
WARNING: RATED SPG
Alam kong sa papel lang kami legal pero ang puso niya kailanman hindi ko ito makukuha sa babaeng tunay nitong minamahal.
-Daisy
Daisy Mantilla isang babaeng ubod ng ganda, matalino at punong-puno ng pangarap. Chrollo Freecz isang mayamang negosyante at isang CEO ng Freecz Group of company or FGC. Magkaibigan ang kanilang mga ama simula sila ay mag-aaral pa lang sa elementarya. Napagkasunduan nilang ipagkasundo ang kanilang mga anak dahil iyon sa pagbubuklod ng kanilang pamilya. Subalit lingid sa kanilang kaalaman, may kasintahan si Chrollo siya ay si Amery Laurente na tagapagmana ng isang napakalaking hacienda sa palawan at anak siya ni Don Juanito Laurente.
Nagpakasal sina Daisy at Chrollo subalit kailanman ay hindi niya minahal ang babaeng pinakasalan nito. Nagpatuloy ang relasyon nina Chrollo at Amery. Sa hindi inaasahan, nabuntis ni Chrollo si Daisy. Laking-galit naman ni Amery kay Daisy at sila ay nag-away dahil sa inakusahang niyang inagaw nito ang kaniyang kasintahan. Minahal na ni Daisy si Chrollo sa kabilang turing nito sa kaniya ay isang asawa lang sa isang piraso ng papel. Sa kabilang banda mas pinili pa rin ni Chrollo si Amery at ipinapapirma nito ang divorce paper sa kaniya. Iyon na rin ang simula nang paglayo ni Daisy sa kaniya. Ang hindi nito alam, nagdadalantao na ito nang pirmahan ng dalaga ang kanilang divorce paper upang maging malaya na rin sa kamay ng binata.
Makalipas ang apat na taon, upang masuportahan ni Daisy ang kaniyang anak nagtrabaho ito sa isang kumpanya bilang sekretarya ng isang mayamang CEO. Sa hindi inaasahang pagkakataon, naging boss nito ang dati niyang asawa.
Malalaman ba kaya ni Chrollo na mayroon silang anak ni Daisy?

