“Are you sure you can drive? Nandito naman si Harold...” Tanong ulit ni Bobbie sa akin pagkasakay ko sa driver’s seat. Tinanong na niya ito kaninang umaga nang maabutan niya akong sumusuka. Iniisip ko nang kausapin si Dax tungkol sa pinagdadaanan ko ngayon. Kailangan ko lang ng tamang timing o ‘di kaya kapag mas kumportable na akong makasama siya. Kahit naman may sama pa rin ako ng loob sa kanya, alam kong karapatan niyang malaman kung buntis nga talaga ako. “Yes. Kaya ko. Malapit lang naman ‘yung office,” sagot ko sa kanya bago kumaway para magpaalam. Maaga akong umalis para hindi kami magpang-abot ni Mrs. Savage. Nakakatawa lang at hanggang ngayon yata, dahil sa laki ng bahay nila, hindi pa rin niya alam na sa iisang bahay kami natutulog. Baka nga kahit may magnanakaw na hindi pa r

