Mabuti na lang nakadikit pa ‘yung labi ko sa tasa ng kape. I was able to hide my clenched jaw from Richelle. Nanginginig ako sa galit pero itinago kong pilit para makuha ko ang gusto ko mula sa kanya. “I thought you love him...” Hindi ba’t iyon ang pinapalabas niya lagi sa ilang beses naming pagtatagpo? Pero parang ang dating ngayon, iba ang intensyon niya sa pagsira ng relasyon namin ni Dax. Tumawa siya nang malakas. “Ang inosente mo talaga kahit kailan.” “What do you mean?” “Gusto sana kitang kausapin ngayon para mapilit na makipaghiwalay kay Dax. Pero dahil ikaw naman na mismo ang nagsabing makikipaghiwalay ka, mukhang wala na akong kailangan pang problemahin. Salamat.” “Why are you doing this?” kinikilabutan ako sa kanya. Hindi ko maintindihan ‘yung buhol-buhol na utak niya. Muk

