Prologue

338 Words
"Alam kong sa papel lang kami legal pero ang puso niya kailanman hindi ko ito makukuha sa babaeng tunay nitong minamahal," saad ni Daisy sa kaniyang sarili habang itinitayo ni Chrollo si Amery mula sa pagkakatulak nito sa kaniya. Lumapit si Chrollo sa kaniya at dinuruan niya ito. "Hindi na ako makatiis Daisy! Tutal patay na rin ang ama mo at ama ko, siguro heto na ang oras para pirmahan mo na itong divorce paper natin. Enough na siguro ang pagtitiis ko sa dalawang taon tayong kasal. You know naman kung bakit tayo nagpakasal, right?" Sa totoo lang si Amery ang naunang sumugod kay Daisy upang saktan niya ito. Nakayakap lang si Amery kay Chrollo at halata sa kaniya na nasasaktan siya at nagseselos sa tuwing magkayakap sila. Inilapag ni Chrollo ang divorce paper sa mesa at bigla na lang umalis ang dalawa. Pagkaalis ng dalawa, tahimik na pinirmahan ni Daisy ang divorce paper at saka na nag-impake para umalis na siya sa mansion ng mga Freecz' family. Iniwan nito ang singsing na may kalakip itong sulat nang pamamaalam sa kaniyang asawang si Chrollo. Kahit malakas ang ulan ay umalis ito sa mansion at hindi na ginampala pa ang mga nakatira sa mansion. Tahimik din siyang umalis at habang naglalakad siya sa kalsada, patuloy ang pag-agos ng kaniyang luha. Basang-basa na siya at hinimas nito ang kaniyang tiyan dahil dalawang buwan na pala itong buntis. Nang makauwi naman si Chrollo, nakita nito ang singsing at sulat ni Daisy. Nakita niya rin ang pinapirma nito sa kaniya at pinirmahan niya ito. Hinanap nito ang gamit ng asawa subalit wala na rin siyang iniwang gamit. "Nagpapakamatay ka ba?!" pagalit na bulong ni Chrollo sa kaniyang sarili dahil nakikita nitong napakalakas ng ulan. Dali-dali itong sumakay sa kaniyang sasakyan para hanapin ang kaniyang asawa. Pinaghahanap niya ito ngunit hindi niya ito mahanap. May isang guwapong lalaki namang isinakay si Daisy. "M-Miss, saan ka bababa?" tanong ng lalaki sa kaniya. "S-Sa airport," tugon nito sa lalaki habang lumuluha siya nang walang tigil.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD