lang ‘yung kulay asul na dagat ay hindi na ako mapirmi sa upuan ko. Isama pa nung ideya na magkahawak ang kamay namin ni Dax habang nakaupo sa malaking bato. Gusto ko nang umalis dito. Para naman kasing hindi amin ang kasal na ito kung hindi kay Mrs. Savage, siya ang nasunod sa lahat ng bagay. Kaya kung may pagkakataong makaalis dito, siguradong kinuha ko na. “May papakita ako sa ‘yo,” sabi sa akin bigla ni Dax at hindi pa man ako sumasagot, hinawakan na niya ang kamay ko at marahan akong iginiya palabas ng venue. Hindi ko alam kung saan niya ako balak dalhin pero sumama pa rin ako. Sumunod ako nang sumakay siya sa elevator. “Saan tayo pupunta?” tanong ko pero excited ako kahit saan man ito. Sabi ko nga, mas gusto kong umalis sa wedding at reception naming dahil mukhang hindi naman ito para sa amin. At nabasa niya yata ang laman ng isip ko kanina kaya ngayon ay paranag tinatakas niya ako. Pinindot niya ang rooftop at naghintay kami hanggang sa makarating dito. Magkahawak ang mga kamay namin kaya dito ko lang itinuon ang atensyon ko. Hinigpitan ko pa ito kaya mas naramdaman kong hindi lang ito panaginip. “Siguro kung hindi ako nag-apply sa ‘yo, ibang kamay ang hawak mo ngayon,” bulalas ko na hindi ko rin inasahan mula sa akin. Ang akala ko kasi naisip ko lang ito. Pero nang lingunin niya ako, dito ko napagtanto na nasabi ko pala ng malakas ‘yung laman ng isip ko. “Hindi rin,” sabi niya kaya kumunot ang noo ko. Anong hindi rin? Pagdating namin sa rooftop, bumilog ang bibig ko at nanlaki ang mga mata pagkakita na punong-puno ng tullips ang paligid. Tumutugtog din ang paborito kong OPM song na kinanta namin noon sa kotse. “What is this?” mangiyak-ngiyak na tanong ko dahil sobrang ganda rito. Ngayon ko lang nalaman na may rooftop pala sa hotel nila. Pinuno niya ito ng tullips na hinanap ko kanina sa simbahan. Parang nagkaroon ng maliit na hardin dito. Sobrang ganda. “Sorry, ito lang ang kaya kong ibigay sa ngayon,” sabi ni Dax mula sa likuran ko pero umiling ako. “This is enough. This is more than enough,” pag-amin ko dahil para sa akin, kahit anong gawin niya para sa akin ay espesyal na. Isang bulaklak man o isang hardin, basta sa kanya galing ay masaya na ako. “Thank you,” dalawang salita lang ang sinabi niya bago ako niyakap nang mahigpit. *** Pagbalik namin sa reception ni Dax, may sasabihin pa sana ako sa kanya tungkol sa pagpunta naming ng Palawan nang makita ko si Kuya MJ sa harapan ko. Inalok din niya akong magsayaw kaya naman nagpaalam ako kay Dax bago pumayag dito. Labing walong taong gulang pa yata kasi ako noong huli beses ko siyang makasayaw. Debut ko noon. “Saan ba kayo nagpunta?” tanong niya. “Kanina pa namin kayo hinahanap!” “Nag-CR lang,” pagdadahilan ko. I won’t share that special moment we had to anyone. “Grabe, pwede pala talagang gumanda ang palaka,” komento ni Kuya MJ maya-maya kaya hinampas ko siya. Dito siya tumawa. “Joke lang! ‘Di ka naman mabiro!” Hindi lang si Kuya MJ ang nagsayaw sa akin dahil nagsunod-sunod sina Kuya TJ, Kuya PJ, at Papa. “Ingatan mo pa rin ang puso mo,” sabi naman ni Kuya TJ na para bang may mas malalim siyang pinanghuhugutan. “We all had our first love, papunta ka pa lang nakabalik na kami. At ang hiling ko lang, sana hindi ka matulad sa amin ng mga kuya mo.” Kung makapagsalita si Kuya TJ, parang tumatak sa isip niya kung sino man ang kanyang first love. Parang hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakaka-move on. Madalas kaming magusap magkakapatid pero ngayon ko lang napagtanto na never naming napagusapan ang mga love life nila. Nirerespeto ko rin kasi kung ayaw nilang maungkat iyon. Nagtagal kami ng halos isang oras dahil may mga bilin at pangaral ang bawat isa sa kanila – pwera kay Kuya MJ na puro kalokohan lang. Inabutan pa ako nito ng underwear bilang wedding gift! Gamitin ko raw sa unang gabi namin ni Dax! Pagbalik ko sa lamesa, napansin kong wala na rito si Dax. Nilibot ko ang mga mata ko para sana hanapin siya nang makita kong papalapit si Mama sa akin. “Pagdating niyo sa Palawan, wag kang magpapahuli-huli ah. Susunod ka lagi sa kanya-” “Ma, panglima ka nang nagsabi niyan. Opo susunod ako kay Dax, kakain ako ng tama, magiging responsable na ako, magiisip muna ako bago gumawa ng mga bagay-” Nahinto ako sa biglang pagyakap ni Mama sa akin. Maya-maya’y narinig kong sumisinghot ito. “I still can’t believe my baby girl just got married.” Hindi ako naiiyak kanina pero dahil kay Mama, ngayon mas naging malinaw sa akin ang lahat. Bumagsak na rin tuloy ang luha ko. “Ma, hindi na ako baby…” sabi ko kahit alam kong hindi ito ang punto ni Mama. “I know… And I can’t believe you grew up so fast,” Humiwalay siya sa akin at nagpatuloy sa pagsasalita habang pinupunasan ang basang pisngi niya. “Tatawag ka sa amin ah. And if there’s any problem, don’t hesitate to tell us. We love you so much, Reign.” Ako na ngayon ang nakaramdam ng pangamba. Ngayon lang nag-sink in talaga sa akin kung ano na ang pinasok kong sitwasyon. Ilang minuto kaming nag-iyakan ni Mama bago nag-announce si Tiffany na tapos na ang event. Hindi ko ito namalayan kaya nagulat din ako. Nakita kong nagsialisan na ‘yung mga guests at naiwan na lang ako kasama ang pamilya ni Dax at pamilya ko. “Si Dax?” tanong ko kay Bobbie dahil hindi ko siya makita sa paligid. Hindi ko alam kung saan na naman ito nagsuot. Nagkibit-balikat siya. “Parang nakita kong lumabas siya kanina e. May kausap sa phone.” Kinutuban ako ng masama. “May problema ba?” tanong ni Kuya PJ sa akin at umiling lang ako sa kanya kahit may ibang kutob na naman ako tungkol dito. Humarap ako kay Bobbie para sana tanungin pa ito pero nabigla ako dahil naglaho rin itong parang bula sa tabi ko. Ano bang nangyayari sa mga Savage? Lulubog lilitaw talaga. Hindi hinarap ni Mrs. Savage ang mga magulang ko’t basta na lang din umalis. Kahit ‘Hi’ o ‘Hello’ wala siyang sinabi. Nabastusan sila Mama at Papa pero para sa kanila’y hindi naman si Mrs. Savage ang pinakasalan ko kaya hinayaan na lang nila. Basta wag lang daw akong kakantiin nito dahil doon sila kikilos. Pagkalabas namin ng hotel, naabutan naming naghihintay si Harold sa akin. “Congratulations!” mangiyak-ngiyak na sigaw ni Harold pagkakita sa akin kaya naman natawa ako. Inabutan niya pa ako ng regalo kaya nag-thank you talaga ako at pinatahan siya. “Masyado lang akong masaya Ma’am para sa inyo ni Sir, pasensya na Ma’am,” sabi niya at natawa ako lalo dahil dito. Kahit maigsing panahon pa lang kami nagkakasama, alam kong mabuting tao ito kaya kumportable rin ako sa kanya. Lumapit naman ako kaagad ako sa kanya at pabulong na nagtanong. “Si Dax?” “Ma’am sabi ni sir magkita na lang daw kayo sa airport. Susunod daw siya.” “Nasaan ‘yung asawa mo?” tanong ni Kuya MJ. “May emergency lang pero sa airport na raw kami magkikita,” ngumiti ako bago nagpatuloy. “Ingat kayo pauwi sa Batangas ah. Tawag na lang ako kapag nakarating na kami sa Palawan.” Lumapit muna ako sa kanila para yakapin sila isa-isa bago ako patakbong bumalik sa sasakyan at pumasok sa loob. Sinarado naman ni Harold ang pinto bago bumalik sa driver’s seat. Mukhang naghihintay ang pamilya kong makaalis kami bago sila umuwi kaya pinaandar ko kay Harold ‘yung kotse. Binaba ko pa ang bintana at kumaway sa kanila habang umaandar papalayo ang sasakyan. Nang makalayo kami sa pamilya ko ay tyaka ko lang napakita ang totoong nararamdaman ko. Bumuntong-hininga ako. Inilabas ko ang phone ko at tinawagan si Dax pero hindi ito sumasagot. Ring lang ito ng ring. Kahit na naaalarma na ako ngayon, kinundisyon ko pa rin ang sarili ko. Kailangan kong kumalma dahil ang sabi naman ni Dax, susunod siya sa airport. Panghahawakan ko muna iyon sa ngayon kahit may pangamba na namang nabubuo sa loob ko. Pagdating namin sa airport, nagpaiwan na ako kay Harold kahit ayaw sana niya.   Sinubukan kong mag-text kay Dax. Baka kasi hindi lang siya makasagot ng tawag. Baka may importante siyang ginagawa patungkol sa trabaho. Oo’t binibigyan ko pa rin ng rason ang bigla niyang pagkawala. Baka naman kasi may mabigat na dahilan ang biglang pag-alis niya. Reign: Nasaan ka na ba? Pagka-send ng text ko kay Dax, naupo ako’t naghintay muna. Nilibang ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pagbabasa ng libro pero kahit anong basa ko ay wala akong maintindihan. Siguro’y ilang minuto lang ang lumipas nang mag-vibrate ang phone ko. Nakangiti kong tiningnan ang screen ng phone ko na agad ding naglaho pagkabasa sa text na natanggap ko. Dax: Susunod na lang daw si Dax. Dalawang beses kong binasa ‘yung text dahil may mali rito. I even made sure I texted the right number. Bakit parang iba ang nag-text nito? Baka nanakawan siya! Pero paano naman mabubuksan nung magnanakaw ‘yung phone ni Dax? Naka-Face ID ito. Unless kasama niya si Dax.   Reign: Sino ka? Bakit hawak mo ang phone ni Dax? Kinakabahan ako dahil baka may masamang nangyari kay Dax. Parang namamatay ako kada segundong lumilipas. Hindi ako makahinga habang nakatitig sa liwanang ng phone ko. Dax: Sorry… si Richelle ‘to. Pinapunta ko siya sa bahay, magkasama kami ngayon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanginginig ang mga kamay ko nang tawagan ko ang numero ni Dax. Pero kagaya kanina, ring lang ito ng ring. Ano bang nangyayari? Akala ko ba wala akong dapat ipagalala? Sabi niya magtiwala lang ako sa kanya? Bakit kailangan pa niyang iparamdam sa akin na espesyal ako kung wala lang pala itong ibang kahulugan? Humigpit ang hawak ko sa maleta ko. Napuno ng galit ang buong sistema ko at para bang umiral na naman ang pagkilos ko nang hindi nagiisip. Isa akong Valderrama. Bakit ako maghihintay kung mas pinili niyang puntahan ang ibang babae sa araw ng kasal namin? Sa galit ko’y ginawan ko ng paraan para makaalis agad ako’t makarating sa Palawan – kahit mag-isa lang ako. Tutal naman, simula pa lanag ay parang mag-isa na ako sa laban. Kaya kung ang iba, aatrasan na lang ang honeymoon na ito, pwes hindi ako tutulad sa kanila. Kaya kong mag-enjoy kahit mag-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD