Kabanata 20

3295 Words
The Darkest Hour. Ito ang pangalan ng blog na nakatulong sa akin ng malaki noong mga panahong mas gusto kong mapagisa. Oo’t walang ibang tao sa tabi ko pero sapat na ‘yung mga litrato sa blog niya at maiigsing mensaheng kakambal nito para kahit papaano’y humupa ‘yung sakit na nararamdaman ko. Ngayon ay pinagmamasdan ko ang bagong litratong inilabas sa blog na ‘to. Sa unang tingin parang kulay itim lang ‘yung picture. Pero kapag tinitigan ng mabuti at ni-zoom, makikita ‘yung maliliit na liwanag dito. Malabong kuha kasi ito ng mga bituin sa langit. Hindi ko alam kung bakit iba ito sa kadalasang posts niya. Para bang cellphone lang ang ginamit na pangkuha kaya hindi ganuon kalinaw. Wala lang ba siyang dalang camera o baka sinadya lang ang pagiging malabo nito? Her tears fell down like the infinite stars; he stared at her wishing to catch one. Tatlong beses kong binasa ‘yung mensaheng kasama ng litrato. Pero iisa lang talaga ng pakiramdam na hatid nito sa akin. I could feel the pain despite not knowing what’s behind the picture and the real meanings of words that the blogger used. May kumatok sa pinto kaya mabilis ‘kong itinago sa likod ko ‘yung phone ko at awtomatikong ngumiti. Lumabas lang kasi si Quinn sandali kasama si Bobbie pero baka may guests na namang magpapa-picture kasama ako kaya kailangan kong iayos ang sarili ko. Dapat ay mas maging maingat ako dahil magiging Savage na ako. Mas lalong hindi ako dapat magpakita ng kahinaan. Dapat kong tandaan na iba ang mga Savage sa mga Valderrama. Kagabi kasi, kinausap ako ni Mrs. Savage pagkauwing-pagkauwi ko. Matinding galit niya ang bumungad sa akin dahil mukhang nagkagulo talaga sila sa biglang pagkuha ng pamilya ko sa akin. Hindi nila inasahan ang nangyari. At kung hindi pala ako nakauwi kagabi ay magpapapunta na sila ng mga tauhan nila para daanin sa dahas ang pagkuha sa akin. Idiniin niya ang kontratang pinirmahan ko. “Mabuti na lang sinunod ako ni Dax. Sinundo ka niya gaya ng utos ko,” tanda ko pang sabi ni Mrs. Savage. Kaya ngayon ay napaisip na naman ako kung ginusto ba talaga akong sunduin ni Dax sa Batangas o ginawa lang niya ito dahil inutos sa kanya. Bumukas ang pinto at una kong nakita si Kuya MJ, kasunod naman niya si Kuya TJ at Kuya PJ. Habang kulay maroon ang formal attire ni Kuya TJ, itim naman ang suot ni Kuya PJ. At sa kanilang tatlo, si Kuya MJ ang agaw pansin dahil kulay neon blue ang suot nitong suit. But of course, all of them look really good today. Halatang gusto nilang ipakita sa maraming tao na hindi basta-basta ang mga Valderrama lalo na’t ngayon ang araw ng kasal ko. Nakita ko naman na sila kanina noong puntahan nila ako rito kasama sila Mama at Papa. Kinuhanan kami ni Quinn ng litrato pero hindi lang nila ako nakausap ng mahaba. Ngayong malapit na akong tawagin para sa wedding ceremony, pinuntahan nila akong muli. Mabuti’t sumakto sila na walang ibang tao. “Babe! Sobrang ganda mo talaga-- Teka! Bakit malungkot ka?” mabilis na tanong ni Kuya MJ bago patakbong lumapit sa akin para mas titigan ang mukha ko. Muntikan pa itong madulas dahil sa pagmamadali. “May nagpaiyak ba sa ‘yo?” Lumapit na rin sina Kuya TJ at Kuya PJ sa amin. Tiningnan nila akong pareho para makumpirma ang sinabi ni Kuya MJ kaya ngumiti agad ako para pagtakpan ang totoong nararamdaman ko. “Sabi na’t mangyayari ‘to,” bulong ni Kuya PJ sa sarili. He was cursing under his breath. “Unang tingin ko pa lang sa lalaking ‘yon alam ko nang sa salita lang magaling.” “Kung gusto mo pang umatras, pwede naman babe. Nagiintay sa labas ‘yung sasakyan natin. Sabihin mo lang at iaalis ka namin kaagad dito,” ipinatong ni Kuya TJ ang kamay niya sa balikat ko na para bang sinasabi niyang ‘wala akong dapat na ipagalala kung nagbago na ang isip k tungkol sa kasal. “Oo babe. Kung sino man ang pipigil, mapapatay ko,” banta ni Kuya PJ at kita kong hindi ito nagbibiro nang sipain niya ang isang flower vase kaya nabasag ito. “Oy kalma lang! Kumalma muna tayo! Pakinggan muna natin siya!” singit ni Kuya MJ para pagaanin ang sitwasyon pero natahimik lang ang lahat habang nagiintay makarinig mula sa akin. Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kanilang tatlo. “Ano ba kayo, okay lang ako. Itutuloy ko ang kasal,” tumawa pa ako kahit halata ang panginginig nito. Kailangan kong sabihin ‘to dahil kung hindi’y posibleng magkaroon ng malaking gulo. Nagpunta ako ngayon dito sa simbahan dahil desidido na akong magpakasal kay Dax. At kailangan tanggap ko pati ang mga consequences na nakapaloob dito. Oo noong umpisa ay wala akong choice kaya ako napasok sa sitwasyong ito pero binigyan ako ng pagkakataong mamili sa Batangas. At si Dax ang pinili ko. Kaya may pagaalinlangan man ako dahil kay Richelle Gonzales, hindi ako ganuon kahina para basta na lang mapabagsak ng gaya niya. Lalo na at ako naman ang pakakasalan ni Dax ngayon. Kung tutuusin ay mas may laban dapat ako. Akmang magsasalita pa sana si Kuya PJ nang bumukas ang pinto at makita namin sina Bobbie, Tiffany at Quinn. Naguusap ng malakas ‘yung tatlo pero natigilan pagkakita sa mga kasama ko. “Ay pak! The brotherhood is here again! Winner mga besh!” pumalakpak si Quinn bago tumawa. Kanina pa niya pinagdidiskitahan ang mga kapatid ko kaya tawang-tawa talaga ako. Imbes nga na ako lang ang may solo shots kanina, dinamay pa niya sila Kuya. Pwera kay Kuya PJ na hindi talaga mapipilit, may solo shots sina Kuya TJ at Kuya MJ! “Reign we’ll start in a few minutes. Dumating na rin si Kuya,” sabi ni Bobbie sa akin pero nakatingin naman siya kay Kuya PJ habang nagsasalita. “Okay na ba lahat sa labas Bobbie?” tanong ko pero hindi ito sumagot. Sinubukan kong hintayin ang sagot niya pero para siyang natulala. “Bobbie?” “Ay ano ‘yon Reign?” parang biglang nawala sa sarili si Bobbie. Kanina lang ay ayos naman ito. “Tinatanong ko kung okay na ba lahat sa labas… ayos ka lang ba? May problema ba?” “Ah oo wala ka naman nang dapat problemahin. Just say yes mamaya kay Father-- I mean kay Kuya-- Ay basta mag ‘I DO’ ka lang kay Kuya kapag nagtanong si Father!” nagkandalito-lito na si Bobbie. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong maniwalang wala talagang problema. “Do you want water babe?” tanong ni Kuya PJ. “Okay.” “Hindi na!” Nagkasabay kami ng sagot ni Bobbie kaya nagkatinginan kami. Pumayag ako pero tumanggi naman siya sa tubig na inaalok ni Kuya PJ. Pero ako ang kausap ni Kuya PJ kaya baka namali lang ito ng pagkakaintindi. “I mean hindi na! Hindi na makapaghintay si Reign sa tubig na dadalhin mo PJ-- Kuya PJ!” Bobbie let out an awkward laugh ang sighed afterward. Parang nagbubuhol-buhol ang dila niya at hindi malaman ang sasabihin kaya ako ang nahihirapan para sa kanya. Bobbie is a people-person. Alam niya lagi kung ano ang dapat sabihin sa bawat sitwasyon. Kaya kung bakit nagkakaganito siya ngayon ay hindi ko rin maintindihan. Nawala ang atensyon ko sa kanya nang marinig ko ang malakas na pagtawa ni Kuya MJ habang nakikipagusap kay Quinn at Tiffany. Mukhang nagkakasundo silang tatlo kung ano man ‘yung topic nila. I think they started talking about working for our company kaya medyo naging seryoso ang usapan. Naramdaman ko ang paghawak ni Kuya TJ sa braso ko para makuha ang buong atensyon ko. Masyado yata kasi akong nalilibang sa ibang tao na nakalimutan ko ang sarili kong isipin. “Babe are you sure about this?” ilang segundo akong napatitig sa kanya bago tumango. “Sa totoo lang tutol pa rin ako sa kasal ninyo. Pero dahil nakita naming mukhang seryoso naman ang Savage na ‘yon sa ‘yo at gusto mo rin namang magpakasal sa kanya, kaya hinayaan ko na lang,” umigting ang panga niya na para bang nagsisisi siya sa naging desisyon. “Babe, I don’t think there’s anyone in this world that is worthy to marry you.” “Kinakabahan lang ako kuya…” “Hindi ka naman dapat kabahan. Ikasal ka man sa kahit na sinong lalaki, nandito pa rin kami para sa ‘yo. Walang magbabago. You will always be our little sister,” hindi ko napigilan ang sarili ko’t niyakap ko na si Kuya TJ nang mahigpit. Hindi madalas magsabi ng ganito si Kuya TJ kaya naman ang laking bagay marinig ito mula sa kanya ngayon. Kailangan ko ito para magkaroon ng lakas - para malagpasan ang araw na ‘to. May kumatok ulit kaya pinunasan ko agad ang luhang tumakas sa gilid ng mga mata ko bago humiwalay kay Kuya TJ. Dito namin nakita si Dax at parang bumagal ang buong paligid habang naglalakad siya papalapit sa akin. He wore a nice dark gray tuxedo with a white vest underneath. With his black hair brushed up and faded stubble, I could perfectly reminisce the first time I saw him – that breathtaking moment when he hired me to be his wife. He looked like the Adonis I always imagine in all the books I’m reading and my heart recognized him in an instant. Mainit ang tingin niya sa akin nang magtagpo ang mga mata namin. Pagkatapos niya akong iwan sa ere kagabi ay ngayon lang kami nagkaharap ulit. Paano’y hindi naman yata siya umuwi – o baka hindi ko na naman siya nakita dahil sa laki ng bahay. Tuloy ay si Bobbie na naman ang nakasama ko papunta rito sa simbahan. Katulong si Tiffany, siya rin ang punong-abala sa kasal namin gaya noong engagement party. “I think I haven’t properly introduced myself yet,” lumapit si Kuya TJ kay Dax kaya ngayon ay magkaharap sila. “I’m Tristan Jaxx Valderrama, CEO of Valderrama Corporation.” “Philip Daxon Savage,” inabot ni Dax ang kamay niya para makipagkamay pero hindi ito pinansin ni Kuya TJ. Lumapit din si Kuya PJ kay Dax. “Paul James Valderrama,” simpleng pakilala niya sa sarili na para bang napilitan lang dahil kay Kuya TJ. “Ako kilala mo naman na ‘di ba? Remember? ‘Yung chocolate?” singit ni Kuya MJ habang nakangisi. Hindi ko alam na nakikinig pala siya sa usapan. “Yes,” sagot ni Dax sa kanila pero nilapitan siya nung tatlo kong kapatid at pinalibutan. Pare-pareho silang matangkad at malaki ang pangangatawan kaya nang magsama-sama, maging ako ay hindi makahinga. Nahuli ko pa si Quinn na kinuhanan ng litrato ‘yung apat. “Marami na akong narinig tungkol sa ‘yo. Lahat magagandang bagay. Pero hindi ako naniniwalang may perpektong tao sa mundo. Kaya mag-ingat ka kung ayaw mong matuklasan namin ano man ang sikretong tinatago mo,” pananakot ni Kuya PJ. Una siyang umalis at nagpaalam pa si Kuya TJ at Kuya MJ sa akin bago sumunod sa kanya. Natahimik ang buong paligid. Ilang minuto rin ang lumipas bago nagsalita si Dax. “Pwede ko bang makausap si Reign ng kami lang?” Pagkarinig ng sinabi ni Dax ay agad namang sumunod ang lahat. Kaya naiwan na lang kaming dalawa. I locked eyes with him. May namimilipit sa loob ko na hindi ko maipaliwanag dahil sa prisensya niya. Lalo na nang makita kong pinapasadahan niya ako ng tingin mula ulo pababa. Para bang bawat bahagi ng mukha’t katawan ko ay kinakabisado niya. Hindi siguro siya natatakot sa kasabihan na bawal pa munang makita ng groom ang bride bago ang kasal. Siguro dahil alam naman niyang kahit anong mangyari, tuloy na tuloy ang kasal. Naglakad pa siya papalapit sa akin bago huminto sa harapan ko. Hinawakan niya ang mukha ko kaya napapikit ako habang dinarama ito. “You’re so so beautiful…” bulong niya, ramdam ng labi ko ang hangin galing sa bibig niya. “Why do you look so nervous?” Nang imulat ko ang mga mata ko ay saktong dumampi ang malambot niyang labi sa ibabaw ng akin. Mabilis lang ito pero agad nagising ang buong sistema ko. Kung totoo ‘yung halik ng mga prinsipe sa fairy tales, parang ito ‘yung nangyari sa akin ngayon. Yumuko ako at pumutol sa halik niya. Hindi ko kayang tumitig sa mga mata niya dahil parang nalulunod ako sa tuwing ginagawa ko ito. Nawawalan ako ng kakayahang mag-isip ng tama and that’s the least thing I would allow to happen now. May gusto akong malaman mula kay Dax pero hindi ako dapat maging impulsive. Dapat pagisipan ko ang bawat salitang lalabas sa bibig ko. Ano pa man ang nararamdaman ko para kay Dax, kailangan ay tandaan kong kontrata lang ang relasyon namin. I shouldn’t force him to feel the same because I agreed to this marriage, knowing that everything is pure business. Kung ano ang gusto kong makuha mula sa pagpapakasal ko kay Dax, ay hindi ko pa rin sigurado. Sa ngayon ay gusto ko lang na malapit ako sa kanya at ayaw kong may ibang babae bukod sa akin. Higit sa lahat, gusto kong may tiwala sa relasyon namin kahit na isang taon lang ‘to tatagal. Hinawakan ni Dax ang baba ko at marahan itong inangat para magtagpong muli ang mga mata namin. “I’m sorry again for what happened last night…” “Mukhang urgent nga e. Iniwan mo akong mag-isa. Anong bang ginawa mo?” kalmadong tanong ko at tumayo naman siya ng diretso sa harapan ko bago nagsalita. “Pinuntahan ko ‘yung dati kong sekretarya, si Richelle Gonzales. May emergency kasing nangyari,” paliwanag niya na medyo ikinatuwa ko kahit papaano dahil nagsabi siya ng totoo. Nabawasan ang bigat sa dibdib ko. “Ikaw talaga ang tinawagan niya? Ang bait mo namang boss,” medyo umiral na naman ang sarcasm ko. “Wala siyang ibang matawagan,” seryosong sagot ni Dax at sa tono ng pagsasalita niya’y parang ayaw na niya itong pagusapan. “Naayos naman ‘yung emergency?” tumango lang siya bago may kumatok sa pinto. “Kuya, in five minutes kailangan mo nang lumabas,” narinig namin ang boses ni Bobbie mula sa labas nito. Hinawakan ni Dax ang isang kamay ko at bahagya itong pinisil. “You don’t have to worry about anything else. Trust me.” Para akong sumugal sa pagtango ko sa kanya. Hinalikan niya ang noo ko pagkatapos. “I’ll wait for you at the end of the aisle. Don’t be too nervous, you might say no,” sabi niya bago ako tinalikuran. Nakailang hakbang na siya nang mailabas ko rin sa wakas ang isa sa napakaraming tanong sa isip ko. “Umuwi ka ba kagabi?” Hindi talaga ako mapalagay. Iniisip ko pa lang na natulog siya kasama ang ibang babae bago ang araw ng kasal namin ay nasusuka na ako. “Oo, umuwi ako kagabi,” buong-buong sagot niya. Hindi ko man makukumpirma kung nagsasabi siya ng totoo, sapat na sa akin sa ngayon ang marinig ito mula sa kanya. *** This is not the wedding day I’ve imagined. Habang nakahawak sa braso ni Papa, nagsimula akong maglakad nang marinig kong tinutugtog na sa cello ang wedding march. It was the usual song – nothing special. Dati kasi pinangarap kong OPM ang tugtog habang naglalakad ako sa kasal ko. Sinuyod ng mga mata ko ang buong paligid na puno ng mga taong hindi ko naman kilala. Ngumiti ako kahit na sobrang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa kaba. Ayos na rin siguro ito dahil wala rin naman akong masyadong kakilala. Baka hindi pa umabot ng isang row kung lilimitahan namin ang imbitado. Oo’t maganda ang dekorasyon ng simbahan dahil pinuno ng mga bulaklak, pero puro puting rosas ito at hindi tullips na paborito ko. Wala ring bubbles sa paligid. Kung sabagay, wala namang nagabalang tanungin ako tungkol sa gusto ko. After all, I’m just a pawn on the Savage’s chess board. Habang papalapit ako nang papalapit sa dulo ng aisle, mas nagiging malinaw sa paningin ko ang pamilya ko. Kaya mas lumawak ang ngiti sa labi ko, kinindatan ko pa si Kuya MJ na nagme-make face sa akin. Binaling kong sunod ang tingin ko kay Dax. Siguro nga hindi ito ‘yung dream wedding ko, pero ayos lang sa akin kung si Dax naman ang pakakasalan ko. Kahit hindi pa kami ikasal sa engrandeng paraan ay tatanggapin ko. “You have to be more responsible now, Reign. You always need to take into consideration how your husband feels, hindi ‘yung iyo lang. And you need to do everything to make your marriage last for a lifetime. Tandaan mong panghabambuhay ang papasukin mo,” sa haba ng bilin ni Papa’y hindi ko namalayang nasa harapan na kami ni Dax ngayon. Sa mga sinabi ni Papa ay mas kinabahan ako. Malamig tuloy ang kamay ko nang iabot niya kay Dax. “Tandaan mo ‘yung ipinangako mo sa amin,” sabi ni Papa bago kami naiwan ni Dax sa harap ng pari. Sinunod namin lahat nung mga nakikita ko sa kasal. But we weren’t asked to say our vows. Nakakadismaya lang. Inalis nila ang parteng ito para raw mas madali nang matapos ang kasal ayon kay Mrs. Savage. Mukhang kating-kati na itong matapos ang lahat kaya lang bakit iyon pa ang kailangan niyang alisin? “Philip Daxon Savage, do you take Reign Valderrama to be your wife? Do you promise to love, honor, cherish, and protect her, forsaking all others, and holding only unto her forevermore?” “Yes, I do,” mabilis na sagot ni Dax. Para bang hindi na niya ito pinagisipan. “And Reign Valderrama, do you take Philip Daxon Savage to be your husband? Do you promise to love, honor, cherish, and protect him, forsaking all others, and holding only unto him forevermore?” Biglang tumigil ang mundo ko. Nakatitig ako sa mga mata ni Dax at para bang nakita ko rito ‘yung future ko kasama siya. I could see us smiling and laughing one afternoon as if we enjoy the life we have together. It was so simple and I couldn’t see any regrets from us... Bumalik ako sa wisyo at nakitang nagiintay sa akin ang lahat ngayon. Nakatayo na sila Kuya na para bang nakahandang itakas ako sakaling umayaw ako sa kasal. Si Dax naman ay puno na ng pangamba ang mukha. Akmang uulitin pa yata ni Father ‘yung tanong nang ibigay ko na agad ang sagot ko “Yes, I do!” Kung may posibilidad na magkatotoo ‘yung imahinasyon ko, nakahanda akong tumaya sa pamamagitan ng kasal na ‘to. Magsusuot na kami ng singsing sa isa’t isa pero wala pa ‘yung mga singsing sa amin kaya napatingin kami kay Bobbie. Siya kasi ang nagtago nung singsing sa pagkakaalam namin. Nanlaki ang mga mata ni Bobbie. Mukhang may nangyari sa mga singsing kaya agad siyang humingi ng tulong para hanapin ito. Dahil ilang minuto rin ang lumipas habang ginagawa niya ito, narinig namin ang pagkainip ng mga tao. Kahit ako’y nangangalay na ngayon dahil sa suot kong heels. Hindi ko tuloy alam kung dapat ko bang isipin na pinipigilan kami ng tadhana ikasal. Bakit naman kasi sa lahat ay ito pa ang mawawala o makakalimutan. Humalukipkip ako at tumingin sa kawalan. Nakahanda na akong hindi matuloy ang kasal nang may biglang hinugot si Dax mula sa bulsa niya. “I was actually planning to give these to you on our honeymoon. Kaya lang mukhang kailangan na natin ‘to ngayon,” sabi niya pagkaabot ng pulang box sa akin. Binuksan ko naman ito nang walang tanong-tanong at dito nakita ang dalawang singsing. They’re both yellow gold pero ‘yung mas maliit ang size, may kasamang diamante. “When did you-” “Last night. Kaya rin ako ginabi ng sobra kasi inintay ko pang matapos ang pag-engrave ng initials natin,” sabi niya at dahil dito’y nabura agad ‘yung pagdududa ko sa nangyari kagabi. Kinuha ko ‘yung isa at sinilip ang naka-engrave dito gaya ng sabi niya. At tama siya, it really has our initials. R & D But how sure am I that it’s really mine? Muntikan ko nang makalimutan, hindi lang pala ako ang babae sa buhay ni Dax na nagsisimula sa letrang ‘R’ ang pangalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD