Chrollo's POV Nagalit ako at ipinapirma ko sa kaniya ang divorce paper na matagal ko nang itinatago. Ang inaakala ko ay hindi niya iyon pipirmahan. Nang kumalma ako, gusto ko siyang kausapin tungkol sa nangyari ngayong gabi. Masaya ako dahil nabuntis ko si Amery pero may pinagtatakhan din ako sa kaniya kung bakit napakabilis niyang nabuntis. Nang bumalik ako sa mansion, wala na si Daisy. Hindi ko akalaing nakaya niyang sugurin ang lakas ng ulan. Hinanap ko siya pero hindi ko ito natagpuan. Alam kong wala siyang mapuntahan dahil nasa ibang bansa na ang ate niya. Pinuntahan ko siya sa mga kaibigan niya pero wala siya at wala silang alam na umalis na siya. Nang bumalik muli ako sa mansion, naroon na si Amery at masaya niya akong niyakap. Hinalikan niya ang labi ko at sinabi nga niya puwede n

